4: The Way

20.8K 361 14
                                    

Dedicated to @GladdiAng alam ko hinihintay mo ang Forget Me Not pero pinalitan ko sya ng title at ginawang My Painkiller. Sana magustuhan mo.

 Sana magustuhan mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thanks, Dillon." Sabi ko kay president na personal pa talagang hinatid sa akin ang bag ko.

"Wag ka nga mag-thank you. Guilty nga ako kasi nahawaan ata kita ng sakit ko." Nag-aalangan niyang pag-amin.

"Ano ba, napagod lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya bumigay ang katawan ko. Don't worry bukas papasok na ako." Nilabas ko ang ngiti kong two days ko nang hindi pinapakita. Nakakulong lang ako sa kwarto ko at umiiyak buong araw. Pumunta si mommy kahapon pero hindi ko siya pinapasok. Kinatok din ako ni daddy para kumain sabi ko busog pa ako. Iniisip nila sila ang dahilan nang pagkukulong ko. Well, part of it but they didn't know the whole story why am acting like this.

"Sige, aalis na ako."

Pagkalabas ni Dillion pumasok naman si daddy. Kinuha niyang opportunity na may dumalaw sa akin para makapasok siya sa kwarto ko. Umupo siya sa may gilid ng kama ko.

"Anak,"

"Dad, I don't want to talk."

"Kung kami ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, please naman Ci, wag mong gawin sa amin 'to. Mahirap na ang pinagdadaanan namin ng mommy mo, wag ka nang dumagdag pa sa problema."

Offending 'yung sinabi niya pero hinayaan ko na lang siya. Sa katunayan nga niyan naaawa ako kay daddy. Siya ang ayaw makipaghiwalay kay mommy pero dahil sa sobra niyang pag-iinom kaya may rason din si mommy na mawalan ng amor sa kaniya.

"Dad, I'll be alright. Just leave me for now. Hindi na ako magiging pabigat sa inyo."

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Robot. I felt like a robot. Pumasok ako ng university na parang walang nangyari sa akin. Taas noo at nakangiti akong naglakad sa hallway. May mga kumakausap sa akin, kumakaway at bumabati. Ang kinakatakutan ko lang sa paglalakad ko eh makasalubong ko si Prof. Adolfo o may marinig akong usap-usapang hiwalay na kami ni Arden. Paniguradong pag may isa mang mangyari sa kinatatakutan ko baka magbreakdown na lang ako dito. Robot na nag short circuit.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon