Chapter 23

3.7K 122 3
                                    

"Oh bakit? Uuwi na kayo agad?" Tanong saakin ni Mommy habang nag aayos na ng gamit. 4days na kaming hindi nagkikita ni Allen ang sabi ng Mommy ay baka nasa dimensions lang ito kasama ang barkada.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na magkita ulit kami ni Allen. Matapos ang nangyari saamin ng kambal ko ay hindi ko na alam. Nahihiya ako at nagagalit sa sarili ko dahil hinayaan ko na ganon ang mangyari saamin. Pinagtaksilan ko ang boyfriens ko.

"Kailangan na My. Malapit na din ang finals namin. Kailangan ko ng maghanda. Babalik naman ako dito sa bakasyon namin eh." Sabi ko nalang. Ang totoo ay malayo pa ang exams at dapat 2weeks ang itatagal namin dito.

Si Sojun naman ay nakatingin lang saamin dalawa. Natural hindi niya maiintindihan. "Are you two cool?" Tanong niya. Ang akala siguro niya ay nagtatalo kaming dalawa ni Mommy. Ngumiti ako sakanya. "Nothing to worry. We're fine."

"Mommy, ayan ka nanaman. Iiyak ka nanaman. Babalik naman ako eh. Sige na. Mauuna na kami. Baka mahuli pa kami sa flight namin. Traffic pa naman." Sabi ko habang nakayakap sakanya.

Muli ay nagpaalam na kami ni Sojun para umuwi ng Korea.

Ng nasa eroplano na kami ay nagtanong siya. "Kakaiba yung mga kinikilos mo noong andoon tayo sa bahay niyo. Hindi ako nakakaintindi ng tagalog pero di ako bulag. Nakikita ko. Ano bang problema?" Hinaplos niya ang aking pisngi at mukhang nag aalala saakin.

"Wala...wala lang to." Hinagkan ko siya ng mabilis at ngumiti.

Buti naman ay hindi na siya muling nagiasisa pa dahil hindi ko namang pwedeng sabihin sakanya kung ano yung gumugulo sa isip ko.

"Deretso tayo sa bahay. Ipapakilala kita kay Eomma at Appa." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ready na ba kaya akonh mameet ang kanyang mga magulang? Magugustuhan kaya nila ako?

"Don't worry. Mababait sila." Pinisil niya ang aking kamay at ngumiti.

Incheon International Airport..

Ng nasa airport na kami ay agad na kaming sumakay sa sasakyan na ipinahanda niya. Well, mayaman din kasi ang pamilya ni Sojun.

"Kinakabahan ako." Sabi ko sakanya. "Wag. Sigurado naman akong magugustuhan ka nila eh." Hinalikan niya ako at muling nginitian. Sa ngiti niyang yun ay nabawasan ang nararamdaman kong takot.

"Oh. Andito na tayo. Relax ka lang." Sabi pa niya at hinipa na niya ako ng tuluyan papasok sa loob ng bahay nila. Bungalow lang ang bahay nila ngunit malawak ito. Kulay puti ang halos lahat ng makikita sa bahay nila. Simple ngunit eligante.

"Eomma! Andito na ako." Tawag ni Sojun. Bigla namang lumitaw ang Mommy at ang Daddy niya. Nakangiti sila habang nakatingin saaming dalawa. Siguro ay mabait ang kanyang mga magulang. Kaya hindi naman siguro akong mahihirapang makisama.

"Anak. Maupo kayo. Ito ba si BeunEe? Napakaganda." Sabi ng Mommy niya habang nakangiti saakin. "Kamsahamnida." Nagbow ako sakanila.

Umupo kaming dalawa at umupo din ang Mommy at Daddy niya sa may harapan namin. Nakawheelchair ang kanyang ama. Ngunit kahit ganon ay mahahalata parin dito ang kakisigan sa kanyang katawan. "So.... Anong kompletong pangalan mo hija?" Tanong niya. "Ako si Alliya Maratha Escolas." Sabi ko. "Oh. Ang akala ko ay Korean ka." Baling niya. "My Korean name po is Ee BeunEe but I'm a Filipino." Nakangiti parin ako habang nasagot.

Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha na tila'y may hindi ako nasabing maganda. "Hindi kita gusto para sa anak ko." Malamig niyang sabi. Nagulat ako dahil doon. "Eomma!" Pag pigil ni Sojun sakanya.

"Paalisin mo yan Sojun!" Sigaw ng Mommy niya. Tinignan ako ng Daddy ni Sojun na may galit sakanyang mukha ngunit hindi nagsasalita. "Mawalang galang na po. Pero ano po bang problema?" Tanong ko.

"Mamamatay tao kayong mga Filipino!" Sigaw niya sa mukha ko. Hinawakan ng mahigpit ni Sojun ang kamay ko. "Hindi ko matatanggap ang isang Filipino sa pamilya ko! You see this?" Turo niya sa binti ng kanyang Asawa. "Walang awang sinagasaan yan ng isang walang yang Filipino! At kahit kapatid ko ay namatay. Mga wala kayong kaluluwa!" Sigaw niya. Nagpanting ang ugat ko sa noo sa sinabi niya.

"Wag niyo pong lahatin! Hindi lahat ng Filipino ay masama! Sadyang natyempuhan niyo lang ang mga masasama! Bakit dito po ba sa Korea ay walang Krimen!?" Naubos ang pasensya ko ng dahil sa sinabi niya. Bakit ako nadamay sa nangyari sa asawa't kapatid niya? Ako ba ang sumagasa sa kanila?

"Kita mo na Sojun kung ano ang ugali niya?!" Sigaw ulit ng Mommy niya. "Eomma! Iba siya." Sagot naman ni Sojun. "Hindi! Filipino padin siya! Paalisin mo yang babaeng yan. Mamili ka! Kami o yang babaeng yan!" Hindi agad sumagot si Sojun sa tanong ng kanyang ina. "Sojun." Hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit unti unti niya itong tinanggal. Tumingin siya sa mga mata ko. "I'm sorry." Tanging sabi niya. Parang may tumusok sa puso ko ng sinabi niya yun. "What do you mean?" Mahina kong tanong.

"Family first..." Sabi niya habang nakayuko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Wala siyang bayag. Duwag siya! Gusto kong mag mura. Gusto ko siyang suntukin. Sana pala ay hindi nalang pala niya niya ako dinala dito. Damn!

Tumayo ako at hinarap sila. "Well. Aalis na po ako at salamat sa pagpapatuloy saakin dito sa bahay niyo." Bumaling ako kay Sojun. "Akala ko iba ka. Akala ko ikaw na. Duwag ka." Sabi ko at agad na umalis sa pamamahay na yun.

Tang ina. Ano sila Chinese? Nahiya pa ang mga Chinese sa pamilyang yun.

Dapat ay umiiyak ako ngayon. Dapat ay sumasakit yung puso ko dahil mas pinili niya ang pamilya niya. Hindi sa sinasabi kong piliin niya ako, kundi sana naman ay kahit paano ay pinaglaban niya man lang ako pero ano yun? Nanood lang siya na tila ay may nagboboxing.

Masama ang loob ko, pero hindi dahil sa mas pinili niyang kampihan ang pamilya niya. Parang pakiramdam ko nga gumaan pa ang loob ko. Ang weird. Siguro ang kinasasama ng loob ko ay yung pang iinsulto nila sa mga Filipino.

Pwes! Kung ayaw nila saakin. Ayaw ko din sakanila.

------

Medyo sabaw. Pagod kasi ako eh. Babawi ako. :)

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon