Mapilit si Chantalle na pumunta sa susunod na trial. Pinayagan naman siya ng judge na wag pumunta pero makulit talaga. "I can do this." Sabi niya sa akin nang sabihin kong umuwi na lang siya.
Napalingon ako sa daddy niya na hopeless na ring pigilan si Chantalle na wag nang pumunta.
"I have to be strong, that's what you said to me."
Wala na akong nasagot sa sinabi niya dahil magsisimula na ang hearing.
Ako ang unang witness na tinawag. I told them everything I saw that day. Yet that bastard lawyer of the fvcked up bald, twisted my word.
"Mag kasintahan kayo, ikaw na may personal na galit kay Prof. Adolfo dahil sa mababang grade na ibinibigay niya sayo... baka pinlano niyo lahat ng ito para mapatalsik ang professor at makapaghiganti kayo?"
Naputol ang pisinging kanina ko pa binabantayang wag mapigtas. "Do you think I'm doing what you're saying when I'm in fact the son of the chairman of our university?" Ilang ulit sa aking pinaalala na 'wag sasabihing anak ako ng chairman sa harap ng korte. At sinabing wag daw ako magagalit. The fvck I care right now! "Kaya ko siyang mapatalsik kahit anong oras ko gawin isang sabi ko lang sa magulang ko pero hindi ko 'yon ginawa kasi may respeto ako sa kaniya at hindi ako ganoon kababaw na estudyante. But that respect I have for him is gone now, if I can punch him to death right now, I will do it!"
Nahimasmasan ako nang patahimikin ako ng judge, at mapalingon ako sa magulang ko, kay Chantalle at kay Atty. Feliciano. Wala nang itinanong pa sa akin. Umupo ako sa isang sulok na nagsisisi na baka mabulilyaso ko pa ang lahat.
Sumunod naman sa witness si Dillon. Saglit lang siya dahil halos wala naman siyang masabi. Wala siyang patunay na rape nga iyon at base sa pagkakakilala niya kay Prof. Adolfo isa itong huwarang professor kaya naman mas parang advantage sa kanila ito kaysa sa amin.
The judge asked if that was it for today. Akala ko mananahimik lang si Atty. Feliciano kasi ang tagal niyang magsalita. "Mayroon pa po kaming isang witness."
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...