62: The Photo

8.6K 221 19
                                    

Sana maintindihan ko?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sana maintindihan ko?

Hindi ko ata kaya intindihin. Ayokong intindihin kahit alam ko ang rason niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Napapaisip na ano pa ba ang dapat kong gawin para maintindihan niyang sapat na siya sa akin maging ano man ang pinagdaanan niya.

 Napapaisip na ano pa ba ang dapat kong gawin para maintindihan niyang sapat na siya sa akin maging ano man ang pinagdaanan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Owen, uhm, tumutunog ata ang phone mo." Sabi niya sa akin.

Ayoko mang bumitaw sa yakap ko kay Chantalle pero mukhang nag-a-alarm ang cellphone ko at hindi iyon titigil hangga't hindi ko papatayin kaya hinanap ko sa sahig ang pantalon ko at kinuha sa bulsa ang cellphone.

Pagsilip ko sa screen nakatambad ang sa caller ID ang pangalan ni Mario. Sinagot ko ang tawag sa pagtataka kung bakit tumatawag ito ng ganitong oras.

"Mario?"

"Fvk! Owen buksan mo ang Facebook mo." Salubong niya kaagad.

Kumunot ang noo ko at nailayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Mario. "Good morning to you too." Sarcastic kong sabi.

"Tangina bro! May nag-hack sa WVU Secret Files ng picture mo kasama si Chantalle sa clinic."

Halos tumigil ang pagtibok at pagdaloy ng dugo ko sa katawan sa narinig.

"Sino 'yan?" Tanong ni Chantalle na mas lalo kong kinasindak.

Nangyari ang kinatatakutan ni Chantalle.

Napatayo ako sa kama at nagmadaling magbihis. Kinukulit ako ni Chantalle kung anong nangyayari. Hindi ko siya kaya sagutin. Ayokong malaman niya pero imposible 'yon.

Kinuha ni Chan ang cellphone ko at kinalikot iyon. "Hello? Mario?"

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko.

"What's happening? Sabi ni Mario buksan ko raw ang Facebook ko."

"You don't have to worry. I'll clean this up." Nagmamadali akong umalis ng hotel. Nag-cab na lang ako. Sa backseat nag-open ako ng data ko at Facebook app ko. Hindi na ako nakapunta sa WVU Secret Files kasi kaagad nang tumambad sa newsfeed ko ang sinasabi ni Mario. Sa Photo nasa ibabaw ako ni Chan tapos naka-censored lang ang ibabang part ko na alam kong expose ng mga panahong iyon. Tapos sa kamay ni Chan may puting liquid pa.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon