It was like a dream, probably nightmare. I can't figure out. When Verra told everyone that she's in fact one of the victim, my heart stopped beating. Flashbacks flooded my mind. Bakit nagalit siya sa akin at lagi akong iniinis kung ganoon? Then I saw glitches when she asked me about conscience. Naaalala ko pa na sinabi niyang nakokonsensya siya pero binawi niya kaagad.
Parang isang buhawi ang dumaan at hindi na ako makasunod pa sa pangyayari. Basta sinabi ng judge na kailangang makalikom muna ng sapat na ebidensya sa sinabi ni Verra.
Gusto ko sanang lapitan si Verra at kausapin ngunit nilapitan kaagad siya ng parents niya at ng mga pulis. Ako naman inilabas na kaagad sa kwarto at dinala pablik sa ospital.
Ayoko na rito sa ospital. Iniisip nilang lahat dito na baliw ako. May psychiatrist pa na kinausap ako kanina at kailangan ko siyang kitain at least isang beses sa isang linggo. Hindi ko kailangan nito ngayon! Gusto kong malaman ang takbo ng kaso.
Nagpahapyaw si daddy nang tanungin ko siya kung anong nangyari matapos akong dalhin dito. "May warrant daw na nilabas para mahalughog ang bahay ni Prof. Adolfo. Hinahanap nila ang mga videos na sinasabi ni Verra."
Tinanong ko pa siya kaso sabi niya magpahinga na lang muna ako.
"I'm not resting! I'm tired of resting! Dad, ayoko na rito!"
Sa pagsigaw ko may mga nurse na pumasok at tinurukan ako ng pampakalma o ano mang tawag sa gamot na ini-inject nila. Basta nawalan ako ng lakas at paulit-ulit kongbsinasambit na, "I'm not crazy."
Pagkagising ko naabutan ko si Owen sa tabi ko na natutulog. Kaagad naman siyang nagising nang maramdamang kumilos ako. Nakangiti siya sa akin. "Napanaginipan mo ba ako?"
"Silly!" Inirapan ko siya. Wala akong panaginip ngayon at pinagpapasalamatan ko 'yon kasi nakatulog ako ng maayos.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo ng fruits? May tinakas din pala akong chips." Hawak na niya ang isang lata ng Pringles. Binuksan niya ito at inalok sa akin.
Kumuha naman ako at kumain pero isa lang kasi wala akong gana at masama talaga ang pakiramdam ko pagkumakain.
"Anong nangyari? Sabi ni dad na hinalughog daw ang bahay ni Prof. Adolfo." Tanong ko sa kaniya.
Napatigil sa pagsubo si Owen. "Walang nakita. Malinis ang bahay. Ni hindi makikitaan ng pagkamanyak ang walang hiyang 'yon. Umapila rin ang asawa niya. Pinagtatanggol pa siya."
Nanahimik ako. Napaisip. Nasaan ang mga videos na sinasabi ni Verra? Desktop, USB, hard drive, online... Cloud! Baka kagaya ng photo na na-save niya sa Cloud na naka-connect sa iphone niya, marahil ganoon din ang mga videos. Hindi lang 'yon pang back-up. Pang-save din 'yon ng data.
"Chan, ayos ka lang ba? May naiisip ka ba kung saan nakalagay ang mga videos?"
Umiling ako.
"Then what are you thinking?"
Owen knew me well. He can guess that's somethings bothering me.
Umiling lang ako at halos hindi makatingin sa kaniya.
"You're hiding something from me again. Eto na naman ba tayo?"
"I can't, Owen madadamay ka lang."
"Hindi pa ba ako damay? Chan, lahat nang pinagdadaanan mo handa akong madamay."
I felt guilty. Hindi ko talaga deserve si Owen. Sasaktan at sasaktan ko lang siya. "That photo..."
"Photo? You mean 'yung kinuhaan ka rin ni Prof. Adolfo kagaya ng ibang babae—"
"Hindi, Owen. He took a photo of us... inside the infirmary. That scared me the most." Tumulo na naman ang luha ko.
"Noong may narinig tayong kalabog..." Sa tingin ko naaalala niya na ang tinutukoy ko.
Tumango ako. "He used that to blackmail me. When you throw away the phone I thought everything's going to be fine but..."
"May kopya siya?"
"Pinapadalhan niya pa rin ako ng mga messages at nang picture natin na 'yon. Sabi niya pa na kung magsasalita raw ako kakalat ang picture na 'yon."
"iPhone! He was using an iPhone so..." nag-isip siya. "The Cloud! He got everything on his Cloud, that's what you think, right?" Tumayo siya sa kinauupuan niya at akmang lalabas.
"Owen! No! You can't tell anyone!" Pagpigil ko sa kaniya. "Pagnalaman nila 'to... mapapatalsik ka na ng tuluyan sa basketball club. Ayoko nang madamay ka pa ng husto. Hindi na kakayanin ng konsensya ko." Walang tigil ang pagtulo ng luha ko.
Bumalik siya. Pinahiran ang luha ko at hinalikan ako sa noo. Lately he's been kissing me on my forehead. "Alam mo namang hindi ko talaga hilig ang basketball 'di ba? It's my excuse form me to stop doing it."
"Pero hindi lang 'yon. Expulsion. You might get expelled!" Natatakot ako.
"You too,"
"I don't care. Wag ka lang. Kung hindi lang ako minadali kang..."
"Tama na, I loved what you did to me back in the clinic. Hinayaan kitang gawin 'yon dahil nasasarapan din ako. Wag mong sisisihin ang sarili mo. Isa pa kung wala kang paki kung ma-expelled ka, wala rin akong paki pero nakakalimutan mo ata kung sino ako."
Tinitigan ko lang siya sa mga salitang binitawan niya.
"Anak ako ng chairman ng West Valley University. I can use that on my advantage."
Hindi ko na siya napigilan pa.
Para namang sinisilaban ang buong katawan ko sa pag-aalala sa kung anong mangyayari. Hindi ko rin kayang mag-isa lang sa kwarto.
"Ci," buti dumating si Papa. May kasunod siyang pumasok. "May bisita ka. Iwan ko muna kayong dalawa."
Nagpasalamat siya kay dad, bago ito umalis, saka niya itinuon ang tingin sa akin. Nakangiti siya habang papalapit sa akin.
"Mukhang nangangayayat ka ah?" Sabi niya.
"Ikaw kaya itong malaking ipinayat. Ayos ka lang ba?" Sobrang ibinagsak ng kaniyang katawan. Mukhang wala pa siyang oras matulog at magpagupit ng buhok.
"I just came back from Canada. Nandoon si Eden. We settled everything. Ipagbubuntis niya ang anak namin pero hindi siya nangangakong aalagaan ang bata." Pag-amin niya sa akin.
"You're going to take care of the baby?"
Tumango lang siya. Nanahimik lang kaming dalawa. That silence was comforting enough than words.
"How about you? Ci, I'm sorry for not being there with you."
Umiling ako. "Pareho lang tayong wala nang kailangan natin ang isa't isa. Wag kang mag-sorry."
"Nangyari din ito noong araw nang anniversary natin hindi ba?"
Hindi ko alam kung sino at saan niya nalaman ang mga bagay na iyon basta tumango lang ako bilang kasagutan sa tanong niya.
Umiling naman siya. "I'm such a jerk."
Nanahimik uli kaming dalawa. Ang mahalaga sa akin ngayon nandyan siya ngayon at handa akong damayan.
❤️💋❤️💋❤️
Pag ba ni-self publish ko itong My Painkiller may bibili?
👍🏻Kasama dito:
-Special Chapters
-One-Shots (4 na ka-teammates ni Owen. Kasama po dito si Mario)
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...