17: The Wondering

12.5K 236 13
                                    

May mini victory party ang basketball namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mini victory party ang basketball namin. Tamang salo-salo lang sa isang restaurant. Ang nakakagulat lang, isinama nila kami ni Dillion sa party kasama pa ang ibang mga student media ng school namin. Ang masasabi ko lang, maingay! Nagkakagulo ang lahat sa pagkain, sa kaganapan kanina at sa akin? Gusto raw kasi nila akong maging firend. Tapos kung pwede raw ba ako maging muse nila at kung ano-ano pa. Si Dillion nasa tabi ko at nakikipagtalong wag daw akong kulitin. Para na raw ako sa student council.

Basta, nakakapanibagong makita ang ganito karaming tao at talagang parang masaya silang nandito ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Basta, nakakapanibagong makita ang ganito karaming tao at talagang parang masaya silang nandito ako. Masarap sa pakiramdam maliban na lang sa nananahimik sa kabilang dulo ng mesa. Kung legal lang ang uminom sa harapan ng mga coaches at faculties baka nalasing na si Owen. Inom kasi siya ng inom ng tubig na tila ba ginawa na niyang alak. Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero umiiwas din kaagad. Tapos nakailang beses na siyang tumatayo sa upuan niya para pumunta sa banyo. Ang weird niya.

I knew him as funny and sometimes annoyingly talkative bit now he seemed... different. Hindi lang ako ang nakapansin nito. Maski rin kasi ang ibang mga ka-teammate niya napansin 'yon. Lalo na si Mario Meriol. May pinag-usapan sila kanina pero noong magpunta sa banyo si Owen sabi ni Mario, "May sumpong ang baby natin." Pagkasabi niya noon, hindi na nila pinakialaman si Owen.

Sumpong? Parang wala sa character ni Owen 'yon o baka hindi ko pa talaga siya kilala 'di tulad ng mga ka-team niya.

"Excuse me," Paalam ko sa kanila bago nagpunta sa banyo. Nasalubong ko si Owen na papalabas. Eto talaga ang balak ko. Ang ma-corner siya para kausapin niya ako kung anong problema n'ya.

"Wala," Umiwas siya mg tingin sa akin matapos ko siyang tanungin.

"Anong wala? Maski mga ka-team mo pansin na may gumugulo sa isipan mo."

"Why are you here?" Tanong niya na parang hindi narinig ang litanya ko sa kaniya kung bakit siya nagkakaganito.

"Sagutin mo nga muna--"

"Sabi kong wag kang pupunta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sabi kong wag kang pupunta." Nilampasan niya ako.

Napamaang na lang ako sa inasta niya. Parang hindi si Owen!

***

I waited for him to knock on my window like what he usually did when he want to spend the night with me. Tapos makikita ko siyang nasa punong katabi ng bahay namin. Pag binuksan ko na ang bintana saka siya tatalon at papasok doon. Yet it had been a week since he visit me here. I tried to catch him at school but I didn't see him. I texted and called him too, but nothing... he disappeared. He didn't want to see me! Hindi ko alam kung bakit pero ilang araw ko na ring pinapaulit-ulit sa sarili kong wala naman akong dahilan para mainis sa pag-iwas niya sa akin kasi ano ba naman ako sa kaniya? Wala lang ako! Isa lang ako sa babae niya!

"Nalulukot na ang reviewer mo."

Halos mapatalon ako sa pagkaka-upo ko mag-isa sa library nang may tumapik at nagsalita sa likod ko.

"You scared me!" I hissed. Arden was here again bothering me. Napapadalas na ang paglapit niya uli sa akin. Which annoyed the hell out me. Ewan ko ba. Kala ko galit siya sa akin pero kakaiba ang ipinapakita niya sa akin ngayon. Ibang iba sa Arden na kilala ko. Dati mukha akong asong sunod nang sunod sa kaniya saan man siya magpunta. Ngayon, siya na ang naghahabol sa akin.

I won't deny that I liked it. I want attention and sure he was giving me enough of it. Pero wala na akong maramdamang katulad nang naramdaman ko dati sa kaniya. Siguro hindi talaga ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kaniya para baliwalain na lang siya ngayon. O baka masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Para naman kasing hindi ako mahalaga sa kaniya. Alam ko namang gusto niya talaga ang mag-aral pero sana kahit saglit na time lang bigyan niya ako. Maiintindihan ko naman 'yon.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Umupo siya sa tapat ko. Nilabas niyang ang isang makapal na book patungkol sa medicine.

"Nahihirapan lang akong magkabisa." Sabi ko which is partly true. Nahihirapan ako kasi napupunta ang isipan ko kay Owen. Kasi naman, ano bang kasalanan ko para iwasan niya ako?

"Kaya mo 'yan. Anyway, can I review here?"

Hindi ko naman pagmamay-ari itong library para tanungin niya. "Bakit naman hindi?"

Ngumiti lang siya sa akin at itinuon na niya ang sarili sa pagre-review. Lagi siyang ganito. Talaga namang focus kung mag-aral. Isa talaga 'yan sa hinangaan ko kay Arden na ngayon eh isa sa dahilan nang paghihiwalay namin.

Anyway, he looked so good with his focus faced. He was kinda hot actually to look at when he is studying. Not nerdy but hot.

"Baka matunaw ako n'yan." Umangat ang tingin niya sa akin.

Napaiwas naman ako kaagad. Ang awkward lang. Noong kami pa freely kong nagagawa ang pagtitig sa kaniya pero ngayon para lang akong manyak o kaya stalker. "It's a habit to look at you while studying." Pag-amin ko.

"Same here. It's a habit to sit in front of you while reviewing. You're my study lucky charm." He flirted.

Napatayo tuloy ako kaagad. Hindi ko naman inaasahang iisipin niyang pini-flirt ko siya para mag-flirt back siya. And it didn't make sense! Lucky charm ako? Kung ganoon naman pala, bakit para atang contradiction sa dahilan nang paghihiwalay namin noon?

"Uh, may nakalimutan akong gawin. Bye." Nagmamadali akong lumabas ng library pero pagkalabas ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kakalubog pa lang ng araw. Ayokong magpunta sa SC room na dati kong tambayan. Ayoko ring umuwi. Wala naman akong ibang pupuntahan.

Sumakay ako ng kotse ko. Ilang minuto rin akong nakatanga. Aaminin ko, makailang beses pumasok sa isip ko ang council, ang parents ko at si Arden. Sa huli, nauwi ako sa pag-iisip kay Owen at sa dahilan kung bakit parang galit siya sa akin noong huli ko siyang nakita.

❤️💋❤️💋❤️

please do comment and vote 😊

at sa mga bago kong readers, may mga completed stories na po ako na pwede ninyong ma-enjoy. Eto po ang list:

Maid for You (recommended)

Fake Fiance (recommended)

My Secret Wife (disaster grammar and spelling but good story)

My Secret Bodyguard (same sa My Secret Wife na magulo pa)

My Royal Secret

Dallen's Sweet Karma (on Wattpad Chicklit Featured Story)

THANK YOU 💋
-keired

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon