49: The Song

7.6K 166 15
                                    

"Ang akala naming lahat bad boy ka lang tapos sumali ka sa basketball team

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang akala naming lahat bad boy ka lang tapos sumali ka sa basketball team. Ngayon nalaman naming tumutugtog ka pala." Sobra na atang kinikilig 'tong baklang host namin kay Gab.

Si Gab naman parang binibigyan ako ng masamang tingin. Wala naman siyang sinabing wag kong ipagkalat na may banda siya. Akala ko nga alam ng buong WVU dahil marami ring mga babae ang nakikinuod sa gigs nila.

"'Yong bad boy image ko sa university na 'to siguro dahil sa pagtugtog ko. Kasi kahit underage pa ako nagpupunta na ako sa bars para tumugtog. Hindi talaga ako bad boy."

Nainggit ako sa inamin niya sa madla. Nagawa niyang bumali ng rules para lang magawa ang gusto niya.

"So bakit mo naman naisip ang mag-basketball?"

"It's a secret." Pamisteryoso pa niyang sagot.

Sa pagkakaalam ko dare lang ang pagba-basketball niya. Pagsinabi niya siguro 'yon sa maraming tao baka magraming magalit sa kaniya.

Nalipat sa ibang mga ka-team mates ko ang usapan. Umamin kaming lahat na lahat kami walang girlfriend.

Wala pero may nagmamayari na ng puso ko. Tangina, umaandar ka-kornyhan ko.

Napatingin ako kay Chantalle. Kita ko siyang nanunuod sa gilid kasama si Verra at Dillon.

Dillon. Ngayon ko lang napansing sobrang malapit siya kay Chantalle. Kanina pa sila nagkukulitan. Kanina pa rin ako nagpipigil na pumagitan sa kanila at hatakin papalayo sa kaniya si Chan. I hate it when I saw her smiling to another guy that easily. Why can't she smile at me often? Pag siya ang kasama ko parang lagi siyang sinakluban ng langit at lupa. And the idiotic me will kiss her to lighten up the mood. O kaya gagawa ako ng paraan mapatawa ko lang siya.

"Sigurado itong si Owen ang pinakamaraming naging girlfriend sa lahat."

Ako na pala. "Pag dating sa akin parang sinasabi n'yong manwhore  ako." Pagbibiro ko. Mahirap magbiro ngayon pero pinipilit ko pa rin.

"Totoo naman!" Sumigaw si Mario pero hindi niya tinapat ang mic sa bibig niya kaya kami-kami lang na masa stage ang nakarinig.

Nagtawanan silang lahat.

"Iisa lang," matipid kong sagot.

"Anong iisa lang? Isang girlfriend?" Parang nagitpa pa ang host sa tanong ko.

"I dated girls for few months when I was in highschool. Minsan M.U. or chilling but not to the point of asking them to be my official girlfriend. Hindi lang talaga umaabot sa ganoong lebel."

May narinig akong sumigaw na, "ako na susunod na girlfriend mo at hindi na tayo maghihiwalay."

Natawa ako kung sino man 'yon. Sarap gantihan ng sigaw na, "hindi mangyayari 'yon." At least not now when the wound opened up again.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon