The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinabukasan maaga akong naggising para ihatid siya. I felt in debt of him. Lagi kasi siyang nandyan para sa akin tapos ako parang walang nagagawang tama para sa kaniya.
Anyway, he asked me not to watch the game later. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya akong manuod ng mga game niya. At least sana kahit morale support lang magawa ko.
"I'm not comfortable." Arte niya.
"Basta! Sige na bumaba ka na." Maaga pa naman kaya sa tapat mismo ng gym ko siya hinatid.
"Bahala ka na nga. Bye!" Bumaba siya ng kotse ko.
Pinarada ko naman ang kotse ko sa parking area. Sa katunayan niyan hindi ko alam ang gagawin ko sa ganito kaagang oras. Sarado pa ang canteen o kaya library. Ayoko namang magkulong lang dito sa kotse kaya napag-isipan kong patagong manuod ng training nila Owen.
Inaasahan kong makakakita ako ng mga pawisang players na nagwa-warm-up pero iba ang nadatnan kong scene. Nakahilera sila at nakatayong paramg mga sundalo. Tapos sa harapan nila ang coach nila... sumisigaw. Pinapagalitan sila. Pinapagalitan si Owen.
"Orbiso?! Sasagot ka?"
Napatago ako sa pader noong galit na sumigaw si coach kay Owen.
"Opo," mahinang sagot naman niya kay coach.
"Hindi ko alam kung bakit napapadalas ang pagliban mo sa practice. Babae na naman ba 'to huh?"
Wala akong narinig na sagot. Napakagat lang ako ng labi para mapigilan ang malakas na pagsinghap ko sa narinig ko.
Ako. Ako ang dahilan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
***
"Okay ka lang?" Pangatlong tanong na ni Arden 'yan sa akin na sinasagot ko naman na, "Ayos lang ako."
"Hindi nga?"
Nakakainis na alam niya kung anong nasa loob ko. Ganoon na ba ako ka obvious?
Pinilit kong ngumiti. "Oo nga. Kulang lang ako sa tulog at saka iniisip ko 'yung seminar namin mamaya para sa mga tatakbo ng student council."