The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I ran at the back trying to contain myself from this crazy feeling. I felt happy for Owen, finally naipakita na niya sa lahat ang talent niya. But I felt scared for myself. Scared from the way he stare at me, how he told everyone that I was the only serious girlfriend he had. Hindi nga lang niya sinabi ang pangalan ko pero ako 'yon at ang mahalaga sa kaniya ay maiparating sa akin na ako ang babaeng 'yon. Then when he sang I can feel the sadness of his voice. The Scientist. Parang sinasabi sa kanta na hindi madali pero handa siyang ulit-ulitin makuha lang ako.
"Ci," lumapit si Dillon sa akin. "You're crying."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Iniwas ko naman ang mukha ko sa kaniya. Pinahiran ko kaagad ang luha sa mata ko. Bakit ako umiiyak? The hell!
"Uh, hindi ko alam ang sasabihin ko dito. Wala akong kwentang bestfriend." Parang natataranta siyang nagbibiro.
Umiling ako. Basta nandyan siya okay lang. Wala rin naman siyang magagawa eh kasi maski ako hindi ko alam ang sasabihin ko sa sarili ko. "I don't know what to feel. Masaya, malungkot at higit sa lahat guilty."
"Bakit ka naman guilty? Wala kang dapat—"
"I refused him remember? I can't like him back."
"Bakit naman hindi?"
Ang dami niyang tanong. Mas lalo tuloy akong naiiyak. "What if I like him of the... sex? Or what if he likes me because of sex. Kaya ko siya hiniwalayan no'n kasi nalaman kong gusto niya lang ako para doon."
"Ci, 'what ifs' won't give you the right answer to your problems."
"Anong gusto mong gawin ko subukan ko kahit na alam kong masasaktan ako o may masasaktan ako?"
He looked frustrated. Then he looked past me like he saw ghost. Alam ko na kung sino ang nakita niya at wala akong balak na harapin siya.
"Chan," he called out my name.
How can he be here? Hindi pa tapos ang interview nila.
"I'm done hiding what I feel for you but not done trying to win you. Liligawan kita. Gagawin ko sa tama ang lahat. Magsisimula ako sa umpisa."
I bit my lips trying to stop this tortured feeling. How can my heart beat so fast while the guilt is holding it tightly?
"Hindi mo man ako mahal sa ngayon pero umaasa akong mahuhulog ka rin para sa akin."
"Wag mo na-nang p-pahirapan pa ang sarili mo." Nauutal kong turan sa kaniya. "I'm not worth it." Hindi ko magawang lingunin siya.
Kung may sasabihin pa siya hindi na niya nagawa dahil biglang nagsipasukan ang ibang may pass dito. Mostly mga student media. Nilapitan kaagad nila si Owen.
Umalis ako sa lugar na iyon. Umalis ako sa WVU. Nag-text na lang ako kay Dillon na magpunta na lang siya sa bahay. Gusto ko nang may makakausap.
Nag-reply naman siya sa akin na pupunta siya pero baka bukas na ng umaga. Tapos pinaalala niyang may meeting daw kami ni Prof. Adolfo.
Like I care about Prof. Adolfo right now.
Kahit na pagod ako sa kakaparoo't parito ko sa WVU simula pa kaninang umaga, hindi ko magawang matulog. Nasa isip ko pa rin kasi ang sinabi ni Owen. Sumasakit ang ulo ko sa kaniya. Imposibleng gusto niya ako, ako na may ibang motibo sa mga ginagawa ko. Ginusto ko si Arden dahil sa family background niya at dahil medicine ang kinukuha niya. I wanted Verra and Dillon to be my bestfriend because I felt lonely and alone for not having a friend to lean on. I even liked my baby sister because somehow she gave me courage. And him, Owen... I used him before to be popular and have friends. Then now I used him just to get revenge, satisfied my lust and forget all the problems that I have.
Isa pa pala sa dahilan kung bakit ako hindi makatulog ay ingay ng kapatid ko sa kabilang kuwarto. Natigil lang ata siya madaling araw na.
***
Nakaidlip ako saglit. Nagising din naman ako nang may kumatok sa kwarto ko.
"Anak, may bisita ka. Si Dillon." sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko.
Kaagad ko namang pinagbuksan. Hinatak ko si Dillon papasok at tiningnan lang si mommy na alam kong may iba na namang iniisip saka ko sinara ang pinto.
"Bakit mo ginawa 'yon? Baka kung anong isipin ng mommy mo sa atin." Nanlalaki ang mata ni Dillon.
"Think whatever she wants. I'm too tired for that." Humiga uli ako sa kama ko.
"Baka nakakalimutan mong may meeting ka mamaya kasama si Prof. Adlfo."
Napabangon ako. "Sunday ngayon. Bakit kailangan ngayong araw pa kami magme-meeting?"
"Lagi siya nagbibigay ng special meeting kasama ang president ng SC. Marami siyang advice na tanging sa ating mga president lang niya binabahagi."
Napabangon ako uli. Isa rin ito sa dahilan kaya hindi ako makatulog. Naiisip ko na naman ang binabalak kong gawin kay Prof. Adolfo. Para itong suicide mission. Natatakot ako pero hanggang kailan ako matatakot?
"Tulala ka. Naiisip mo na naman si Owen, noh?" Umupo siya sa tabi ko. "Ci, obvious naman na may gusto ka sa kaniya. Hindi nga lang love sa ngayon pero meron d'yan sa pusong may pag-asa siya sayo."
Pinaalala na naman niya si Owen sa akin.
"May pumipigil lang talaga sayo. Si Arden pa rin ba? Ci, I think you got a lot of demons inside you. I'm willing to help you. That's what bestfriends are for, right?"
Napalunok ako. Tama siyang maraming demonyo sa loob ko na kinakain ang buhay ko. Tila ba unti-unti akong inuubos. Hindi talaga ako open sa taong nasa paligid ko. Pag may problema ako kinikimkim ko lang hangga't kaya ko. Kung sakali namang sasabog na ako sa ibang paraan ko ito nasasabi at nagagawa.
Kaya gusto ko ng kaibigan. Gusto ko nang makakaintindi talaga sa akin. At sa tingin ko si Dillon na 'yon.
Tumango ako sa pagsang-ayon sa kaniya. "Thanks Dil."
"Wala 'yon. So, ano ang pumipigil sayo?" Pagsisimula niya sa pang-uusisa sa akin.
"Marami," ayoko nang tinatanong ako tungkol dito. Ito ang dahilan kung bakit ako greatful kay Owen. Hindi siya nagtatanong. Pero kailangan ko na rin mag-open up. Tama na ang pagsasarili ng problema.
"Tulad ng?"
"Si Prof. Adolfo," sambit ko. Mahina na tila ba ibinubulong ko. Sumisikip na naman kasi ang dibdib ko.
"Huh? Pano nasali si Prof. Adolfo rito? You know I'm not good as he is when it comes to advising but I guess I can–
"He's into me." I said it as fast as I can as if I was committing a crime for admitting it.
❤️💋❤️💋❤️
Dapat hanggang 50 chaps lang kasi to kaso nakaka-enjoy isulat kaya madadagdagan pa siguro ng 10-20 chaps pa. But don't expect na magiging light pa ang story. Malapit na tayo sa katapusan kaya binabagsak ko na lahat ng mga revelations at problems