38: The Drunk

9.5K 184 19
                                    

I felt refreshed after the debate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I felt refreshed after the debate. Panatag akong kaya kong manalo sa election. Ginawan ko ang lahat kaya imposibleng madehado ako. Hindi man ako manalo alam kong hindi naman ako manungulelat. May mga tao talagang sumusuporta sa akin.

Pagpasok ko naman good vibes na good vibes ako. Lahat nang bumabati sa akin pinapansin ko. Lahat ng subjects pinasukan ko. Si Verra lang talaga ang medyo nakasira sa araw ko. Kanina niya pa ako tinititigan pagpasok ko pa lang sa SC room. Nasa isang sulok siya at nakahalukipkip.

Tapos na akong kausapin siya. Dumating na talaga ako sa kasukdulang hindi ko na ipapaliwanag ang sarili ko sa kaniya. Kung ayaw niya sa akin 'di 'wag.

"You looked so happy." Mapait niyang pansin sa akin.

"What's wrong with being happy?"

"Yeah, there is nothing wrong lalo na't sigurado ka nang mananalo ka kasi malakas kapit mo 'di ba?"

"Verra don't ruin my mood. I'm done with you. Aalis na lang ako dito." Kinuha ko uli ang mga gamit ko para makaalis na ako.

"Cha-Chantalle!" Tawag niya sa akin.

Napalingon ako sa kaniya kasi kala ko hindi na siya magpapaka-asshole. May himig kasi sa boses niya na parang si Verra na kilala ko dati. Nagkamali ako. Pagkaharap ko nginisihan niya lang ako na para bang sinasabing 'may alam ako sayo na ikakasira mo.'

Umalis akong nagpipigil sa galit. Akalain mong ang laki ng galit niya sa akin na kahit sinabi ko na ang totoo mas inuna niya pa ring kapuotan ako. Nakakalungkot lang na kala ko siya ang magiging bestfriend ko.

"Okay ka lang?"

Halos mapatalon ako sa gulat sa bigla na lang tumusok sa tagiliran ko. Paglingon ko si Owen lang pala. Sa bwiset ko nahampas ko siya sa braso pero kaagad ko ring pinormal ang sarili ko nang mapansing may mga kasama siyang mga varsity players. Halo-halo sila ngayon. May ibang sa kasali sa team ng soccer, tennis, baseball, basketball, volleyball at taekwando. Para akong may kaharap na lupon ng mga hottie, muscled jock.

Anyway, bakit ako nilapitan ni Owen ng may mga kasama siyang maraming tao? Gusto niya bang makatay?

"Good luck, Future Ms. President." Kinindatan pa ako ni Owen.

Kanya-kanyang good luck at advance congratulations ang bati nila sa akin. Nilampasan din naman nila ako kaagad.

What the hell! Sinong hindi mawawala ang galit sa ganoong bati?

"Shit, bro, pinormahan mo na sana kaagad." Bulong ng dalawang nasa soccer team.

"Walang talo-talo mga pare ko'y!" Hiyaw ng kung sino sa grupo nila.

"Wag nga kayo!" Si Mario 'yung sumigaw. "Taken na si Chantalle."

Inakbayan siya ni Owen. Ako lang ata ang nakapansin na parang sinasakal siya kesa sa inaakbayan kasi busy yung ibang pinag-uusapan si Arden na nagkabalikan na raw uli kami.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon