The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Expulsion sa school na pagmamay-ari ng sarili kong ina. Napangisi ako sa irony ng buhay ko. Minsan talaga parang walang katapusan ang problema kung pinapakita mong malakas ka.
Inaasahan ko na ito. Napag-usapan na namin ni papa at may plano na ako sa buhay ko pero iba pala talaga pag-ibinaba na ang hatol sayo na papatalsikin ka na sa university.
I like studying. I enjoyed it lalo na't gusto ko ang kurso kong education. Ang kaso lang mukhang malabo nang may tumanggap pa sa akin bilang teacher kung alam nila ang nakaraan ko.
But if I have to repeat everything that happen, I won't regret the time when Chantalle pleasure me with her hand. Damn, she's the best. Kung may babaguhin ako sana inalam ko talaga kung ano talaga ang problema ni Chantalle at hindi nag-assume na dahil lang ito sa boyfriend at pamilya niya. Isa pa sa kung may babaguhin ako eh sana pinatay ko na ang panot na bogus na professor na 'yon.
Pagkalabas ko sa guidance room wala na sila Verra at Chantalle.
"Asan si Chantalle?" Tanong ko sa assistant ng counselor. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko sa takot. Ewan ko ba kung bakit ako natatakot.
"Nag start na po silang mag-exam." Sagot naman nito sa akin. "Ready na rin po ba kayo?"
Tumango na lang ako.
Pumasok ako sa exam room para sagutan ang special examination namin. Gusto ko sana kausapin si Chan na nakaupo sa kabilang sulok ng room kaso mukhang tutok na tutok siya sa pagsagot ng exam niya.
Mahigit ata limang oras akong nagsagot ng mga katanungan sa iba't ibang subject ng special exam. Medyo natagalan ako kasi hindi ako nag-review. Nahirapan ako pero alam ko namang papasa ako.
Pagkalabas ko hinanap ko kaagad si Chantalle. Naabutan ko siyang nakaupo sa sa waiting area. Hinintay niya ako.
"Thanks for waiting." Sabi ko sabay akbay sa kaniya. Buti na lang wala nang mga estudyanteng pumapasok kaya malaya akong lapitan at maging malapit kay Chantalle.
"Do you want to eat?" Nilingkis niya ang braso niya sa bewang ko habang naglalakad kami.
"Kakain tayo sa labas?" Excited kong tanong. Kung walang iisiping problema parang kami nang dalawa.
"Kung gusto mong dumugin tayo at makarinig ng masasamang salita patungkol sa atin, pwede rin."
"Saan tayo?"
"Mom prepared something for us. Convoy na lang tayo. Kay dad ako sasabay."
Tumango ako sa kaniya.
Pagkarating namin sa parking area nakita ko si Tito Carlos na naghihintay sa kotse. Lumapit din ako sa kanila at binati siya.
"Is everything alright?" Alanganing tanong ng daddy ni Chantalle.
Nanahimik lang ang anak niya at kita ang bad news sa mukha nito.