25: The Water

10.6K 199 17
                                    

Sumalok ako ng tubig sa pool gamit ang kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumalok ako ng tubig sa pool gamit ang kamay ko. Tapos ikinuyom ko yung kamay ko para hindi matapon. Kung gagmitan ng common sense, wala talagang matitira. Elementary pa lang ata pinag-aralan na namin 'to. Pero parang ngayon lang nagkaka-sense sa akin.

"Lumangoy ka na kung ayaw mong mapag-initan ka na naman ni coach. Nakikinig ka ba?" Tinapik ni Mario ang balikat ko.

"Bakit hindi ko s'ya mahawakan?" Tanong ko sa kaniya habang sinusubukan ko pa ring wag tumapon ang tubig sa palad ko.

"Loko, nahahawakan mo naman ah."

Kinuyom ko uli ang kamay ko. Saka ko siya tiningnan.

"Nangaling ka ba sa ancient kung saan hindi pa nadi-discover ng tao ang paggamit ng apoy? O nagdadrama ka lang? Yung tipong 'para siyang tubig, nakikita ko, nararamdaman ko pero kumakawala siya pag hahawakan ko ng mahigpit.'"

Natawa ako. Inulit ko 'yung huli niyang sinabi, "Para siyang tubig, nakikita ko, nararamdaman ko pero kumakawala siya pag hahawakan ko ng mahigpit." Pwede kong magamit sa sinusulat kong kanta. "Lumangoy ka na nga lang!" Binatukan ko siya saka inunahang lumangoy.

Narinig ko pangsumigaw si Mario na, "sayo ko dapat sinasabi 'yan!"

Pero para nga siyang tubig...

***

"Iniiwasan mo ba ako?"

Tiningnan ko siya na para bang nahihibang na siya. Bakit ko siya iiwasan? Ah, Oo nga pala. Pinagbantaan na rin ako ng magulang ng babaeng 'to.

"Owen?"

"Hindi naman. Masyado lang akong busy sa training ko lalo na ngayong galit sa akin si coach. Mas doble pinapagawa sa akin."

"So, pwede tayong kumain sa labas uli? Usual place?"

Tinutukoy niya ang V-Tail. Siya ang nagturo sa akin sa lugar na 'yon. Nagustuhan ko kaya lagi akong nagpupunta kahit wala siya. Natyempuhan lang kagabi na nandoon siya. Akala ko nga si Chan ang tumakip ng mata ko eh. Asa naman ako. Iniiwasan na naman ata ako ng babaeng 'yun.

"Pass, kailangan kong bantayan ang sugar level ko."

"Aww, sayang naman. How about somewhere healthy. I know a good vegetarian restaurant."

"I'm sorry Cassy, mapapagalitan ako ni coach."

Para siyang nalulunod tingnan. Nakanganga tapos titikom. 'Yung kamay niya hindi mapakali. "Okay, so hindi ka pwede pero Owen, hindi ako si Cassy or whatsoever. My name is Baby Eden Villanueva. You can call me Eden, okay?" Nauwi 'yung kamay niya sa pagpunas ng luha sa mata niya.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon