29: The Paranoid

9.7K 176 18
                                    

Masyado lang akong nag-iisip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masyado lang akong nag-iisip. Walang nangyaring higit pa sa amin ni Prof. Adolfo. Wala lang 'yon.

Ouch!

"Okay ka lang?" Mas nabigla ako ng makita ko sa tabi ko si Owen. Tiningnan niya ang kamay kong napaso. "Asan ang first aid kit n'yo?"

Umiling ako. "Don't worry. Maliit lang 'to."

"Ako na magluluto. Ihanda mo na lang ang mesa." Inagaw niya ang pwesto ko.

Sinubukan kong paalisin siya pero matigas ang ulo. Hinalikan niya pa ako sa ulo kaya naman natigilan na lang ako. Nakatingin pa si daddy kaya sumunod na talaga ako.

Masyado lang akong nag-iisip. Wala lang 'yon.

Kumain kami nang tahimik. Ang awkward lang talagang kasama ko ang dalawang lalaking 'to. Sa isipan ni daddy kami ni Owen. Kay Owen naman for sure na ilang pa siya kay daddy. Ako naman ilang sa sweetness na dapat ata naming ipakita kay daddy.

"Alis na po kami," Paalam ni Owen kay daddy.

Saka ko lang napansing nasa labas na pala ako ng bahay at inaalalayan ako ni Owen papasok sa kotse niya.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong niya uli sa akin.

"Bakit ako sasabay sayo?" Kinapa ko sa bag ko ang susi ng kotse ko.

"Chan, wala ka sa sarili mo. Sa tingin mo hahayaan kitang mag-drive? Baka gusto mong magpahinga na muna? Baka epekto pa rin 'yan ng nangyari sayo kagabi."

I stopped for a minute and looked at him straight in the eyes. He looked damn so serious and concern.

"Kaya ko--"

"Chantalle, wag matigas ang ulo." Pinuwersa na niya akong sumakay ng kotse niya. Nagmaneho siya papunta sa bahay nila bumaba siya at muling pinuwersang lumabas. "Hindi kita papabayaan na lang nang ganyan ka. Sabihin mo lang kung masama pakiramdam mo o kaya naman pagnapansin kong hindi mo talaga kaya dadalhin na talaga kita sa ospital. Sa ngayon kukuha muna ako ng pampalit bago pumasok sa uni."

Pagpasok namin sa bahay nasalubong namin si Tita na paalis na.

"Magkasama pala kayo." Salubong niya sa amin. Hinalikan niya sa pisngi si Owen tapos ako. "Oo nga pala, Chantalle, sa Saturday night magluluto ako ng dinner kasi kumpleto kaming lahat sa araw na 'yon. Pumunta ka rin. Parte ka na naman din ng pamilya."

Tango lang ang naisagot ko bago siya tuluyang umalis.

***

Usually, I felt so heavy going to school. Today was no difference, in fact it was heavier. I can't even concentrate in class. Masyado niyang pinupuno ang isipan ko.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon