54: The Clues

8K 202 9
                                    

"Physical injury? Sana pala pinatay ko na siya para murder na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Physical injury? Sana pala pinatay ko na siya para murder na."

"Owen," saway ni mama sa akin.

Nandito ako ngayon kasama ang abugado namin pati na  ang daddy ni Chan para ayusin ang lahat. Kanina kasi nang ipatawag ako dito sa presinto pinaalam ko na sa kanila na saka lang ako magsasalita pagnakaharap ko na ang abugado ko kaya pinatawagan nila sa akin ang dapat kong tawagan. Hindi na kagulat-gulat na nalaman ni mama. Sa totoo lang sa nangyari kanina paniguradong usap-usapan na ito sa WVU.

Buti na lang hindi nila maipagpapatuloy ang kaso nila sa akin dahil kailangan muna niyang manalo laban sa kasong rape na isasampa ni Chantalle sa kaniya. Sigurado akong wala na siyang kawala doon.

"Sa korte na lang tayo uli magkita-kita." Tumayo si Atty. Feliciano nakipagkamay sa investigator at sa abugado ni Prof. Panot.

Nagpatawag na rin ng meeting bukas si mama sa WVU para mapag-usapan ang pagpapatalsik ni Prof. Adolfo. Idudulog rin ito sa CHED.

Sisiguraduhin kong mawawalan siya ng kapangyarihang magturo uli. At kung pwede lang patayin ko siya gagawin ko.

"Maraming salamat sa tulong ninyo." Sabi ng daddy ni Chantalle sabay ang pakikipagkamay kay mama at kay attorney pagkaalis ng abugado ng hayop na 'yun.

"Don't thank us. It's our responsibility. Sa university ko nangyari at isa sa empleyado ko ang gumawa ng mali sa anak mo. Let me know all the expense and will pay for it. Plus the school board needs to talk about this. We have to take actions."

"Salamat pa rin," malumanay na sagot ng daddy ni Chantalle.

"And I'm sorry Carlos for what happen."

Ngiti lang ang ganiti nito sa sinabi ni mama.

I haven't talked to Chantalle dad's properly. Madalas kasi kinakabahan at natatakot ako sa kaniya pero kung tutuusin napakabait ni Tito Carlos.

"Owen, anak," He faced me.

"P-po?" Tinawag niya akong anak.

"Thanks for saving my daughter. Thank you for staying by her side up until now." Tinapik niya ang balikat ko saka umalis.

***

Sa bahay ako pinauwi ni mama. Paulit-ulit siya na sakit daw ako sa ulo; na lagi na lang daw ako napapasama sa gulo. Pang-ilang kaso ko na raw ito. Pagnagtrabaho na raw ako mahihirapan akong makahanap kung magkakaroon ng background check ang kumpanyang aaplyan ko.

"Ma, sa WVU naman ako mag-aaply as a MAPEH teacher. Tatanggapin mo naman ako 'di ba?" Pagbibiro ko para naman gumaan ang araw na ito at wag kong isipin ang pumatay.

"Ikaw talagang bata ka. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka."

"Good night, Ma. And thank you for helping Chantalle." Hinalikan ko siya sa pisngi.

Papasok na sana ako ng kwarto nang may pahabol pa siya sa akin. "Natutuwa akong napalaki kita ng tama. Babaero nga lang."

Natawa ako sa sinabi niya.

Sa loob ng kwarto hindi ako mapakali. Pagod nga ako pero gusto kong bumalik sa tabi ni Chantalle. Ano na kayang ginagawa niya? Natutulog na kaya siya? Inatake na naman ba siya ng hyperventilation niya? Umiiyak pa rin ba siya?

Ang daming tanong ng isipan ko pero sa tingin ko naman nandoon ang mommy at daddy ni Chantalle. Babantayan siya ng parents niya.

Pumasok naman sa isipan ko si Dillon. Noong kinwestyon ako kanina naalala ko ang nangyari. Sinubukan akong pigilan ni Dillon pero maski siya nadamay sa galit ko. Kumusta na kaya siya?

Kinuha ko ang cellphone ko. May contact siya sa akin alam ko. Pagkahanap ko ng pangalan niya tinawagan ko siya kaagad. Ilang ring lang sinagot na niya.

"Hello, Owen?" Mahina at parang problemado ang boses niya.

"Dillon, uh, pasensya ka na kanina. Nandilim lang talaga ako. Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Ikaw ba? Si Chantalle?"

"Okay naman na si Chantalle. Ang pinoproblema ko lang ay ang psychological health niya."

"I'm guilty," bulong niya na parang mas sinasabi niya sa sarili niya kaysa sa akin. "She told me about Prof. Adolfo but I refused to believe her. Kaya kami nag-away. Kaya..."

Napahawak ako sa ulo ko para mapigilang wag magalit sa kaniya. Kailangan ko siyang intindihin kasi bago pa naman niya malaman, nililihim na ni Chantalle na pinagnanasahan siya ni Prof. Adolfo. "Dillon, you think what you're saying right now will change everything? Stop blaming yourself. Nangyari na eh. At least be thankful that your guilt led us to stopped whatever that evil fvck was doing to Chantalle."

Natapos ang usapan namin nang pinapatahan ko siya at sinabi kong matulog na siya. Hirap pa rin talaga siyang tanggapin.

Ako naman napapaisip na bakit hindi sa akin na lang sinabi ni Chantalle? Bakit sa iba pa eh ako naman ang lagi niyang kasama?

Marami pang tanong ang pumapasok sa isipan ko. Marami ring flashback. Si Chantalle sa nursing room noon at umiiyak at pinipilit akong hawakan siya. Si Chantalle na laging malalim ang iniisip. Si Chantalle noong bigla ko siyang hatakin sa janitor's room at nagulat ko siya. Si Chantalle noong banggitin ko ang pangalan ni Prof. Adolfo ay bigla na lang inatake sa unang pagkakataon ng kainyang panic attack. Si Chantalle at kung bakit mababa ang tingin niya sa sarili niya. Si Chantalle na takot magmahal uli.

Clues were there...

***

Nagising akong masakit ang ulo. Dinaig ko pa ang may hangover. Kaagad kong dinampot ang cellphone ko. Nakita ko sa orasan na halos tatlong oras lang ako nakatulog. Halos wala pang liwanag sa labas.

Ang sakit din ng buong braso ko na nanginginig. Hindi ko rin makuyom ang kamay ko nang walang iniindang sakit.

Binuksan ko ang lampshade ko at pinagmasdan ang kamay ko. May mga pasa na ang mga liyabe ko sa magkabilang kamay.

All of these were worth it. Sa katunayan nga niyan kahit mabali pa ang mga kamay ko at hindi ako makatugtog ayos lang basta mabigyan pa ako ng pagkakataong makaharap ang demonyong 'yun at durugin ang katawan niya.

❤️💋❤️💋❤️

Dahil nga sumobra ako ng POV ni Chan last time so kay Owen na tong chap na ito.

Vote and comment! Update ako kagad 😊

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon