"Dyos ko po! Chantalle!"
Nakaramdam ako ng lamig at nakarinig ako ng sigaw pero antok na antok pa ako para imulat ang mata ko.
May kumalabit sa akin. "Chantalle, gising. N-nandito m-mommy mo."
Napabangon ako sa bulong na puno ng kabang sabi ni Owen. Sa kaniya at suot niyang Hello Kitty pajama unang dumako ang tingin ko. Kung wala lang si mommy sa harapan namin at hawak ang kumot ko baka mapanulalas ako ng tawa kagaya kagabi namg pahiramin ko siya ng pantulog. Tanging ang pajama lang na 'yan ang kumasya sa kaniya.
Hindi naman n'ya balak mag-overnight o magsuot ng Hello Kitty pajama kung hindi ko siya pinilit tutal naman naabutan siya ng curfew hours niya sa dorm, ayaw niyang umuwi dahil mapapagalitan siyang ng parents niya kung uuwi siya na may morning training kinabukasan at napagtripan ko siyang gamitin ang pajama ko kung ayaw niyang matulog sa kotse niya.
"Care to explain what's going on here?" Tanong ni mommy.
Wala akong balak sumagot sa tanong niya.
"Ci, what is this? Who is he? Akala ko ba kayo ni Arden?" Pinaulanan niya ako nang tanong.
"Who is he?" Maaga pa lang umiinit na naman ang dugo ko. Dati naman hindi ako ganito sa kaniya pero ngayong alam ko na kung anong pinagagawa niya at kung pano kami nasaktan ni daddy sa nalaman namin. "Akala ko ba mahal mo kami ni daddy?"
As if on cue my dad appeared outside my room. Gulat siya sa madatnan niya. Lalo na kay Owen. Tinitigan nito ang hubad na upper part na katawan ni Owen at ang suot nitong pajama. Ako naman ang umunod niyang tiningnan. Ang gulo-gulo kong buhok, ang sando kong pang itaas at tanging panty lang pang-ibaba.
Kita ko na napalitan ang gulat sa mukha niya ng galit. Mabilis ang pangyayari. Napasigaw na lang ako nang tumama ang kamao ni daddy sa mukha ni Owen. "Anong ginawa mo sa anak ko?" Nagpaulan siya ng suntok.
Parang wala naman kay Owen ang ginagawa ni daddy. Kayang kaya niyang patihilin o kaya suntukin si daddy para tumigil na pero hinayaan niya lang.
Pumagitan na ako sa kanila hindi dahil nasasaktan na si Owen kun'di nasasaktan na si daddy at ang mga kamao niya. "Dad! Tama na!"
Hindi mapinta ang expression ni daddy sa mukha niya. Napahipamos na lang nang mukha si daddy gamit ang mga kamay niya.
Nakita kong dumudugo ang mga kamao niya. "You're bleeding..." Hahawakan ko sana ang kamay niya pero lumayo lang siya sa akin.
Tiningnan niya ako na para bang niloko ko siya. Tiningnan niya rin si mommy ng may parehong reaksyon. Wala siyang sinabi nang umalis siya sa kwarto.
Si mommy nilingon muna ako na parang sinasabing mag-uusap pa kami bago sinundan si daddy. Nawala silang dalawa sa harapan ko na ginulo lang nila ang emosyon ko.
Pinigilan ko ang pag-iyak. Hinarap ko si Owen na hinahawakan ang panga niya. "Are you okay?"
Ngumiti siya ng bahagya. "I deserved this."
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
Roman d'amourThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...