Hapong hapo akong nadatnan si Chantalle na kakagaling lang sa restroom. Narinig ko siya kaninang dumuduwal sa loob. Pagkalabas niya kitang kita ko ang pangangayayat, pamumutla at ang pagod na pagod niyang itsura.
"Are you okay?" Tanong ko kaagad sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Ganting tanong niya. Nang hindi ako sumagot, hinawi niya ako para makadaan siya. Isinara niya ang hospital curtain bago bumalik sa kinahihigaan niya.
Hinawi ko ang kurtina, pumasok at isinara din 'yon. Alam kong ayaw niyang may ibanag makaalam na nag-uusap o may kung ano mang ugnayan sa amin. "Nag-aalala lang ako sayo." At nag-aalala rin ako sa sarili ko. Pano kung nabuntis ko nga siya? Kaya ko bang panagutan ang bata?
"I'm fine," hindi ka makukumbinsi sa pagkasabi niya.
"Sigurado ka? May nagsabi sa aking nahimatay ka raw? Tapos kanina narinig kong nagsusuka ka. Hindi kaya...." Napalunok ako.
"What?" Tanong niya noong hindi ako sinubdan ang sinasabi ko.
"Buntis ka?"
Wala siyang reaksyon kaya naman kinabahan na ako.
"Nooong isang gabi kasi... sa loob mo... nailabas... ano... sh!t! Sana gumamit ako ng proteksyon..." Natigil ako nang makita ko ang bago niyang reaksyon.
Tumatawa siyang walang boses o tunog. Nakahawak siya sa tiyan niya at namimilipit. Naluha na rin siya sa kakatawa.
Napamaang na lang ako sa kaniya.
"Grabe, pinapasaya mo talaga ako." Sabi niya nang matapos siya sa pagtawa. Pinahiran niya ang luhang lumbas sa mata niya sa kakatawa.
Oo, ako na clown niya. Tiningnan ko lang siya nang matalim para malaman niyang hindi ako natutuwa. Seryoso kaya akong nag-aalala dito.
Sumeryoso ang mukha niya. "Hindi ako buntis."
"How can you be sure?" Humalukipkip ako.
"'Cause I'm using pills." Medyo nahihiya niyang sabi.
Napatango ako pero naiisip ko 'yung dahilan kung bakit siya gumagamit ng pills. Syempre lagi silang nag-aanuhan ng baklang Arden na 'yon. O baka naman kaya hindi na niya ako pinupuntahan kasi may iba na siya.
"Bakit ka umiiling diyan?" Tanong niya.
Saka ko lang namalayang hindi na pala ako tumatango, umiiling na pala ako. "Ahh... wala, wala." Imposible ata 'yon. Hindi naman gano'n si Chantalle, 'di ba? Pero sino nga ba si Chantalle ngayon? Sa loob ng tatlong taong hindi kami nagpapansinan sa WVU, maaaring malaki na ang pinagbago niya.
"Favor," Sabi niya dahilan para mapabalik ako sa ulirat ko.
"Ano?"
"Bilhan mo nga ako ng toothbrush, toothpaste at mouthwash. Feeling ko ang baho ng hininga ko dahil sa suka ko."
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...