Kung pwede lang pumuta sa harapan para hilain si Chantalle papalabas dito ginawa ko na. Pero kailangang mangyari ito para mabulok na sa kulungan ang panot na 'yon.
I can see in her eyes that she's killing herself every time she's
telling us about her fvcked up experience. Gusto ko rin dating kwestyonin ang mga desisyon niya. Gusto ko siyang sigawan kung bakit niya tinago ito sa sarili niya pero ngayong nakikita ko siyang ganyan naiiintindihan ko na.Nang pumasok nga lang kami sa trail room kaagad nang nag-iba ang tindig niya nang makita ang mga tao sa paligid. Hindi man marami pero sapat na para mailang siya. Sigurado akong naiilang si Chan. Nahihiya, natatakot at nag-sisisi. Pero napapa-isip pa rin talaga ako, kilala ko siya bilang matapang na babae. At sa tuwing dumadako ang tingin niya kay Prof. Adolfo parang may kung ano sa kaniyang nakikiusap dito.
Umiling ako. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko.
"Umayaw ka ba? Nagsabi ka ba ng 'wag, tigil, ayoko?" Tanong ng abugado ni Prof. Adolfo kay Chantalle. "Base kasi sa aking kleyente, wala kang pagtutol na ginawa. At para naman atang planado ang lahat dahil naisip mo kaagad na kuhanan ang sarili mo ng assault test."
Matagal bago nakasagot si Chantalle. Marahil ay umulit sa isipan niya kung wala nga ba siyang nasabi. "Wala akong sinabi dahil sa takot."
"Takot? Bakit ba ang una mong beses na makipag-sex?"
"Objection, your honor." Sabat ni Atty. Feliciano. Sinabi niyang hindi na raw parte ang alamin pa ang virginity o ano man patungkol sa sex activities ni Chantalle.
Sumangayon naman ang judge.
Muling nagtanong ang abugado ng demonyong panot pero hindi na nagsalita si Chantalle. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Sinigaw ko ang pangalan niya at pilit na sinasabing hindi na maganda ang pakiramdam ni Chantalle.
Pinatahimik ako ng judge at pinapa-upo. Ang kaso bumagsak na lang si Chantalle. Wala nang nakapigil pa sa akin. Tinalon ko na ang harang at lumapit kaagad kay Chantalle. Kinapa ko sa bulsa niya ang inhaler niya at ginamit ito sa kaniya. May mga medics ding dumating.
Ipinatigil muna ng judge ang trial sa araw na ito. Habang binubuhat si Chantalle sa stretcher napalingon ako kay Prof. Adolfo. May ngiti siyang nagsasabing hindi pa tapos ang lahat.
***
Na-confined uli si Chantalle. Kinailangan na rin siyang ipatingin sa psychiatrist at painumin ng antidepressant.
Wala naman akong magawa sa isang sulok kun'di pigilan ang pagtulo ng luha at pagwawala ko. Tangina gusto ko na talagang manakit! Wala man lang akong magawa sa ganitong pagkakataon para mapabuti si Chantalle.
Inutusan ako ng daddy ni Chantalle na umuwi muna. Pagalit pa nitong tinaboy ako kasi kung kalmado niya lang na gagawin 'yon hindi ako aalis. Bakit ako aalis kung ang taong mahal ko eh nasa bingit ng kabaliwan? Hindi nga siya mamamatay pero nawawala na siya sa tamang katinuan ayon sa mga doktor. Para sa akin normal lang siya. Kailangan niya lang makalimutan ang lahat ng ito. Kailangan lang na palitan ang alaala niya nang magagandang alaala.
Sinundo ako ni Kuya Olly sa ospital. Sabi niya may pupuntahan muna kami para naman daw malibang ako. Dinala niya ako sa training ni Kuya Or. Pumayag ang coach nila na sumali kami ni Kuya Olly sa training. Nakakasabay naman kami sa mga professionals. Nakakasabay ako dahil sa galit ko. Inilalabas ko sa pagdadakdak ng bola sa ring.
Pinatigil lang nila ako kasi kung totoong game daw 'yon nabigyan na ako ng red card dahil sa mga fouls ko. Sinasadya naman ng mga teammates ni kuya 'yon. I did heard that they were talking about me ruining my career because of my casanova lifestyle . Hindi ko na lang pinatulan.
Pumunta kami sa isang bar matapos ang training. Kaming magkakapatid lang. Sa isang sulok kami. Doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko. Para akong batang iyakin.
Hindi ko na namalayan na nakauwi na pala kami at binuhat na lang nila ako pauwi sa bahay. Saka lang nabalik sa katinuan ang isip ko nang masilaw ako sa liwanag mula sa bukas na bintana at sa sakit ng ulo ko.
Nilasing ako ng mga magagaling kong kuya.
"Sht!" Napamura ako nang makita kong tanghali na. Tinawagan ko kaagad si Atty. Feliciano at nagtanong tungkol sa trial. Akala ko talaga meron ngayong araw na ito. Hindi na kasi ako nakapakinig pa ng maayos dahil sa kamamadali kong tulungan si Chantalle kahapon.
"Magpahinga ka na muna, Owen." Bilin ni Atty. bago tinapos ang tawag.
Kinalikot ko pa ang cellphone ko at nagtakang halos sumabog na ang numbers of missed calls ko galing kay Dillon. Pinagtataka ko naman 'yon. Kahapon wala siya sa trial at walang paramdam tapos ngayon tinadtad ako ng tawag.
I called him back. Wala pang dalawang ring sinagot na kaagad niya. Sinisigawan ako kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya.
"Ano bang problema?"
"Not a problem but a witness." Saad nito.
"Anong pinagsasabi mo?" Napa-upo ako sa kama sa sinabi niya. Parang kailangan ko ng suporta sa kung ano mang sasabihin niya.
"Basta pumunta ka na lang dito." He gave me the address.
Sa sinabi niya hindi ko kinailangan ang suporta. I stood up, almost jumped on what I heard. I asked him the meeting place where we could talk personally and drove there as fast I can.
Pilit kong iniisip kung sinong witness ang tinutukoy niya bukod sa aming dalawa. Ang tanging nasa WVU lang nang mga oras na 'yon bukod sa amin ay ang dalawang guard na wala namang alam sa aktual na pangyayari.
Pagkarating ko sa cafe nakita ko kaagad si Dillon. May kasama siyang babaeng matangkad at may mahaba at tuwid na buhok. Napansin naman ako kagad ni Dillon at kinawayan ako. Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan. Pero bago pa ako maka-upo napatigil ako at nagtaka sa babaeng kasama namin ngayon. She looked like a beauty queen even without make-up. I knew her! Siya ang babaeng laging kasama ni Chantalle dati. Siya ang babaeng pinagpapantasyahan ni Mario.
Anong ginagawa niya rito?
"She's the one I'm talking. Our key witness."
❤️💋❤️💋❤️
Countdown: 8 more chapters to go! Don't forget your votes and comments. And also to spread the the love of My Painkiller 😊
New story: Hindi talaga siya new but a revised of my short story RUNNING WITH MY ENEMY. Action, adventure, love and SPG (masiselang tema, lenguwahe, krahasan, sexual, droga) wag-iisiping sexual lang huh? Hindi po ito MP haha!
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
DragosteThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...