Dedicated to jonaxx. Why? Tinatanong pa ba 'yan. <3
Iniiwasan nga talaga ako ni Owen. Buong araw ko siyang hindi nakita. Nagtataka talaga ako. Okay naman kami bago kami maghiwalay no'ng nasa bahay nila kami. Sa katunayan nga dapat kaming nag-uusap ngayon dahil sinabi niya sa mga parents namin na kami na.
Urgh! Nakakainis siya.
Habang naglalakad ako papauwi nakasalubong ko si Mario. Nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko siya. Buti na lang siya ang unang pumansin.
"Vice! Good afternoon. Tatanggapin mo na ba ang pagiging muse ng basketball team?"
Nangisi ako sa tanong niya. "Good afternoon. At sa tingin ko mas mabuting si... Verra ang gawin n'yong muse. Tingin ko papayag 'yun." Mahilig kasi sa ganitong mga bagay si Verra.
Mas matangkad siya kay Owen kaya naman mas talagang yumuko siya sa akin para magka-face to face kami. "Ayoko si Verra maging muse kasi baka agawin pa s'ya sa akin ng mga ka-teammates ko. Akin lang dapat si Verra."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya buti na lang sinabi niyang nagbibiro lang siya.
"Crush ko talaga si Verra pero wag mo sasabihin ah? Basta ireto mo lang ako sa kaniya."
Natawa na ako ng tuluyan. Pagtitingnan mo si Mario kala mo kaya ka niyang tapakan at durugin lalo na pag nasa court pero pagkaharap mo palang ganito eh ang funny niya. "Ang kulit mo rin pala. Magkaibigan nga kayo ni Owen."
"Close kayo ni Owen?"
Shoot! "Uh? Ah, classmate ko s'ya no'ng highschool."
"Talaga? Wala siyang nabanggit."
"Pag 'di naman siya interesando sa isang babae hindi siya nagku-kwento."
"Tama ka. Tska hindi nagpapangalan 'yun ng mga babae niya." Napaisip si Mario.
"Anyway, nasaan pala si Owen. May, uhm," nag-isip kaaagd ako ng palusot. "May plan kasi ang council na imbitahan kayong mga basketball players. Tapos si Owen ang highlights sa event na 'yon."
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...