Mas lalo akong hindi pinapalabas nila daddy. Worst part was he made sure na wala akong TV signal sa loob ng room ko dito sa hotel para hindi ako makapanuod ng balita.
Kahit ano namang gawin nila alam ko namang mas masama na ang tingin ng mga tao sa akin. Isang beses kumain ako sa restaurant sa baba narinig ko na pinag-uusapan ako ng ilang mga nababae doon.
"Kaya naman kasi na-rape siya kasi malandi naman pala siya."
"Hindi makapagpigil si Ateng? Sa school pa talaga gagawin."
Ilan lang iyon sa mga narinig ko. Marami pang paninira sa akin lalo na't dinamay ko pa raw si Owen dito. Hindi raw ako deserving para sa kaniya at sinira ko raw ang basketball career niya.
Akala ko tapos na ang lahat; akala ko okay na pero sa nangyaring pagkalat ng litrato namin ni Owen mas sumama ang pakiramdam ko. Nilalamon ako ng konsensya ko sa nagawa ko sa kaniya at sa pamilya niya. Hindi lang si Owen ang kawawa sa nangyari kun'di ang buong pamilya niya at mga estudyante sa university.
"Chantalle?"
Paulit-ulit kong narinig ang pangalan ko kaso masyadong umiikot ang paningin ko. Para lumulutang ang katawan ko habang nasa loob naman ng bubble ang ulo ko.
"My god, Ci! Wake up!"
Pinilit kong idilat ang mata ko. Naaninag ko si mommy. She looked funny. Kulay pula ang buhok niya na parang humahaba ng humahaba. Tila naman Simpson ang kulay nang balat ni mommy.
"Ci, ininom mo ba ang buong tableta ng sleeping pills mo?"
Nagdilim ang paligid. Nakakatakot. Naririnig ko ang boses niya. Ayoko nang marinig siya!
***
Nagising akong nasa ospital na uli. Lagi na lang akong nauuwi rito.
"Ci, finally. Pinakaba mo na naman kami."
"Dad, water."
Sinunod naman niya ang hinihingi ko at uminom ako ng tubig. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.
Ilang minuto ring walang nagsalita sa aming dalawa. Tinitingnan ko ang paligid bukod lang kay daddy.
"Ci, alam kong marami kang pinagdadaanan." Pagputol ni daddy sa katahimikan.
"I once drown myself in alcohol just to forget everything. Naiintindihan kita pero kung hindi natin tutulungang magbago ang sarili natin hindi tayo makakausad sa kinasadlakan natin." Napabuntong hininga siya. "Ci, 'wag mo nang gagawin uli 'yon."
Napaluha ako sa mga sinabi ni daddy. "Hindi ko naman po sinasadya. Inatake po ako ng panic attack ko. Hanggang sa nalito na ako sa apat na gamot na dapat kong inumin. Tapos nang maramdaman kong iba na ang pakiramdam ko ininom ko 'yung sleeping pills ng buo." Hindi ko naman kasi inaakalang ma-ha-high ako.
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
RomanceThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...