After talking with Arden I tried my best to act like I heard nothing.
"Chantalle," tinawag na lang ako bigla ni Verra. Pagkaharap ko parang nagulat siya. "Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?"
Gusto kong umirap pero masakit na ang mga mata ko dahil sa puyat at kakatapos ko lang umiyak. Nakiiyak ako kay Arden. Umiiyak siya sa konsensya at takot na nararamdaman niya samatalang ako umiiyak sa awa at sa pagkakataong nawala sa naming dalawa. Kung hindi nangyari ang aksidenteng 'yon marahil kami pa rin ni Arden.
"Wala lang akong tulog. Insomia." Palusot ko.
"Nakokonsensya ka na ba?"
Tiningnan ko siya ng masama sa tanong niya. Nandito na naman siya para asarin ako.
"Do you need something from me?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Kasi ako oo." Sagot niya na malayo naman sa tanong ko. "I mean akala ko sasabihin mo nang nakokonsensya ka. Anyway, nandito ako kasi gusto kang kausapin ni Dillon tungkol sa mga guests na a-attend bukas."
Wala na akong sinagot pa sa kaniya. Dali-dali na lang akong nagpunta sa restroom para matakpan ang namamaga kong mata. Madali pa namang mahulaan ni Dillon na may problema ako sa pagtingin niya lang sa mukha ko.
Pagkatapos ko mag make-up nagtungo ako sa quadrangel kung saan sine-set-up ang stage na gagamitin sa concert. Nakita ko kaagad siya.
"All set, ready na ang mga bands na magpe-perform. Nakusap ko na rin ang mga volleyball girls. I guess okay na rin ang basketball team. Pupunta na lang ako uli after nito para maka-usap sila."
"Good, Ms. President." Ginulo niya ang buhok ko. "Mukhang todo make-up mo ngayon ah. May date ka ba?"
Ang totoo ikaw ang dahilan. Bulong ko sa isip ko. "Makikipagkita kaya ako sa basketball team. Baka may mabingwit ako doon sa kanila." Pagbibiro ko na lang.
Natawa si Dillon. "Sabihin mo, si Owen ba?"
Nanlaki naman ang mata ko. "What? N-no way!"
Ngumisi lang siya. "So nakapag-decide ka na tungkol kay Arden?"
Nanumbalik ang lungkot sa akin. Wala akong ibang nagawa kun'di ang tumango.
"Good," ginulo na naman niya buhok ko.
"Ano ba? Sinisira mo hairstyle ko."
Nagtawanan na lang kami. Sabi niya hindi raw bagay sa akin ang nakalugay lang sa make-up ko ngayon kaya tinirintas niya ang buhok ko. Kahit papano napagaan ni Dillon ang pakiramdam ko.
"Dillon, can you be my bestfriend?" I finally asked.
"Aw! Bestfriend-zone?" Humalakhak na naman siya. "Kidding! Of course, bestfriend. I'm not into you know."
"Yeah,"
Nanlaki ang mata niya. Tumango naman ako sa kaniya. Tapos nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...