Been editing @khionenyx08 story Lost In Bicol. Maganda siya promise! Basahin nyo. Nasa External Link ang link ng story.
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Madilim pa ang paligid at wala pa ata sa tatlong oras ang tulog ko kaya naman naiirita akong inabot ang cellphone na hindi naman akin para patayin ang alarm.
Tumunog uli siya. Nagising na ang diwa ko. Napamulat ako at napansin kong ang unfamiliar ng kwarto at ng brasong nakapalupot sa bewang ko.
Sh!t! Nakatulog pala ako dito sa kwarto ni Owen sa sobrang pagod. Hindi ko naman kasi inaasahang mauuwi kami sa ganoon karami kagabi. Well, alam ko naman na at least makakaisa kami dahil desperada na naman akong makalimot kagabi pero parang masyado ko atang na-enjoy kagabi lalo na't hinayaan niya ako makailang beses na mag-take ng lead.
As far as I remember that was the first time I had sex until I passed out. To be honest, that was also the best sex I ever had, not that I had enough experience. At hindi ko maipagkakailang magaling talaga si Owen. Para siyang sex god. Kitang kita sa v-line niya at sa performance niya.
Pangatlong beses nang tumutunog ang alarm sa cellphone niya ngunit hindi pa rin siya nagising. Niyugyog ko siya. "Owen!"
"Pagod pa ko."
"Nag-aalarm cellphone mo."
Napabalikwas siya nang bangon. Napamura pa siya at natatarantang pumasok sa bathroom.
Naiwan akong natatawa sa reaction niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan. Lagi kayang pa-cool ang lalaking 'yan kahit noong mga bata pa kami. Naging dahilan nga rin namin 'yan nang pag-aaway noong highschool kami kasi nakakairitang ngingiti lang siya kahit pikon na.
Anyway, kinuha ko na ang pajama at undies ko na nakalimutan ko nang isuot ulit bago matulog. Gusto ko munang maligo bago isuot uli 'to kaso feel ko ang lagkit-lagkit ko na. So habang naghihintay na matapos si Owen nilibot ko muna ang tingin ko sa buong kwarto niya na hindi ko napansin kagabi.
Hindi mo aakalaing isang athlete at vain na tao ang nakatira dito. Sa imagination ko puro poster ng mga basketball player o kung ano-ano mang sports parapernalia. Medyo amoy pawis din at may mga nakakalat na mga labahan sa paligid. At base sa rumors na player siya, umaasa akong may mga gamit na condoms sa sahig.
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...