33: The Attack

8.9K 178 15
                                    

What the hell! Ano itong papel na ibinigay sa akin ni Owen? Halos hindi ko maibukas ang kamao ko dahil sa pag-uusisa ng mga kasama ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

What the hell! Ano itong papel na ibinigay sa akin ni Owen? Halos hindi ko maibukas ang kamao ko dahil sa pag-uusisa ng mga kasama ko. Nakarating na kami sa SC room nasa kamay ko pa rin ito.

"VP! Buksan mo na dali!" Tili ng isa sa mga babaeng member namin na patay na patay kay Owen.

"Ano ba kayo! Wala lang 'to. Napagtripan lang ako ni Owen." Pagpapakalma ko sa kanila.

"Pero hindi nanti-trip si Owen pag hindi mo siya ka-close. Ka-close mo ba siya, Ate?" Tanong naman ng isa.

"Hindi kami close." Pagsisinungaling ko. "Kita n'yo namang parang nagdeclare siya ng war kanina sa campaign natin."

"Kung ganoon, bakit ayaw mong buksan at ipakita sa amin ang nasa papel na ibinigay niya sa iyo?" Sabat ni Verra. "At kung hindi kayo close bakit Owen lang ang tawag mo sa kaniya?"

Bwiset talagang Owen 'yan. "Owen naman ang tawag ng iba sa kaniya. At ito na," Binuksan ko ang kamao ko at binuklat ang halos lukot nang paper na ininigay sa akin ni Owen. Kinabahan ako nang husto. Tapos ang nakalagay lang,

 Tapos ang nakalagay lang,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakabaliw niya talaga. Akala ko naman may kung anong kalandian ang inilagay niya sa papel. Kinabahan tuloy ako.

Nagtawanan naman ang iba. May ibang naghanap ng secret message sa papel.

"Wala kayong makikita. Mas mabuti pang umuwi na tayo." Utos ko.

Nagsimula na naman sila magligpit ng campaign paraphernalia at isa-isa nang nagsi-uwian. Kami na lang ni Verra ang naiwan. Tulad pa rin ng dati hindi niya pa rin ako pinapansin ng maayos. Kasi kung kakausapin man niya ako laging may halong panlalait at gusto niya akong ipahiya.

"You shouldn't say that in front of the class." Bigla niyang sabi.

"What do you mean?"

"Kung ano mang namamagitan sa inyo ni Owen, kung nilalandi mo rin siya, dapat hindi mo na rin siya sinagot nang ganoon. Malaki ang impluwensya niya sa WVU. Pag naisip nilang laban ka sa kaniya hindi ka mananalo. Hindi naman sa gusto kitang manalo, at least gusto lang kitang bigyan ng advice kasi nakakaawa ka."

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon