Chapter 31

3.5K 115 2
                                    

5 CHAPTERS TO GO. MAYBE???

I woke up with because of the buzz of my phone. Wala ako sa kwarto ko. Andito nga pala ako sa kwarto ni Allen and we made it again. I made love to him ewan ko lang kung ganon din siya or he just only considered it as a sex.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ko yun kanina. Gusto ko lang siyang maramdaman ulit.

Tinignan ko ang tabi ko ngunit wala siya. Kinabahan ako ng dahil doon. Agad akong napabangon. Iniwan niya ba ako? Naputol ang pag iisip ko ng patuloy paring nag riring ang cellphone kaya sinagot ko na ito.

"Where the hell are you?! Puta! Kanina pa ko tumatawag!" Sigaw ng bestfriend ko sa kabilang linya.

"J-just....Somewhere?" Patanong kong sabi.

"Anong Somewhere?! Pumunta ka dito sa hospital! Gising na si tita Mia!"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad ko ng ibinaba ang tawag. Nagmadali akong pinulot ang mga damit ko at isinuot ito.

Lumabas ako sa kwarto kung saan kami nag ano kanina ni Allen at inikot ang paningin ko sa kabuuhan ng kanyang unit.

Nakita ko siyang nasa terrace. Nakaboxer shorts lang at may hawak na baso ng whiskey. He's hot! Oh my God.

"A-Allen."

Humarap siya saakin at tila parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. As usual cold nanaman siya.

"I'm going to the hospital. Gising na si mommy." Biglang nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha ng mabanggit ko si mommy.

"Wait for me. I'm going with you." Sabi niya at dumeretso papunta sa silid kung saan kami kanina.

Habang nasa byahe kami ay sobrang kaba ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Ngayon nalang ulit kami magkikita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. Paano kung ayaw na niya akong makita? Paano kung kagaya ni Allen ay nagsawa na din siyang mag hintay? Damn! It's all my fault.

"Are you alright?" Malamig na tanong ni Allen.

Tumango lang ako sakanya at pinakitang okay lang ako ngunit halata padin naman sa mukha kong hindi. We used to be twins, he used to be my sibling kaya alam kong kilalang kilala na niya ako.

"You're not."

Huminto kami sa 7/11 at nagtaka ako dahil doon. Lumabas siya sa sasakyan at pumasok doon. Paglabas niya ay may dala na siyang isang gallon ng ice cream. Yeah! Kilalang kilala padin talaga niya ako.

"Eat it." Inabot niya saakin ang isang rocky road flavored ice cream. Alam niya padin ang paborito ko.

Alam kasi niyang kumakalma ako pag kumakain ako ng matatamis o kaya malalamig. Lihim akong napangiti dahil hanggang ngayon ay hindi padin niya nalilimutan ang mga simpleng bagay tungkol saakin.

"Why are you smilling?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ko habang nakangiti padin.

"Tss.."

Pag dating namin sa hospital ay dumeretso agad kami sa silid kung nasaan ang mommy. My God! Help me. Kayo na pong bahal saakin. Hindi ata naging effective yung pagkain ko ng ice cream. Siguro ay dahil ibang sitwasyon na to.

Naunang pumasok si Allen sa loob. Suminghap ako ng malakas bago sumunod. Ang daming tao sa loob at nag tatawanan na sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nakatayo lang ako. Si Allen ay lumapit kay mommy at niyakap siya nito.

"Allen, andito ka na pala. Magaling na ako." Sabi ni mommy habang nakangiti.

May lumandas na luha sa mga mata ko. I hate this scene. I hate this kasi dapat ako ang yumakap agad sakanya pero hindi. Nakatulala lang ako sakanila. Natatakot akong gumalaw dahil baka magkamali ako.

Nagawi ang paningin ni mommy saakin at nanlalaki ang mata niya.

"A-Alliya...I-ikaw ba yan?" Utal na tanong ni mommy. Napatingin ako kay Allen, tumango siya na tila ay sinasabi niyang lumapit ako kay mommy kaya yun ang ginawa ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at agad na tumibok ang puso ko. Ngayon ko lang naramdaman to. Siguro ay ito ang sinasabi nilang lukso ng dugo.

"Labas lang kami." Pag papaalam ng isa sa mga tita ko dahil siguro para makapag usap kami. Pagkalabas nila ay hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko.

"S-sorry." Tangi kong nasabi ko.

"No..no...Ako dapat ang mag sorry. Sana ay hindi nalang kita iniwan nung bata kapa. Wala akong kwentang ina." Humagulgol siya.

"A-ako po ang walang kwentang anak. I'm so so-sorry po. Sa-sana ay pinakinggan ko muna kayo bago ako nagdesisyong lumayo. I'm so s-sorry Mommy." Kagaya niya ay napahagulgol nadin ako.

Yumuko ako at niyakap siya. Hindi mahigpit dahil nag aalala akong baka masaktan ko siya. Ayaw ko na ulit siyang masaktan kahit na sa ano mang paraan.

"Ang sarap palang matawag na mommy." Tumawa siya ng bahagya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang tanda ko na at ngayon ko palang to naranasan."

"Mommy." Pag uulit ko. "Sorry talaga."

"No..anak..Ang mahalaga ay nandito kana. It's all worth it." Sabi niya. Bumitiw ako sa pagkakayakap sakanya at ngumiti.

Naging magaan na ang pag uusap naming dalawa ng tunay kong mommy. Nagtatawanan nadin kami. Nagpapasalamat akong hindi naging ganon kahirap ang pag uusap namin gaya ng nasa isip ko. Parang ngang may tinik na natanggal sa dibdib ko at parang ng dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Allen na tila ba ay kinakabahan.

"Ninang aalis na po ako." Nagmamadali niyang sabi.

"Pero andito si Alliya anak. Saan ka pupunta?"

"Alliya don't need me. Cassey needs me. Inatake po siya ng sakit niya tita. Kailangan niya ako. Babalik ako dito once na maging okay siya."

I need you Allen kung alam mo lang. I decided not to speak.

Lumapit siya kay mommy at hinalikan ito sa pisngi.

"Tita, my girlfriend needs me. I'll be back." Lumingon siya saakin at at tumango, tumalikod na at umalis.

Meron padin palang tinik sa dibdib ko at sobrang sakit non. I wish I can manage to feel this kind of pain.

Allen naman eh, alam kong nasaktan kita. Okay lang kahit saktan mo ako. Wag lang sana yung ganito? Yung tipong ginigyera at binobomba yung puso ko.

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon