Chapter 29

3.1K 108 3
                                    

"Nakasalubong ko si Allen. Nag usap kayo?" Tanong saakin ng kaibigan ko. Mas lalo siyang gumanda ngayon. Mas lalong sumexy at humaba na din ang kanyang buhok.

"Hindi." Malamig kong tugon. "Pupuntahan niya daw si.....Cassey." Sagot ko.

"Oh ano? Ang sakit diba?" Sarkastiko niyang tanong. "Tagal mo nawala eh. Tang ina. Naiinis ako sayo pero payakap nga!" Lumapit ako sakanya at niyakap at doon ko binuhos lahat ng luha kong kanina pa gustong kumawala.

Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang ito. Basta naguguluhan na ako.

"Sige, ibuhos mo lang. Grabe! Ilang taon ding naipon yang luhang yan a."

Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sakanya.

"Well siguro ay alam mo ng si Cassey at ng ng Exkambal, Exboyfriend o kung ano mang Ex na yan..Sila na ulit ang tagal tagal na nila."

Hindi ako sumasot sa sinabi niya. Basta nalang sumakit ang nasa dibdib ko at parang nahihirapan na akong huminga. Hindi na talaga niya ako nahintay. Well, kasalanan ko naman kung bakit.

Ng naghiwalay kami sa aming yakapan ay tinignan niya ang mommy ko. Well, tanggap ko na. Tanggap ko ng siya ang mommy ko.

"Gagaling din si Tita. Anjan kana e." Ngumiti saakin ang kaibigan ko at pinahid ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko.

Ng dumating ang kamag anak ko sa motherside ay agad agad nila akong niyakap. And lawak pala ng pamilya ng mommy ko. Ang dami kong tita, tito at mga pinsan.

Narealize kong sayang pala ang mga panahon na nawala ako. Di sana ay nakilala ko sila.

Agad naman akong nagpaalam sakanila at sinabi kong babalik din ako agad.

Pupuntahan ko ang kinalakihan kong mommy. Miss na miss ko na siya at wala akong naging balita sakanya. Sana ay hindi padin niya ako nakakalimutan.

Nagpasama ako kay Nic para puntahan si mommy sa bahay at ng makarating ako doon ay nagmadali akong pumasok para hanapin siya sa buong kabahayan. Inikot ko din ang akin panginin sa loob ng bahay. Kung ano ang iniwanan ko ay ganon na ganon padin. Hayyy... Sobrang namiss ko to.

"Mommy!" Sigaw ko. Excited na akong makita siya.

"Mommy!"

Bigla ay nakita ko siyang lumabas galing sa ketchen. Naka apron ito at halatang nag luluto. Halata na kay mommy na may edad na siya ngunit hindi padin kumukupas ang ganda niya.

Napaiyak ako ng makita siya. Inilang hakbang ko siya at niyakap.

"My..I miss you."

"Ikaw ba ang Alliya ko? Totoo na ba to? Ikaw na ba talaga yan?" Nahihikbing sabi ni mommy.

Instead na sagutin ko siya ay mas niyakap ko nalang siya ng mahigpit para maramdaman niyang totoo ako.

Damn! Namiss ko lahat lahat ng to.

Nagkwentuhan kami ni mommy habang kumakain ng ginawa niyang cookies kanina. Isa ito sa mga namiss ko sakanya. Nagpaalam nadin kasi kanina si Nic dahil may gig padaw siya.

"Kamusta na pala si Mia?" Nag aalalang tanong niya.

"Stable naman daw po my. Hindi mo ba siya dadalawin?"

"Nahihiya ako anak. Ang dami kong nagawang kasalanan sakanya." Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Suminghap siya bago siya nagsalitang muli. "Saan ka nga pala mamamalagi. Dito ba? Ipapahanda ko na ba ang kwarto mo anak?"

"Opo dito muna po siguro ako." Sagot ko.

"Hindi na dito tumitira si Allen anak. Nag sasama na sila ni Cassey." Parang may punyal na nakasaksak sa sinabing yun ni mommy. Gosh! Ayokong makita niyang umiiyak ako ng dahil doon.

Ngumiti ako sakanya ng pilit at pinagpatuloy ko ang pagkain ko sa mga cookies na kanyang binake.

Siguro ay masaya na si Allen at ayaw ko ng guluhin kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa. Tyaka wala na akong karapatan pa. Ako naman yung nang iwan eh.

"My akyat na po muna ako. Magpapahinga na po muna ako." Pag papaalam ko kay mommy. Ngumiti naman ito at tumango.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay naalala ko lahat ng masasayang alala ko sa bahay na to. Walang nagbago. Walang nagalaw sa mga gamit ko.

Naligo muna ako at pagkatapos ay nagtrabaho. Hindi ko din naman pwedeng pabayaan ang buhay ko sa Davao. Andoon ang hanap buhay ko. Pagkatapos non ay nakipagskype ako kay Sojun.

Magkaibigan na kami ulit at may asawa na siya. Nagulat pa nga ako ng malamang si Yuna pala ang asawa niya at tuwang tuwa ako para sakanila. Hayy... Minsan hindi ko maiwasang hindi mainggit pero siguro ay nakatadhana na akong mag isa.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at pagkagising koy agad akong nagtungo sa banyo para maligo.

Nakasimpleng tshirt at naka short shorts lang ako dahil wala naman akong pupuntahan. Pagkalabas ko sa kwarto ay agad akong nagtungo sa kusina ngunit bago pa ako makarating ay may narinig akong nag uusap.

"Anjan na siya oh. Bumalik na siya. Mag usap na kayo. Ayusin niyo na." Boses ni Cassey.

Agad akong nagtago para hindi nila ako makita.

"Wala kaming dapat pag usapan, wala kaming dapat ayusin Cassey. Ano ba? Boyfriend mo ako pero itinutulak mo ako sa iba." Wala lang. Okay lang ako. Feeling ko lang naman ay sinakop ng ISIS ang puso ko at walang habas itong binomba sa narinig ko.

"Alam kong mahal mo siya Allen. Mawawala naman nadin ako." Mahinahong sabi Cassey.

"Damn! Hindi kita iiwan hanggang sa huling hininga mo Cassey. Hindi ako kagaya ng Alli na yun na hobby na ata ang pang iiwan. Sa tabi mo lang ako." Nagpapakamartyr na ata ako dito. Shit...

"Pero Allen....."

"Cassey, pwede bang wag na nating pag usapan yung mga bagay na tapos na. Inumin mo na tong gamot mo."

"Allen."

"Ang mahalaga Cassey ay yung tayong dalawa. Kahit ano pang sabihin mo.. Sa tabi mo lang ako."

It breaks my heart little by little at sobrang sakit nito. Hindi ba pwedeng isang bagsakan nalang?

----

Inlove with the bully story of Chrissmon and Veronica. very SOON!

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon