Chapter 1

8.8K 240 3
                                    

"Mommy. Si Allen ang tagal maligo. Malalate na kami eh." Pumadyak padyak ako. Ang tagal naman kasi ng kambal ko. Papogi kasi eh.

"Allen! Bilisan mo! Malalate na kayo! 1styear highschool na kayo! Di na kayo elementary!" Sigaw ni mommy.

"To na! Ang arte mo Alli! Ang aga pa no!" Sabi niya. Habang pababa ng hagdan. Basa pa ang kanyang buhok. At bakit ang ganda nitong pag masdan sakanya.

Umirap ako sa hangin. Kumuha ako ng tinapay na naka-toast at nag madali ng pumunta kung saan man nakapark ang kotse na gagamitin para ihatid kami.

Sumunod naman agad si Allen sakin. Di ko siya tinignan. Nakatingin lang ako sa may bintana ng sasakyan.

"Ikaw! Sumbong ka ng sumbong kay Mommy!" Sabi niya sakin.

"Ang tagal mo kasi eh." Umirap ako sa kanya.

"Hoy! Alli! Maraming lalaki sa Highschool. Subukan mo lang magpaligaw, yari yung lalaki sakin!" Sabi niya sabay lagutok sa mga daliri niya.

"Bata pa ako no. Tyaka na pag 18 na ko. Crush lang muna ngayon." Ngumiti ako sa sinabi ko. Excited na akong pumasok.

"Tss!" Tanging sabi niya.

Ng makarating kami sa school ay agad na kaming bumaba ng kotse. Naglakad kami papunta sa section namin. At ng makarating kami ay tumambad samin ang mga kaklase naming babae at lalaki na nakatitig saming dalawa.

"Ang pogi niya." Sabi ng isang babaeng mukhang spoiled brat. Ewan ko pero parang kumulo ang dugo ko sakanya. Kaya inirapan ko siya.

"Oh! Anong tinitingin tingin niyo!" Baling naman ni Allen sa mga lalaking nakatingin sakin. Ang over protective talaga ng twin brother ko.

Agad na nag iwas ng tingin ang mga lalaki at bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa.

Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan sa harap.

"Tinitignan ka ng mga babae Allen." Bulong ko sakanya.

"Syempre ang pogi ko. Tsss." Sagot niya naman.

"Yabang!" Sabi ko naman agad sakanya.

"Asan na kaya yung tatlong ungas na yun?" Sabi niya habang lumilinga. Hinahanap niya yung mga kaibigan niya.

"Girlfriend niya ata yung katabi niya eh." Bulong nung spoiled brat sa dalawang kasama.

"Oo nga eh. Pero mas maganda ka jan." Sagot naman nung isa.

They are talking about me and my twin? At sinabi pa nilang girlfriend ako ng kambal ko. Oh my God! Bigla akong nagblush sa word na girlfriend.

Narinig ito ni Allen pero ngumiti lang siya ng nakakaloko. Mukhang gustong gusto pa niya ah. Loko loko talaga tong kambal ko.

Dahil sa kapogiang taglay daw niya, di maiiwasang mapatingin sakanya ang mga babae. Bata, kaedad o mas matanda sakanya.

Kaya minsan pag naglalakad kaming dalawa. Naghoholding hands kami para malaman nilang may babae na sa buhay niya.

At ako naman masayang masaya. I don't know why, pero pag naiisip kong may nagugustuhan siyang ibang babae nalulungkot ako. Maybe because nasanay akong ako lang. Kambal kami eh.

"Bro!" Isa isang sabi ng mga kaibigan ni Allen, nakipag high five siya sa mga to.

"Hi Alli." Kumindat sakin si Sanford at ngumiti naman ako sakanya.

"Sanford! Wag si Alli!" Mahina pero madiing sabi ni Allen sakanya.

"Relax bro! Binabati lang eh." Tumawa si Sanford sakanya.

Si Sheldon ay umupo na sa bakanteng upuan at nag salpak ng headset sa kanyang tenga. Ang tahimik talaga ng isang to.

Si Chrissmon naman ay nambubully nanaman ng mga kaklase namin. Isip bata.

May tatlo pa silang kaibigan si Kristian, Vonn at Charles kaso sa kabilang school sila nag aral.

Kilala ko sila dahil minsan palagi silang pumupunta sa bahay at doon nag ssleep over. Kaya minsan one of the boys ako..

"Asan na kaya si Veronica." Bulong ko sa sarili ko. Ang kaisaisa kong bestfriend. Hindi naman sa wala akong kaibigan. Meron din kaso hindi ganon kadikit.

"Nic! Dito ka!" Tawag ko sa bestfriend kong nasa may pinto na at palinga linga.

Ng makita ako ay ngumiti siya sakin at tumabi.

Bigla namang lumundag si Chrissmon sa Harap niya. "Hi! Piglet!" Pang aasar sakanya nito.

Well, may katabaan kasi ang bestfriend ko at tadtad ng pimples sa mukha. Pero kahit ganyan yan, matalino at mabait yan.

"Alis ka nga sa harapan ko fetus!" Sabi niya sabay irap. "Papansin." Bulong pa niya sa sarili niya.

"Bleeee! Piglet! Piglet!" Sabi ulit niya at umalis habang tumatawa.

"Kaasar talaga ang lalaking yun." Sabi ni Veronica.

"Hayaan mo na di kapa nasanay. Bully talaga yun." Sabi ko naman sakanya.

"Nakita ko pala yung crush mo. At kinukuha pa sakin yung number mo. Kaso di ko nabigay. Nagmamadali ako." Sabi niya sa tonong nanghihinayang.

"Talaga? Dito siya mag aaral? Omg!" Pumalakpak pa ako.

"Anong pinag uusapan niyo?" Tanong ni Allen.

"Yung crush ni Alli. Kinukuha niya yung number ng kambal mo." Kibit balikat na sagot ni Veronica.

Tumingin sakin ng masama si Allen. "Diba sabi kong walang lalaki? Ha! Walang lalaking pwedeng kumausap sayo! Ako lang! Walang lalaking pwedeng humawak sa kamay mo! Ako lang! Naiintindihan mo?! Akin ka!" Tuloy tuloy na sabi ni Allen. Hingal pa siya ng matapos mag salita.

Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong nanlamig sa sinabi niya. Bigla ko ding naramdaman na parang may humahalukay sa tyan ko. At nakikiliti ako.

"Anong sayo siya pinag sasabi mo?." Nakakunot noong tanong ni nic.

"Akin siya! Kasi.....uhm....Kasi...kasi....kambal ko siya. Kambal kami!" Sagot naman ni Allen.

"Ang OA mo kambal." Tumawa ako kunwari para mabawasan ang tensyon. "Hindi pa ko magboboyfriend no. Ang seloso ng kambal ko. Pakiss nga." Sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

Pero pagkatapos kong gawin yun ay bigla siyang dabog na tumayo sa kanyang desk at nagmartsa palabas ng classroom.

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon