Chapter 40

3.6K 124 17
                                    

"Ano ba yung endearment natin noon?" Tanong ko sakanya habang kumakain ng pizza. 3days na t malapit na akong lumabas dito sa hospital pero si Chrissmon ay hindi pa dahil medyo madami pang dapat i examine sakanya ng doctor.

"Hmm.. Ewan ko? Baby? Boo? Sweetheart?" Sagot niya. Nahahalata ko sakanyang parang hindi naman siya komportable na kausapin ako at naiinis ako dahil doon.

"Hay! Kainis ka! Di mo alam? Ako yung may amnesia dito. Hindi ikaw." Nakakatampo naman siya hay.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng silid ko at iniluwa nito ang limang nag gagwapuhang lalaki kasama dito si Allen. Siya lang ang kilala ko sakanila dahil siya lang naman yung andito noong araw na magising ako.

Ibang iba nga ang pakiramdam ko sakanya eh. Sa tuwing tinitignan ko siya ay nakatitig sya saakin na parang may kakaiba sa kanyang mga mata at parang pinapakita niya saakin kung ano ito. Tss! Ang weird..

"Hi! Alliya! I'm the hottest among them. I'm Sanford Creck Monteamor!" Bati niya. Mahangin ang isang to. Kaibigan ko ba siya?

"I'm Sheldon. How are you?" Sabi naman ng isa. Mukha siyang misteryoso at mukhang masungit.

"Ako si Charles." Nakita ko ang kanyang dimples na napakalalim.

"I'm Vonn. Hi! Princess." Sabi naman nung isang mukhang badboy..

"Hayy! Thank God!" Sabi naman ni Chrissmon na nasa tabi ko.

Hindi ako komportableng kausap ko sila kaya hindi ako masyadong nag sasalita. Sila naman ay nagtatawanan habang nagkikwentuhan. Napansin ko si Allen na nakaupo lang sa isang tabi at ang lalim ng iniisip.

Parang may sariling utak ang mga paa ko kaya naglakad ako patungo sakanya at umupo sa tabi na siyang nagpagulat sakanya.

"A-Alliya." Utal na tawag niya sa pangalan ko.

"Bat mukha kang malungkot jan?" Tanong ko.

"Wala. Wala lang to. Mag enjoy ka doon kay Chrissmon." Tala may pait sa pagsabi niya ng mga yun.

"Nakakainis siyang kausap." Sabi ko naman sabay irap.

"May problema kaba? Feel free to talk to me. Lovelife?" Tanong ko sakanya.

Tumitig siya saakin ng ilang saglit bago nagsalita.

"I think I'm losing her again." Mahina ngunit sapat na para marinig ko.

Kitang kita ko sa kanyang mata ang sakit at hindi ko alam kung bakit pati ako ay nasasaktan. What's the matter with me?

"Matagal na ba tayong magkakilala? Coz I feel na ang tagal tagal na kitang kilala." Sabi ko sakanya.

"Tumira tayo sa iisang bahay. Sabay tayong lumaki." Sabi niya.

"Ang cute cute mo nga nung bata ka eh. I used to call you 'my princess' back then." Sabi niya at ngumiti sa sinabi.

Ibang iba talaga ang pakiramdam ko sakanya at hindi ko talaga alam kung bakit ganon. Hindi ko naman maramdaman sa boyfriend ko to. Bakit ganon?

"Ano pa?" Tanong ko sakanya. Gusto kong malaman ang lahat. Ang hirap pala ng ganito yung wala kang alam sa mga nangyari sayo noon. Ang naalala ko lang talaga ay yung bago kami bumangga ni Chrissmon.

Pinat niya ang ulo ko at muling nagsalita. "Wag mo na munang subukang aalalahanin. Baka sumakit nanaman yang ulo mo."

Tumango nalang ako sakanya habang nakatingin padin sakanyang mga mata. Ang ganda pala ng mga mata niya. Wala namang kakaiba pero bakit pag titinignan ko ay parang nahihipnotismo ako?

"Wag ka ngang tumitig jan. Baka mainlove ka saakin." Sabi niya pagkatapos ay kumindat.

"No, I will not. I have a boyfriend." Sagot ko naman sakanya ngunit hindi ko naman talaga matandaan kung mahal ko si Chrissmon o hindi. Ewan ko parang wala lang kasi. Siguro ay dahil nabura yung alaala ko..

"Yeah. You have a boyfriend." Makahulugang sabi niya.

Bumalik ako sa tabi ni Chrissmon at niyakap siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pati na ang mga lalaking nasa harapan namin dahil napatigil sila sa pagtawa.

"Ano yan?" Takang tanong nung lalaking nag ngangalang Charles.

"G-Girlfriend ko si Alliya." Alanganing sagot ni Chrissmon sakanya.

Ikinakahiya niya ba ako?

"H-ha?" Sabay sabay pa nilang sabi.

"Bro! Tara sa labas!" Singit naman ni Allen at sumunod naman sila ng nakakunit ang noo. Kaming dalawa nalang ni Chrissmon ang nandito.

"Chrissmon bakit ka ganyan saakin?" Tanong ko sakanya.

"Wala..Alliya.."

"Parang hindi kita boyfriend eh." Sabi ko naman sakanya.

Inalis niya ang mga braso kong nakayakap sakanya tyaka niya ako tinitigan ng napakaseryoso.

"Alliya, listen...Feel your heart. Kung di mo man maalala just fucking feel your heart." Gulong gulo ako sa kung ano ang sinabi niya.

"Magpahinga kana. Magpapahinga nadin ako. Don't stress your self. Baka mag alala siya...Ay ako pala." Sabi niya.. Hinagkan niya ako sa noo at tyaka na nagpaalam. Wala akong naramdaman sa halik niya. Ano yun? Bakit pag si Allen ay isang tingin niya lang ay kakaiba na ang nararamdaman ko. Parang may mali eh.

"Chrissmon.." Tawag ko sakanya ng aamba siyang lumabas. Lumingon siya at naghihintay ng sasabihin ko.

Dali dali akong lumapit sakanya at walang pangundahang hinalikan siya. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko ngunit wala. Wala akong maramdaman. May mali talaga.

Mukha siyang nagulat sa ginawa ko. Kahit ako ay nagulat din pero ngumiti nalang ako sakanya at nag goodnight.

Gulong gulo ako. Bakit ganito? Ng nakalabas na siya ng tuluyan ay agad ko namang tinawagan si Allen.

Ilang ring pa ay sinagot na niya ito.

"Alliya? May problema ba? Andito lang ako sa canteen. Babalik na ako." Kahit na ang boses niya sa cellphone ay kakaiba para saakin.

"I need you." Tanging sabi ko sakanya at ibinaba na ang tawag.

Ng makarating siya ay nakasquat siya at nakahawak sa kanyang mga tuhod at hingal na hingal. Halatang tumakbo siya para lang makarating dito agad.

Lumapit ako sakanya ng mabilis at agad siyang hinalikan.

Nagulat ako sa naramdaman ko. I can hear my heart beating so fast. Nung una ay di siya gumagalaw ngunit ng maglaon ay sumasabaw na din ito sa bawat pag hagod ng labi ko sa labi niya.

At ngayon, naiintindihan ko na kung anong sinabi Chrissmon kani-kanina lang.

I can already feel my heart.

----

Hindi ko na talaga alam kung ano ang magiging ending nito. :( Ang hirap tapusin pero thank you sa pag tyatyagang basahin ang ka-cornyhan ko. :)

Sa mga nagmemessage naman na hindi daw maganda at ang corny neto. Okay lang. Wag kayo mag expect kasi hindi ako magaling. Paki intindi. Thank you. ;)

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon