42: The One Who Fall

8.6K 158 6
                                    

"Iniiwasan mo ba ako?" Tuluyan na atang nalaglag ang panga ko sa tanong sa akin ni Owen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tuluyan na atang nalaglag ang panga ko sa tanong sa akin ni Owen. Kanina nang bigla na lang niya isigaw ang pangalan ko sa gitna ng hallway napanganga na ako eh ngayong malapit siya sa akin at tanungin ako, hindi ko na talaga alam kung nasaan ang panga ko.

"Will you please lower your voice!" Napalinga-linga ako. Kaunti lang ang tao sa hallway at mukhang wala silang pakialam sa amin ni Owen. "At sinong umiiwas? Ikaw nga itong hindi nagpapakita sa akin." Last kaming nagkita Saturday ngayong Thursday na. Lagi lang siya nagte-text na hindi siya makakapunta o kaya busy siya. Basta lahat excuse. Wala naman akong time para replyan 'yon.

Natahimik siya. Ngumiti na parang may naiisip na hindi ko gusto tapos nahiya. Hala. "Busy lang talaga sa basketball and everything."

"Whatever." 'Yang everything niya may naaalala akong kwento sa akin ni nurse Gin. "Basta siguraduhin mong walang magsasampa ng kaso sa pinagkakaabalahan mo ngayon."

Kumunot ang noo niya. "May alam ka?"

"I have a lot of connections, dear." Humalukipkip ako.

"I'm a change man now, Chan."

"Whatever. Ready na ba ang basketball team para sa appearance ninyo sa Golden Foundation Concert?" Pag-iiba ko sa usapan. Baka kung saan pa mapunta o kaya isipin niya magseselos ako.

"Shit! Alis muna ako." Nagtatakbo siya papalayo sa akin.

Anong problema ng lalaking 'yon? Very suspicious.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ako na pala ang nanalo sa election kaya marami ang bumabati sa akin at tinatawag na akong president. Nakakataba ng puso. Walang sawa akong nagpapasalamat sa kanila.

"Ms. Amadeo, congratulations." Itong nakasalubong 'to ang wala aking gana pasalamatan. Si Prof. Adolfo.

Nginitian ko na lang siya.

"Dahil ako uli ang student council adviser inaasahan ko ang malapit nating pagtatrabaho para sa ikabubuti ng WVU." Pormal niyang sabi. Inabot niya pa sa akin ang kamay niya para makipagkamay.

"Opo, sige po." Hindi ako nakipagkamay. Nagmadali na akong maglakad papalayo sa kaniya. Kaagad akong nagtungo sa banyo at pinakalma ang sarili ko.

Kahit na ba sabihin ko sa sarili kong kaya ko siyang harapin hindi pa rin makawala ang katawan ko sa takot. Instinct knew how to react in times like that.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili kong matatag ako. Na ako si si Chantalle Amadeo. Hindi ako mahina. Hindi ako matatakutin. Lumalaban ako. Lalaban na ako ngayon.

***

I didn't went straight home. Sa ospital muna ako pumunta. Gusto ko bisitahin ang kapatid ko. So far gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko siya. Last Sunday binista ko siya at sa kaniya ko unang sinabi ang plano ko. Hindi man siya nakakasagot pero parang naintindihan niya ang sinabi ko nang humigpit ang pagkakahawak niya sa daliri ko.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon