The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I went to school with Last Sentence Syndrome from Kuya Orlando. Paulit-ulit nakakabaliw na.
"Seryoso bang ayos ka lang?" Pag-aalala ni Dillon. "Baka naman pinipilit mo lang ang sarili mo? Dapat hindi ka na pumasok."
"Pres, okay lang talaga ako. Kailangan ko ma-practice ang speech ko para sa debate bukas." Pumasok ako matapos kong sumama kay Kuya Orlando para lang mawala sa isipan ko ang sinabi niya sa akin.
"Basta wag mong pipilitin ang sarili mo."
"Ayos lang ako dito at least hindi sa SC room." Wala sa sarili kong sabi.
"Anong mayroon sa SC room at ayaw mong magpunta doon?"
Bukod sa ayaw kong baka bumalik ang panic attack ko sa lugar na 'yon, ayoko ring makasama si Verra at Prof. Adolfo na kasalukuyang nandoon. "Marami lang tao doon kaya mahirap mag-concentrate."
Noong malapit na ako matapos may biglang pumasok sa room at mabilis akong hinila sa kamay papalayo kay Dillon. Galit na galit siyang nakatingin kay Dillon.
Heto na naman po kami. "Arden please stop."
Wala nga siyang sinabi pero kinaladkad niya ako papalabas sa kwarto. Eskandalo kami sa gitna ng quadrangle.
"Arden, nasasaktan ako!" Hinatak ko pabalik ang kamay ko.
"Nasasaktan din ako, Ci." He hissed. "I know I messed up but I love you. I tried to make it up to you. I did my best but I felt like you're just slipping away."
"Why now?" Umiling ako. "Not now."
"Do you still love me?" May takot sa tanong niya.
Wala akong masagot. Masyadong maraming nangyayari sa akin ngayon para masagot ko ang tanong niya.
Umiling din siya. "Kung mahal mo ako hindi ka magdadalawang isip na sagutin ang tanong ko kahapon man 'yan, mamaya o bukas. Iisa lang dapat ang sagot mo at 'yon ay mahal mo ako."
I bit my tongue. Trying not to feel hurt inside my chest.
Huminga siya ng malalim. Binitawan na niya ako. "I'm so stupid."
Naiwan ako mag-isa sa gitna ng quadrangle na manhid at hindi malaman ang gagawin. I got two confessions today and I have no idea what to do.
***
I went home after that encounter with Arden. I also texted Owen that I'm going to be busy tonight. I just want to be alone and to concentrate for tomorrow's debate. Though when I went home I saw dad just came in. He looked better than the usual.
"Kumain ka na ba Ci?" Tanong niya nang makita niya ako.
"I'm not hungry." Papanik na ako ng kwarto nang tawagin niya uli ako.
"May gusto sana akong sabihin sa'yo. Umupo ka muna dito."
Sinunod ko siya at umupo sa dinning. Binuksan niya ang dala niyang to-go order at hinain sa harap ko. Kahit hindi ako gutom kinain ko na rin.
"I'm accepting your mom back."
Namali ako ng lunok. Nagmamadali akong tumayo para kumuha ng tubig.
"Sorry mali ako ng timing." Sabi niya.
"Dad!" 'Yon lang ang nasabi ko.
"I already told this to you. I love her and I'm willing to forgive her."
"Pano 'yong lalaking nakabuntis sa kaniya? Dad, pano mo nagagawa 'to sa sarili mo?" Hindi ko na napigilang wag maiyak. Masyado na talagang mabigat ang araw na ito. Bakit ganito sa akin ang buhay? Isang araw nawala sa akin lahat tapos ngayon araw na ito lahat sila gustong bumalik at sinasabing mahal nila ako?
"Wala siyang paki sa kung anong nangyayari sa mommy mo. Isang gabing pagkakamali lang iyon, Chantalle. Alam kong hindi na niya uulitin 'yon. Alam kong mahal niya pa rin ako. Bakit ko sasayangin 'yon?"
Umiling lang ako nang umiling.
"You will understand if you deeply fall in love with someone."
Kung ganoon nga ayoko nang magmahal.
***
I woke up early the next day. It was an important day for me. Ngayong araw ko mapapakita ang galing at ang plataporma ko sa mga estudyante ng WVU. Wala akong panahon para isipin pa ang nangyari kahapon.
Sa sobrang excited ko nakasakay na ako ng kotse ko nang hindi pa nagsusuklay. Naiwan ko pa ang cellphone ko sa kwarto. Bumalik na naman tuloy ako para kunin ang phone ko at ang kikay kit ko.
Wala pang 30 minutes nakarating na ako. Nagkulong lang naman ako sa isang restroom para mag-ayos at makapag-practice ng speech ko. Nang marinig ko na ang inagay ng mga nagdaratingang estudyante saka ko lang napagpasyahang lumabas.
Marami akong nakakasalubong na nagbibigay lakas loob sa akin at nagsisimula na akong batiin bilang president. Nakakatuwa ang suporta nila.
Pagdating ko sa classroom saka ko lang binuksan ang cellphone ko. Maraming text akong na-received.
Owen: Good luck
Natabunan na ang text niya kasi kagabi niya pa ito sinend sa akin.
I found myself smiling though I mentally slapped myself from doing it. Then I remembered what Kuya Orlando said. Nalilito na ako!
Chantalle: goodluck din
Nag-reply pa rin ako. Bahala na. Hindi pa naman ako sigurado kung gusto niya ba talaga ako o hindi. Si Kuya Orlando lang naman ang nagsabi hindi mismo si Owen. Maniniwala lang talagang talaga ako pag siya na mismo nagsalita. Pano pala kung palabas lang ni Owen na gusto niya ako sa pamilya niya para magpatuloy lang ang sex namin? Ganoon naman 'di ba?
Bahala na!
Natapos ang mga klase ko sa araw na ito. Kaagad ako nagtungo sa mga ka-party list ko para simulan ang briefing. Pagpatak ng alas sinco ng kabi pinatawag na kami sa quadrangle para simulan ang debate. Ngayong gabi magkakaharap kami ni Richard mula sa kabilang party.
Nakipagkamay siya sa akin. At nangakong hindi niya ako titirahin pailalim. Kilala ko siya at hindi siya ganoong tao. I will fight him fair and square.
Tinawag na ang pangalan ko para umakyat sa stage. Sa gitna ng entanlado kitang kita ko ang mga estudyanteng nakatingin sa akin na tila ba naghihintay nang pagbabagong maaari kong ibigaysa kanila. I took a deep breath and calmed myself. This is not the time for panic attack.
"Good afternoon fellow students and faculty, I am Chantalle Amadeo your incumbent vice president of the student council and your future president."
❤️💋❤️💋❤️
Haggang dyan na lang. Mahirap na ikuwento ang buong debate hahaha! Mabobored lang kayo.