Thank you kasi umabot kayo dito sa chapter na to kahit na konti lang naman talaga ang nagbabasa. Natutuwa ako pag nakakabasa ako ng comments na "Please update." Kasi feeling ko talagang sinusubaybayan niyo.
Ipangako niyo naman susubaybayin niyo din ang story ni Chrissmon at ni Veronica. Please lang nagmamakaawa ako. Hahaha! Posted na siya. Please punta naman kayo sa profile ko para makita. :)"Kinakabahan ako anak." Sabi ni mommy Agatha habang nasa byahe. Pupunta kami ngayon ng hospital para makapag usap silang dalawa. Alam ko namang magkakaayos silang dalawa eh kasi mag bestfriend sila noon at alam ko namang sa puso nila ganoon padin yun.
"My..Kilala mo si Mommy Mia." Sabi ko nalang sakanya.
I just want them to be happy. Ganon din kaya ang gusto ni Cassey para saamin ni Allen? 8am na at flight na niya mamaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pupunta ba ako? Oh hindi na? Siguro kasi kahit andoon ako hindi na mag babago ang desisyon niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni mommy saakin dahil nakatulala nanaman pala ako.
"Okay lang." Oo. Okay lang ako pero hindi maayos.
Ng makarating kami ng ospital ay agad na kaming nagtungo sa silid ni mommy Mia. Atleast kahit masakit puso ko may dalawa naman akong mommy.
Nadatnan namin si Mommy Mia na nagbabalat ng mansanas sa may harap ng bintana na tila ay malalalim ang iniisip.
"Mommy." Lumingon siya saakin at halata sa itsura niya ang pagkagulat ng makita kung sino ang kasama ko.
"A-Agatha?"
"I'm sorry Mia...I'm sorry." Umiyak na si mommy at ako naman ay pinapatahan siya.
"Don't be sorry..Siguro ay kung hindi ko ibinigay si Alliya sayo ay hindi ganyan kabuti ang pag papalaki sakanya." Naiyak nadin si mommy Mia..
"Mga mommy..Sa labas lang ako. Mag usap muna kayo..Sana ay pagbalik ko ay nagkikwentuhan na kayo."
Ngumiti silang dalawa saakin bago ako lumabas. Sana ay maging okay na sila. Kahit sila nalang kahit wag na ako. Okay lang...Okay lang talaga.
Tumingin ako sa orasan ko. 9:00 na. Isang oras nalang....
Napatalon ako dahil biglang nagring ang cellphone ko. Dali dali ko itong sinagot.
"Aalis si Allen!" Sigaw ng kaibigan ko
"I know." Mahina kong sabi.
"Ano? Yan lang sasabihin mo? Hindi mo pipigilan?! Aba! Sasabunutan kita!"
"Ano pang magagawa ko? Nakita mo naman si Allen kung gaano niya ayaw manlang mawaglit si Cassey sa paningin niya diba?! Ano pa bang magagawa ko?! Ano pang laban ko!?" Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw. Pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan pero wala na akong pakialam.
"Ay grabe! Sarap mo ingudngod! Pwede ba Alli! Ayus ayusin mo! Nung mga panahong umalis ka! Pinigilan ka niya! Pero ang tigas mo! Hindi mo naisip na ikaw naman dapat ang pumigil!" Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...