41: The Plan

9.1K 169 9
                                    

Hindi ako makatulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako makatulog. Paulit-ulit sa isipan ko ang isang planong walang kasiguraduhan. Bukod pa sa walang kasiguraduhan, parang nilalamon ako ng konsensya ko kung gagawin ko man iyon. Nag-aalala rin ako na baka mag-backfire sa akin ang planong ito.

Nanumbalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa infirmary matapos na umalis si Owen. May nakakuha ng atensyon ko. Para akong itinapon sa malamig na tubig nang mabasa kong maayos ang label ng kahong nakita ko. Nangangatog at parang lutang ako. Kukunin ko na sana siya kaso may tumawag sa pangalan ko.

"Chantalle, anong ginagawa mo dito? May masama na naman ba sa pakiramdam mo?" Tanong ni Nurse Gin sa akin.

"Ah, b-balak ko po sanang uhm, umidlip."

"Kala ko naman kung ano. Para ka kasing namumutla." Isinara niya ang nakabukas na first-aid cabinet.

Nakita ko ang sarili ko sa sa salamin. Kung kanina namumula ako ngayon namumutla na naman ako.

"Humiga ka na lang doon sa bakanteng kama. Wala ka namang klase ngayong araw na ito 'di ba?"

"Nurse Gin," Napalunok ako kasi parang natuyuan ako ng laway sa lalamunan.

"Bakit?"

"May nakita po akong Sexual Assault Kit." Napaharap siya sa akin. "Ano po 'yun?"

"Ah, galing US 'to." Kinuha niya ang kit sa cabinet. "Pinadala 'sa akin ng friend kong nurse. May kit talaga silang ginagamit doon. Dito meron naman. Hindi nga lang provided sa mga schools. Mostly mga paperbag o ziplock lang ang laman nito para sa collection of evidence tulad ng damit na suot ng victim nang ma-rape siya. May mga cotton buds din para sa katawan na may direct contact sa rapist lalo na fluids na galing sa kaniya. Vials naman para kunan din ang victim ng urine sample. Blood collection device, glass slides. May suklay ding kasama 'to para sa buhok at fiber na naiwan ng rapist sa victim. Tapos paper para sa testimonial ng victim patungkol sa nangyari."

Natahimik ako sa sinabi niya. May kung anong pumapasok sa imahinasyon kong nakakatakot pero may kung ano sa akin na nais talagang gawin iyon. "Kahit walang penetration na nangyari?"

"Kahit wala. Kunwari nahalikan ako sa labi at leeg ng rapist. Maaari  na iyong gamiting evidence. Bakit masyadong interesado ka? Sandali, hinarassed ka ba ni Orbiso? Nakita kong kakalabas niya lang ng clinic." Nataranta si nurse Gin.

Nanlaki ang maga ko. "H-hindi po!"

Napahinga siya ng malalim . "Kala ko naman. Pero may babaeng gumawa na noon kay Owen dati. Nagpunta sa ospital at nagpakuha ng kung ano-anong test masabi lang na ginahasa siya ni Owen."

Napanganga ang bibig ko at nanlaki ang mata ko sa sinabi ni nurse Gin.

"Wag kang maingay. Tsk! Napadaldal na naman ako. Pero nasabi ko na. So ayon, desperadang babae. Natalo naman siya sa kaso dahil magaling ang abugado ng mga Orbiso. Idagdag pang pinaulit ang test at wala namang nakitang pwerahang nangyari."

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon