60: The Win

8.6K 190 18
                                    

He was given a final chance to redeem himself

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He was given a final chance to redeem himself. At the end he denied all the accusations. Nakalahad na lahat ng ebidensya, tinatanggi niya pa rin.

Napaiyak ako dahil sobrang lumuwag ang pakiramdam ko. Makita siyang maparasuhan nang panghabang buhay na pagkakakulong ay parang isang malaking higanti ko para sa kaniya at sa lahat ng babaeng nilapstangan niya.

Hindi ko man nakita ang mga videos pero higit daw sa anim ang mga babaeng estudyante dati ang ginawan niya nito. Sinubukang tawagan ang mga babaeng biktima pero dadalawa lang ang lumabas at nagpatunay na totoo ngang nagpagamit sila para makuha ang gusto nila.

Hinimas ni Atty. Feliciano ang likod ko para kumalma. Maingay ang court room. Hindi lang ako ang nagbubunyi kasi nang maipalabas sa media ang kaganapang ito mas maraming nakisimpatya. Nandoon din ang mga pamilya ng ibang biktima na nagdiriwang at nag-iiyakan din.

 Nandoon din ang mga pamilya ng ibang biktima na nagdiriwang at nag-iiyakan din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang iangat ko ang ulo ko para tingnan muli si Prof. Adolfo nakita ko siyang nakatingin sa akin. Inaasahan kong may galit siya sa akin but he was smirking at me.

Halos hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makalabas siya sa kwarto kasama ang mga pulis na nakabantay sa kaniya.

Naialis ko lang ang tingin ko sa pintong pinaglabasan ni Prof. Adolfo nang tawagin ako ni daddy at mommy. Kaagad kong nilapitan sila para yakapin.

"This is all done, baby." Bulong ni mommy sa akin. "All done."

Pagkatapos nang yakapan namin hinagilap ko si Verra para kausapin kaso hindi ko na siya nakita. Gusto ko talaga siyang maka-usap at magkaayos kami. Maraming bagay ang nais kong linawin sa kaniya.

"Chan," Napaling ang tingin ko kay Owen. Kasama niya ang pamilya niya, si Mario, si Dillon, pati na rin si Arden. Kahit marami siyang kasama hinila niya pa rin ako para yakapin. Wala siyang sinabi basta niyakap niya lang ako ng mahigpit na tila ba pag hindi niya ako hahawakan mababasag ako.

"Congratulations Chantalle." Nginitian ako ni Tita Esmiralda. Hinila niya si Owen para bumitaw sa akin. Siya naman tuloy ang yumakap sa akin. "I'm proud of you."

Si Tito Kentucky naman nakatingin lang sa amin at walang reaksyon.

"Okay, alam kong kakatapos lang ng kaso pero sasabihin ko na rin 'to sa inyo ni Owen. Ilang linggo rin kayong wala sa university, tapos na ang semester, pero bibigyan ko kayong tatlo nila Verra nang pagkakataong makakuha ng special exam."

Kita ko sa mata niyang marami pang mangyayari bukod sa exam pero mas pinili na lang niya na iyon lang ang ibalita sa ngayon. Buti naman kasi hindi ko na ata kakayanin sa araw na ito.

Nagpaalam ang parents ni Owen na mauuna nang umalis pero naiwan ang anak nila sa tabi ko.

Si Dillon naman ang yumakap sa akin at nanghingi ng sorry. "I'm not worth it to be your bestfriend."

Kinurot ko ang pisngi niya. "Oo na hindi ka na worthy pero kaibigan pa rin kita at nagpapasalamat ako sayo sa maraming bagay."

Nakita kong nakatingin sa amin si Arden. Siya naman ang pinagtuunan ko ng pansin. "Magpahinga ka kaya. Parang babagsak ka na anytime."

"Thanks for everything Chantalle."

Nagpasalamat din ako sa kaniya.

***

Sa tagong exit ako nilabas sa korte dahil sa mga media na nag-aabang na ma-interview ako. Simula kasi nang kumalat sa media ang kaso wala nang humpay sila sa pangungulit. Halos hindi na nga ako nakakauwi sa bahay ngayon kaya nandito ako lagi sa isang hotel natutulog.

Hindi ko alam kung magiging normal pa ba ang buhay ko. Kilala na ako bilang babaeng na rape ng isang professor. Hindi ko alam kung mawawala pa ba sa isipan nila 'yon. Hindi ko rin alam kung makakalimutan ko ang pangyayaring ito sa buhay ko. Nagbago na ang lahat. May kapatid na ako, hiwalay na kami ni Arden, hindi na ako kasing tapang dati at mas marami na ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung saan na ako magsisimula ngayon.

"Ci, iiwan ka muna namin, huh? Marami pa akong aasikasuhin tapos si mommy mo kukunin si Briell sa bahay ng tita mo." Sabi sa akin ni dad. "Wag kang mag-alala nandito naman si Owen."

Tumango na lang ako at pinanuod ko silang umalis ni mommy.

Despite of the tragedy happen in my life I'm still happy that my parents made it. Magkasama sila ngayon kahit na ang dami nilang hinarap na problema.

"Chan, baka gusto mo muna matulog?" Tanong ni Owen nang makaalis na ang parents ko.

Umiling naman ako sa kaniya. Natatakot akong matulog kasi may gabi pa rin talaga na dinadalaw ako ng bangungot. Sa katunayan nga niyan gabi-gabi.

"Gusto mong kumain?"

Umiling uli ako. Isa pa sa hindi nakaka-adjust sa akin ay ang pagkain ko. Tila ba ayaw tanggapin ng katawan ko lahat ng pagkain.

Umungol siya sa pagkabigo. "Lahat na lang ayaw mo." Ngumuso pa siya.

Humalakhak ako sa unang pagkakataon matapos ang ginawa sa akin ni Prof. Adolfo. "Hindi bagay sayo ang umarteng nagtatampong—"

Natigilan ako nang halikan niya ako sa labi. Sa unang pagkakataon...

"Sht, Chan kung alam mo lang kung gaano ako kasayang makita kang tumawa." Isiningit niya sa likod ng tenga ko ang mga hibla ng buhok kong nasa mukha ko na.

"Owen, I don't know how to thank you enough." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Hinawakan naman niya ang baba ko at hinila ito pababa para matangal ang pagkakakagat ko sa labi ko. "Let it go. Pag kinakagat mo ang labi mo may pinipigilan kang wag gawin."

Umirap ako. "I hate how you knew me well."

"No, you're still a mystery to me."

Natahimik ako nang may bigla na lang tensyon at ilangan sa aming dalawa.

"Susubukan ko uli." Bigla niyang salita na medyo kinagulat ko. "Gusto mo bang..." lumapit siya sa tenga ko at may binulong.

Nanlaki ang mata ko at namula.

Siya rin namula. "Joke lang 'yon. Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Nililigawan pa kita, 'di ba? At saka sinabi ko sa sarili ko na gagawin kong tama ang proseso para maging official girlfriend talaga kita."

Tatawa sana ako kaso nawala kaagad iyon. Sigurado na akong mahal ako ni Owen. Sigurado akong hindi na ako makakahanap ng lalaking katulad niya pero...

Kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon