Chapter 37

3.2K 122 8
                                    

After 5months...

"Sir, ako po si Allen.. Ako po yung boyfriend ni Alliya. Sorry sa istorbo." Kinakabahan ako habang kausap si James Carrion ang tatay ni Alliya.

"Yes. I know Mr. Escolas. So anong kailangan mo?" Tanong niya.

Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwalang buhay siya. Hindi alam ni Ninang na andito ang asawa niya ang akala niya'y patay na to. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi na ito bumalik sakanya noon.

"I guess you want to know something." Sabi niya.

"Bakit hindi mo binalikan si Ninang noon?"

Tumitig siya saakin ng seryoso bago nagsalita.

"Ayaw saakin ng mga magulang niya dahil dati akong preso sa salang murder. Napatunayan akong inosente dahil lumantad na yung tunay na maysala pero wala silang pakialam doon. Basta ang sakanila ay nakulong ako.....Pinapatay ako ng mag asawa Binaril ng apat na beses at itinapon sa dagat...I guess madami akong buhay kaya di ako namatay. I met a woman...Siya ang nag alaga saakin noong mga panahong hinang hina ako. Alam kong mali pero pinakasalan ko siya dahil sa pera."

"So di mo binalikan ang pamilya mo para sa pera?" Naikuyom ko ang palad ko.

"After 3years namatay siya at saakin niya iniwan lahat ng ari-arian niya. Hindi ko sila agad binalikan dahil alam kong nakabantay ang mga tauhan ng mga magulang niya. Gustong gusto ko na silang yakapin ang mag ina ko pero pinigilan ko dahil ayaw kong mapahamak sila lalo na ang anak ko. Nagtiis ako ng ilang taon...Hanggang sa nalaman kong nasa Davao ang anak ko at nahihirapan. Doon ako bumawi kahit na alam ko ay kulang." Uminom siya ng tubig bago nagpatuloy.

"Alam kong huli na. Pero yun nalang ang tanging alam kong paraan."

"Galit si Alliya sainyo." Walang emosyon kong sabi.

"I know....At nararapat lang saakin yun. Pero sana malaman niyang para sakanya din yun..."

Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari sa Tatay niya.

"Please, wag mong sasabihing nagkausap tayo. Baka pati sayo ay magalit ang anak ko. Pakiusap ko lang sayo na wag na wag mo siyang sasaktan. Alagaan mo sana ang anak ko." Namumula ang kanyang mata ngunit walang tumutulong luha.

"I'll do my very best to make her happy..I will love her...I will love forever." Sagot ko.

Ngumiti siya saakin. "Ikaw na sanang bahala sakanila."

"Bakit hindi mo subukang kausapin sila?"

"Dahil baka hindi na nila ako matanggap."

Ilang oras pa kaming nag usap bago kami nag paalam sa isa't isa. Dumeretso ako sa bahay dahil miss ko na si mommy at andoon ngayon si ninang at ang Reyna ko.

Ng makarating ako sa bahay ay nakita ko si ninang at si mommy na nagkikwentuhan. Gusto ko sanang sabihin sakanya na buhay na buhay ang kanyang asawa pero nangako ako. Hindi din sinasabi ni Alliya yun dahil baka makasama sakanya yun.

"Hi pretty ladies." Humalik ako sa kanilang pisngi at nag paalam ng aakayat sa taas.

"Nako. Sige at si Alliya. Nalulungkot." Sabi ni mommy.

I'm so glad na tanggap na nila kami. ang saya sa pakiramdam.

Nagtungo ako sa kwarto ni Alli at nakita siyang nakahiga sa kama at halatang natutulog.

Lumapit ako at humiga sa tabi niya. Niyakap ko siya at isinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Damn! Ang bago talaga niya.

"Hmmm." Ungol niya.

Hinawi ko ang mga buhok niya sa kanyang leeg at dinampian ito ng halik.

"Allen...Stop being so naughty." She said in a flirty way. Hayy Alliya. I can't resist her hotness.

"Kamusta ang Reyna ko? Pa score naman oh." I said with my husky voice.

"Allen, anjan sila mommy..Araw araw ka nalang umisscore baka mabuntis na ako niyan." Sabi niya. Himarap siya saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I'm so inlove with you." Sabi niya at siniil ako ang maiinit na halik.

"I'm so fucking inlove with you too Reyna ko." Nag simula akong halikan ang kanyang leeg at hinimas ang kanyang dibdib.

"Allen." She moaned my name.

"Allen...Mabubuntis na ko niyan eh."

"Di maganda. Gusto ko ng benteng anak."

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Ano ako? Baboy?" Tanong niya na parang di makapaniwala.

I'm just joking pero gusto ko yun. Gusto ko ng madaming madaming anak. Yung parang basketball team iba pa yung mga fans club?

Tumawa ako at hinalikan ang kanyang noo. "Pakasal na tayo?" Tanong ko. Gusto ko ng ikasal kami. Gustong gusto ko na.

"Di ka marunong magpropose! Ayaw ko." Sabi niya na tila nag tatampo...

Yun ang akala niya. Pwede ba namang hindi ko gawing special ang pag prupropose ko sakanya? Lahat gagawin ko. She's my Queen she deserves everything. Propose lang pala e.

"Allen?"

"Hmm?"

"Paano pag tutol silang lahat saatin? Paano kung ayaw nila na ikasal tayo? Anong gagawin mo?"

Ihinarap ko siya saakin at muling hinalikan.

"Ngayon pa ba ako susuko? Ang dami ko ng pinag daanan. And dami na nating dinanas na sakit. We deserve to be happy. Ano pa bang pakialam ko sasabihin nila. Kung gusto nila isasampal ko yung result ng DNA sa mukha nila.....I love you so much Alliya... i love you so much Alliya Maratha Carrion...At ibabalik ko ulit ang apilyedo ko."

"Damn! Paano mo ginagawa ang mga to?" Tanong niya halos maluha luha.

"Ang alin?"

"Ang pakiligin ako ng sobra sobra." Sagot niya.

Ngumiti ako sakanya at hinalikan siyang muli. I want her now so badly. But cuddling with her enough for me.

"Mahal na mahal kita Reyna ko."

"I love you so much my King."

And our lips meet again.

-----

Ang sabaw. Hay..Babawi nalang ako. :) Malapit na po itong matapos at hindi ko alam kung paano ko tatapusin. Gusto ko ulit silang bigyan ng problema eh. Okay lang ba? Hehe!

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon