Sobrang saya ko kasi yakap ko ngayon ang babaeng mahal na mahal ko. Wala na siguro akong mahihiling pa.
Bukas na ang flight namin papuntang America. Nagpapasalamat ako kay Cassey sa lahat. Sa lahat ng ginawa niya at sa pagkukumbinsi saakin.
"Allen, you don't need to go with me."
"Why not? Ayaw mo ba akong kasama habang nagpapagaling ka?"
"Paano si Alliya?"
Hindi ko alam kung bakit palagi niyang isinasama si Alliya sa usapan.
"Cassey naman. Hanggang ngayon ba naman pagtatalunan pa natin yan? Kaya na ni Alliya na mag isa. Kaya niyang wala ako." Pag papaliwanag ko.
"Allen, listen...Nagpapasalamat ako kasi nasa tabi lang kita. Kasi sa tuwing pinang hihinaan ako ng loob pinapalakas mo ako...Pinapasaya mo ako...Pero nararamdaman kong may kulang sayo kahit na palagi mong sinasabi na masaya ka...Alam kong hindi...Alam ko naman Allen na ayaw mo akong iwan kasi ayaw mong maramdaman ko yung sakit na naranasan mo....nagpapasalamat ako doon....Panahon na siguro na pagtuunan mo naman ng pansin yung kaligayahan mo.." May lumandas na luha sa kanyang mga mata.
"Anjan na siya...Ang kulang nalang ay ang pagkakatapawaran niyo. Mahal na mahal mo siya kaya bakit mo kailangang pigilan yang sarili mo?"
"Hindi kita iiwan." Tanging nasabi ko sakanya.
"Allen naman eh...Oo. Hindi mo naman ako iiwan eh...Magpapagaling lang ako sa America...Hindi naman ibig sabihin non eh mawawalan na tayo ng koneksyon sa isa't isa...Please? I just want you to be happy..Pag kasama mo na siya magiging masaya ka na."
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...