The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Should I say sorry?
"Ci, kung gaano ka kasigla kahapon, siya namang kina-haggard mo ngayon." Pansin ni Dillon sa akin. "Ang laki ng eye bags! Natutulog ka pa ba?"
Kung pwede ko lang ipikit na ang mata ko ngayon na ginawa ko na kaso nasa campus pa ako. Maraming gagawin. "Nahirapan lang ako matulog."
Pagka-alis ni Owen nanikip na naman ang dibdib ko. Natatakot akong makatulog at managinip uli ng masama kaya halos hindi ko ipikit ang mata ko kagabi. Inabutan na ako ng umaga kakapakalma ko sa sarili ko. Pagod na pagod ako pero kailangan kong maging present ngayong araw na ito dahil ngayon ang huling araw ng student council meeting na si Dillon ang president. Magkakaroon kami ng meetings, ilang aayusin at farewell party na rin para kay Dillon at sa lahat ng seniors na SC members.
Idagdag pang gusto kong maka-usap si Owen. He went home looking sad and disappointed. Hindi ko sure kung dahil ba sa sinigawan ko siya o dahil sa sinabi ko. Pakiramdam ko dahil nagalit ako sa kaniya. Ang huling beses naming mag-away nang ganito eh noong highschool pa kami. Sa tingin ko rin galit siya dahil hindi ko siya pinagbigyan kagabi. I shouldn't have stop him and give him what he wanted that night. At least siya naman ang pagbigyan ko paminsan-minsan.
"Dapat siguro umidlip ka pagkatapos ng meeting natin. Bakante naman ang infirmary ngayong Saturday. Walang masyadong estudyante bukod sa mga may meeting at practice for orgs and teams."
"Don't worry about me. I'll be fine."
Sa meeting namin buhay ang diwa ko dahil aware akong kasama namin ngayon si Prof. Adolfo. Ang maganda nga lang ngayon ay hindi ako ang mahalaga sa meeting na ito kun'di ang mga seniors kaya nakaupo ako sa pinakamalayong upuan kay prof. Pagod na rin siguro ang lungs ko kaya hindi na ako inatake ng panic attack.
Okay naman ako ng buong umaga. But after the meeting I hurried up and went to the infirmary to take some nap. Pero sa tingin ko hindi ko magagawa ang nap time ko dahil sa nakasalubong kong papalabas na si Owen.
Ang awkward kagad namin. Umiwas siya ng tingin obvious na may nasabi akong hindi niya kinatuwa kagabi. O ginawa? Basta nakaka-bother na nasa infirmary siya. "May masakit ba sayo?"
Kumunot ang noo niya na parang nagtataka kung bakit ko nahulaan. "Wala naman."
Base on his reaction meron siyang masamang nararamdaman. Hinatak ko siya papunta sa hospital bed. Pinaupo ko siya doon para makapa ko kung mainit ba siya. "May lagnat ka ba? May masakit sayo? Na-injured ka?" Na-guilty tuloy akong inaway ko siya kagabi.
Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa noo niya. Ibinaba ito. "I'm fine. Hangover lang."
Dahil nabanggit niya ang hangover, paniguradong pareho kami nang iniisip mgayon. Balik na naman tuloy sa awkward situation.