Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!
"Chantalle, gising ka na ba?"
Napamulat ako sa boses ni daddy. Kanina pa ako gising pero ayokong idilat ang mata ko lalo na't may nararamdaman akong tao sa tagiliran ko. Natatakot akong dumilat na baka ang kinatatakutan ko ang makita ko.
"Dad!" Bumangon ako at niyakap siya sa unang pagkakataon matapos magyari ang lahat ng bagay na ito. Si daddy lang pala.
"Ci, are you okay? May masakit ba? Nilalagnat ka na naman uli? Hinaplos niya ang buhok ko. "Bakit kasi nagbabad ka sa malamig na tubig kahapon? Nagkapulmonya ka tuloy."
Humiwalay ako kay daddy at binigyan siya ng ngiti. "I'm fine now."
Mas lalong nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Anak, wag mong kimkimin lahat. Pag may gumugulo sa isipan mo, sabihin mo lang."
Tumango ako. "Naaantok po uli ako."
"Sige matulog ka na. Babantayan kita."
Humiga ako at tumalikod sa kaniya. Ipinikit ko ang mata ko at pinilit makatulog. Hindi naman talaga ako naaantok. Ayoko lang mag-alala siya. Ayoko rin malaman nila ang nasa isip ko kasi baka sabihin nilang nababaliw ako.
Nasa tama akong katinuan. Masyado lang akong nag-iisip. Kada maaalala ko ang nangyari naaawa, nabababuyan, nangsisisi ako sa sarili ko.
Gusto ko uling maligo. Pakiramdam ko kasi namamanhid ang buong katawan at isipan ko sa lamig. Nalilinis rin ng tubig ang mga markang iniwan niya sa akin.
***
Nagising akong mabigat ang katawan ko. Ginising ako ng nurse para kumain na raw at uminom ng gamot.
Si daddy naman nasa isang sofa at natutulog.
"Kailangan ko ba talagang kumain at uminom ng gamot?" Shitty question. Ayoko lang kasing may natatamaan ang dila ko.
"Ms. Amade—"
"Stop! Don't call me by that name!"
Nagising ko si daddy sa pagsigaw ko. Lumapit siya sa amin kaagad kahit hirap pa siyang imulat ang mga mata ko. "Ano hong nangyayari?" Tanong niya sa nurse.
"Papakainin ko lang po sana ng almusal at papainumin ng gamot si... Chantalle." Alanganing sabi ng nurse ang pangalan ko.
"I'm sorry," nanghingi ako nang tawad kaagad. Dinampot ko ang kutsara at sinimulang hatiin ang scramble egg na nasa plato.
"Ci, gusto mo subuan kita?" Dad asked.
"Don't be ridiculous, I can eat by myself." Pinilit kong tumawa. Sunod ang nurse naman ang kinausap ko. "Just leave the medicine here and I'll drink it."
BINABASA MO ANG
My Painkiller✔️
Storie d'amoreThe Shift Series #1 It's just you inside me that can make my pain go away... Perfect na kung maituturing ang buhay ni Chantalle ngunit sa isang iglap bigla na lang samo't saring problema ang dumating. She was about to lose sht! Buti na lang at nandy...