32: The Debate

8.5K 165 10
                                    

I went home worrying about Chantalle's mother that I forgot that I had my own problem

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I went home worrying about Chantalle's mother that I forgot that I had my own problem. Nadatnan ko si papa sa sala namin. Nagbabasa siya ng sports magazine. Natigilan lang siya nang mapansin ako. Iiwasan ko sana siya pero tinawag niya ako.

"We need to talk, Owen." Inilapag niya ang magazine niya sa side table at hinarap ako.

"If this is about basketball, you can't change my view about it." Inunahan ko na kaagad siya. "I love music and--"

"Hiwalayan mo si Chantalle." Pagsingit niya sa sinasabi ko. Madiin at seryoso niyang sabi.

"What?" Nanliit ang mata ko. "Walang kinalaman si Chantalle dito. Papa, dati pa naman mahilig na ako sa pagtugtog."

"Dati pa lang naman naglalaro ka na ng basketball. May talento ka, Owen. Wag mong sayangin."

"Kaya lang naman ako nahilig sa basketball dahil sa inyo nila kuya. Gusto kong malampasan ang expectations ninyo. Sana naman hayaan niyo ako sa gusto kong gawin."

"Hiwalayan mo si Chantalle. Kung ano-anong pinapasok nang batang 'yon sa isip mo."

Kumulo ang dugo ko. Bakit kasi hindi siya makaintinding walang kinalaman si Chan dito? "You can push me to play basketball but I'm not breaking up with her. And you can't stop me from doing what I want." All said. Ayoko nang pahabain pa. Pumanik na kaagad ako sa kwarto ko at nag kulong. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Sa kauna-unahang pagkakataaon na sabi ko ang saloobin ko kay papa. Napagtaasan ko rin siya ng boses. Hindi ko tuloy alam kung ikakatuwa ko o ikakakonsensya ko ito.

***

Lunes nang makita ko ulit si Chantalle. Nagkulong lang kasi ako sa bahay at ayoko namang guluhin siya lalo na't may family problem siyang dapat asikasuhin. Pero noong linggo ng gabi tinext ko siya at nag-reply naman siyang I feel better now. Gusto ko sana makasigurado kaso ngayong Lunes busy siya sa panganganpanya. Pumasok nga siya sa isang klase ko at nagkaroon sila ng pangangampanya. President ang tatakbuhin niya ngayong elekayon. Bagay naman sa kaniya 'yun.

Sa last class ko nagpunta uli sila. Hinihintay kong magtama ang tingin namin. Kanina kasi todo iwas niya. Medyo na-offend ako sa ginawa niya kaya ngayon nagpapansin na talaga ako. Nagtaas ako ng kamay at nagtanong. "Anong mapapala ko kung bobotohin ko ang partida ninyo? Madadagdagan ba ang pondo ng basketball team?"

Nagtawanan naman ang mga classmate ko. May sumigaw pa ngang hindi na namin kailangan ng dagdag pondo. Marami na raw kaming sponsors.

May point sila doon pero iba ang goal ko sa tanong ko. At mukhang naabot ko ang goal na 'yun kasi nagawa akong tingnan ako ni Chan. Sandaling tumaas ang kilay niya ngunit bumalik din ang mala madam niyang aura.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon