"BeunEe, kausapin mo naman ako oh." Pag mamakaawa ni Sojun. "Ano ba Sojun?! Ano pa bang ginagawa mo dito! Magalit pa yung Mama mo eh!" Sagot ko.
"Please naman oh." Hawak hawak niya ang mga kamay ko. "Sojun diba nga family first? So anong ginagawa mo dito? Kung ayaw saakin ng pamilya mo. Wala akong magagawa." Walang gana kong sabi sakanya. "Pwede nating isekreto yung relasyon natin. Sorry. Please?" Kita ko ang awa sa mukha niya.
"Sekreto?! Sekreto nanaman! Ayaw ko ng makipagrelasyon ng patago!" Baling ko. Sekreto nanaman? Tapos ano? Walang mangyayari kung puro sekreto. Gusto ko naman yung alam ng lahat. Yung tipong kahit alam nila, Okay lang sakanila.
"BeunEe naman. Please naman." Sabi pa niya ulit. "Sojun, tama na. Hindi ako gusto ng pamilya mo at sa tingin ko'y hindi nila ako matutunang gustuhin para sayo. Too bad, Filipino ako. Ayaw nila sa Filipino. Ang babaw sigurong dahilan yun pero sakanila hindi."
"Wala na ba talaga?" Tanong pa niyang muli. "Sojun. Makakahanap ka din. Yung gugustuhin ng pamilya mo." Niyakap ko siya ng saglit at umalis na.
Sa mga panahong nakasama ko siya naging masaya ako. Natutunan kong maging masaya ng hindi nagpapanggap. Ng dahil sakanya, nasubukan kong magkaroon ng relasyon na hindi tinatago sa lahat. Nasubukan kong makipag holdinghands sa public makipagdate at kung anu-ano pa. Kaya nagpapasalamat akong dumaan siya sa buhay ko.
Ng makarating ako sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Hihiniga na sana ako sa kama ko ng nagbeep ang cellphone ko.
Nicnic:
Hey, where are you? Andito ako sa Namsan. Come here. I have a surprise for you. :)
Nagulat ako sa mensahe niya. Anong ginagawa niya dito sa Korea? Hindi manlang siya nagpasabi. Nagsend ako ng message sakanya ngunit hindi na siya muling nagreply.
Agad akong nagpalit ulit ng damit at nagmamadaling umalis. "Tita, nasa Namsan si Veronica. Pupuntahan ko lang." Pagpapaalam ko. "Osige. Mag ingat ka." Sabi naman ng Tita ko.
Sinubukan ko siyang tawagan at ilang ring lang ay sinagot na niya ito. "Saan ka?" Tanong ko. "Dito sa may mga padlocks. Tang ina, lamig. Bilisan mo naman." "Sinong kasama mo?" Tanong ko ulit. "Basta basta. Kulit mo! Dali na. Bye." At pinatayan na ako ng cellphone.
Tong babaeng to, magmula ata nung nagtransform nag iba na ang ugali. Naging balahura na ang bestfriend ko.
Ng makarating ako ay agad akong sumakay ng cable car. Buti nalang at ilang minuto lang ay nakarating na ako. Nasaan na kaya siya.
Palinga linga ako, hinahanap ko ang bestfriend ko sa mga nasa padlocks pero wala naman siya. Muli ko siyang tinawagan. "Hello! Nasaan ka ba? Andito na ako." Pagalit kong sabi. Tumawa lang siya sakabilang linya. "Turn around. Makikita mo yung surpresa ko." Sinunod ko siya. Unti unti akong lumingon sa likod.
Bumilis ang puso ko ng makita ko kung sino at hindi ano ano surpresang sinasabi niya. Parang hinahalukay yung tyan ko. Nakikilito ako. Parang nag slowmotion lahat ng nasa paligid ko. Totoo pala yun. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Yung tibok na masarap? Tumawa pa ulit ang bestfriend kong nasa kabilang linya. "Oh ayan. Nagustuhan mo ba?" Tanong niya. "Nic." Tanging nasambit ko. "Kakampi niyo ako. Ang tagal ko ng alam. Mga highschool pa. Ang weird nga e. Pero kung jan ka masaya. I'll support. Sige na. Mamaya na. Enjoy your date." At ibinaba na ulit ang tawag.
Unti unting lumapit ang surpresang sinabi ng bestfriend ko. Si Allen. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Para siyang naglalakad sa isang fashion show. Ngumiti siya saakin ng makalapit siya at ginantihan ko din siya ng isang matamis na ngiti.
"Hi." Tangi kong nasabi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bigla niya akong niyakap. "Umalis ka bigla. Hindi mo ako hinintay." Malamig niyang sabi.
Umalis ako kasi hindi ko alam ang gagawing ko pagkatapos ng mga nangyari saaming dalawa. "Pinagsisisihan mo ba yung nangyari?" Suminghap siya. "No
..no...H-hindi. Hindi ko lang alam kung anong g-gawin ko." Sagot ko sakanya."So, hiniwalayan mo na si Koreano?" Bahagya niya akong tinulak para magkatitigan kaming dalawa. "Pano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong. "Ako pa? Pagkatapos ng nangyari satin alam ko na." Sabi pa niya.
Pinalo ko siya ng mahina sakanyanh braso. "Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Kinukuha ko kung ano ang akin." Sabi pa niya.
"Mahal kita Alliya." Sabi niya. Hindi agad ako nakasagot. Bigla kong naalala yung mga tao sa Pinas. Bigla kong naalala si Mommy. "Alli, Mahal kita" pag uulit niya. "Paano si Mommy? Paano silang lahat doon?" Nag aalala kong tanong sakanya.
Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti. "Sabihin mong Mahal mo ako. Please?" Sabi niya. "M-mahal kita Allen." Sabi ko. "Allen. Paano nga sila doon? Hindi pwedeng habang buhay. Ganito tayo. Hindi pwedeng nagtatago nalang tayo." Nag aalala kong sabi.
"Alli, listen. Ako ng bahala satin. Kailangang maintindihan ni Mommy. Kailangang maintindihan nila. Wala silang magagawa. We love each other. Kailangan nilang tanggapin.
"Kambal tayo Allen." Mahina kong sabi sakanya at ramdam ko na ang pag iinit sa gilid ng mata ko.
Ngumiti lang siya sakin. "Maayos din ang lahat Alli. Basta ipangako mong hindi kana bibitaw. Please Alli. Wag ka ng bumitaw." Sabi pa niyang muli.
"Hindi na ako bibitaw Allen. Pangako."
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...