The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ilang beses kong idinudukdok sa dashboard ng sasakyan ni Owen ang ulo ko. Pano ba naman wala na namang preno ang bibig ko kung kinakailangan. Pagkatapos noong sinabi ko kay Tito Kentucky wala na talagang nagsalita. Kung hindi lang tumayo si Owen at hinatak ako papalabas ng bahay nila at isinakay ako sa kotse. Kanina pa siya nagmamaneho pero hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Baka papatayin na niya ako?
Crazy. I'm going crazy.
We stopped in front of the theater. Dito ginaganap ang iba sa maliliit na concerts mapa-rock to classical. Nag-concert na dati si daddy dito.
Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawa kasi nga nahihiya pa rin ako sa pinagsasabi ko kanina. Basta pagkababa niya bumaba na rin ako sa kotse sinundan ko siya hanggang doon sa entrance ng theater.
Mukhang kilala siya ng guard kasi nag-shake hands pa sila at nagkamustahan pa. Sa akin lang talaga skeptical ang tingin ng guard.
"Kaibigan ko nga pala. Gusto ko lang ipakita sa kaniya." Pagpapakilala ni Owen.
Bumulong 'yung guard. Hindi ko na rinig pero nakita ko namang pabirong sinuntok ni Owen ang balikat nito. Nagtawanan lang silang dalawa.
Gusto kong magtanong pero napag-isipan ko nang lalagyan ko ng zipper ang bibig ko.
Niyaya niya ako papasok. Madilim ang piligid pero alam ni Owen kung saan pupunta para buksan ang switch. Isang ilaw lang ang binuksan niya pero kita ko na kahit papano ang stage. Hinatak niya uli ako papunta doon.
I've never been on the stage of this theater. Kahit na walang tao ang weird pa ring tumapak sa malaking stage hindi katulad sa WVU na sapat lang ang laki. Pakiramdam ko nasa akin lahat ng atensyon.
"Just wait for--"
Pinigilan ko siya. Napalingon siya sa akin nang nagtataka. "I'm sorry for butting in earlier. If you hate me just say it." Nakatingin lang ako sa paa ko.
I felt him shaking kaya napalingon ako sa kaniya. Tumatawa siya. Tawang tawa!
Hindi lang siguro ako ang nababaliw dito.
"I don't hate you, idiot." He said in between laughs then he coughed and started to get serious. "In fact I'm jealous of you. I wish I could say what you said to him earlier. I'm such a wuss. I can't speak out my mind to them."
I'm not normally like that. Sana nga masabi ko lahat ng dapat kong sabihin. Ayoko lang talagang mauwi sa tagpong kagaya ngayon na sigurado akong kinaiinisan na ako ng buong pamilya ni Owen.
Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Naglakad siya papalayo. May pinindot siyang mga switch dahilan para magdilim ang buong theater.
Nag-panic na ako noong mga sandaling iyon. Sinigaw ko na ang pangalan niya kasi baka iniwan na niya ako sa dilim pero bigla na lang nagbukas ang bubong. Seryosong bumukas ang bubong!