The Shift Series #1
It's just you inside me that can make my pain go away...
Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I've been sleeping in his place for two days. Kaya wash and wear ako ng uniform at undies ko. Well, I didn't specifically need those so I had enough time to put it in the washing machine and dryer.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Saturday morning ngayon at nandito pa rin kami sa kama niya. To be exact, ako lang ang nasa kama niya, siya busy Sa keyboard at music sheet niya. Nagising ako kasi medyo masakit na sa tenga yung paulit-ulit na part na tinutugtog niya. I liked his music but that screwed part annoyed the hell out of me.
Binato ko sa kaniya ang unan. "Will you please play it right or I'll broke that keyboard of yours."
Napakamot siya ng ulo na pabalang. Mukhang inis.
Pagkatayo niya sa kinauupuan niya wala pala siyang saplot. Paglingon niya napansin kong meron pala. Sa mata nga lang niya. Nakasuot na naman siya ng glasses. Nerdy siya tingnan pero cute at hot. "Sorry kung nagising kita." Tumayo siya sa edge ng kama tapos ibinagsak ang katawan niya padapa.
"Okay ka lang?" Parang noong isang araw lang tinanong niya ako ng tanong ko sa kaniya ngayon.
"Bkasshi kaesgsng kossh ka--"
"Anong sinasabi mo?"
Inangat niya ang mukha niya sa unan. "Bakit ko kailangang tumugtog sa event sa uni?"
"Kasi gusto ko?"
"Smartass," isinubsob na naman niya ang mukha niya sa unan.
"Kasi gusto kong malaman nila na hindi talaga basketball ang passion mo kun'di ang pagtugtog."
Inangat niya ang ulo niya. Instead na sagutin ako hinalikan niya ako. Malalim na halik tapos ang maliliit na halik niyang parang inuudyo akong gumawa ng unang hakbang para mas lumalim pa ang halikan namin. At hindi lang dito natapos ang lahat. Tinangal niya ang kumot na nakakumot sa akin. Tumigil siya sa paghalik at tiningnan ako. Ang buong katawan ko.
Nailang ako kaya napaiwas ako ng tingin. Kahit na ba na-explore na niya ang buong katawan ko, hindi niya pa ako tinititigan nang ganito na para bang isa akong tulang dapat niyang kabisaduhin.
"I'm not suppose to do more than making out with you but fvk you're way too hot right now and I'm way too horny to stop."
"You're lucky I'm into this too but I need to go home after this. Ayoko naman kumain ng dinner na naka-uniform pa rin o kaya naman nakasuot ng boxer at t-shirt mo." Tama, may dinner invitation ako mula sa mama ni Owen. At least I needed to look presentable.
***
Sobrang kinakabahan ako. Kilala ko naman silang lahat. Actually naaalala ko noong bata ako kumakain ako ng miryenda o kaya hapunan sa bahay ng mga Orbiso. Nagawa ko na 'to dati kaya dapat hindi na ako ninenerbyos ng ganito. At bakit ba ako nagkakaganito? Marami na akong nakaharap na mga socialites, celebrity at elite na tao kaya dapat sanay na ako sa ganito.
Relax lang, Chantalle Amadeo.
"Relax ka lang, Chan." Sabi ni Owen na parang nabasa ang iniisip ko. Tinapik niya pa ako sa balikat bago ako inalalayan papasok sa bahay nila.
Sumalubong kaagad ang kakaibang tingin ng dalawang kuya niya sa amin. Parang mukha silang bata ngayon kumpara sa mga araw na nakikita ko sila pag napapadaan ako dito sa bahay nila Owen.
"I'm not in the mood." May halong warning na sabi ni Owen sa mga kuya niya.
Nagtawanan naman 'yung dalawa tapos ibinaling ang tingin sa akin. Nakipagkamay sila tapos niyaya na kaming pumunta sa dinner area nila.
Sinalubong naman ako ng yakap ni Tita Esmeralda. Samantalang nag mano lang ako kay Tito Kentucky. May bad vibes talaga ako kay Tito. Kinakabahan ako sa tingin niya.
Nagsimula na kaming kumain. Naghanda sila ng Asian Salad na gustong gusto ng lahat. Roasted Chicken ang main dish nila. May corn, broccolini at mashed potatoes. For dessert mixed fruits lang with yogurt. Healthy talaga ang pagkain nila dito.
May portion na nagtanong sila tungkol sa akin at sa family ko. Na sinagot ko namang ng maayos. Though Owen knew that I tensed up with their question. Hinawakan niya ang hita ko nang may pag-aalala. Tiningnan ko naman siya na parang sinasabing okay lang ako. Somehow family issues were not that hard to me lalo na't nakikita kong medyo umaayos na ang kalagayan ni daddy at hindi ko na nakikita si mommy.
"What do you think about our brother, Chantalle? Mabait naman ba siya?" Tanong ni Kuya Oliver.
Napalingon ako kay Owen at bahagyang natawa. "He's uhm, good."
"Good lang?" pabirong tanong ni Kuya Orlando. "Sabi ko na, Owen, kailangan mo na kasing magtino."
"Matino naman ako!"
Masaya ang usapan hanggang sa malipat ang topic sa basketball. Halos upbeat silang lahat sa pag-uusap bukod kay Owen na parang siya naman ang tense base sa paghigpit ng kapit niya sa hita ko.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at ipinatong sa mesa. Bumulong ako sa kaniyang "eat."
Isang subo lang nang mabaling sa kaniya ang usapan. "Nabalitaan kong one week kang suspended sa practice."
Biglang nag-iba ang atmosphere sa buong dinning area sa nabanggit ni Tito. Napansin kong tinapik siya ni Tita sa balikat pero parang wala namang nagbago. Masama pa rin ang tingin niya kay Owen.
"What are you doing, Owen? Why can't you be like your brother? May talent ka Owen wag mong sayangin. Maraming gustong mag scout sayo para makasali ka sa PBA pag-graduate--"
Natigil si Tito nang umubo ng malakas si Kuya Orlando. Ubong fake. Tumayo siya at kumuha ng bagong pitcher ng tubig.
Nakakamatay na katahimikan ang sumunod. Hindi na kumakain si Tito na nakatingin na lang kay Owen. Si Owen naman nakayuko lang sa pagkain niya. Para akong mababaliw sa katahimikan. I felt the urge to say something and I did say something. Napatingin lahat sila sa akin.
"What are you saying?" Tanong sa akin ni Tito.
"Owen got some musical talent." I said again. When no one answered I continued. "And he loves music. I guess he loves it more than basketball."
"Anong gusto mong iparating, ihja?
Napalunok ako. Ako naman ang napahawak sa hita ni Owen. "Why not let him try what he loves to do?"
Nang makita ko ang reaksyon nang lahat napakagat dila ako. Nawalan na naman ng filter ang dila ko. Bakit ngayon pa?