"Nasaan kaba? Nakashuta naman oh. Andito ako sa bar bes. Mag ddj ako ngayon." Sigaw ni Nic dahil sa sobrang lakas ng music sa sound system. Sa tingin ko ay nasa isang bar nanaman siya.
"I need your help." Sabi ko. Nakaupo lang ako sa isang waiting shed at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw kong umuwi sa Korea dahil alam kong pupuntahan ako doon ni Allen.
Gusto ko munang mapalayo sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong mag iisip iisip. Kailangan ko ng oras para i-absurb lahat ng nalaman ko ngayon araw. Inamin nadin saakin ni mommy ang totoo at sobrang saktan ako. 18years. 18 years kong hindi kilala ang sarili ko at sobrang nasaktan ako ng dahil doon.
"Punta ka dito sa Boost17." Sabi niya at pinatayan na ako ng tawag. Sumakay agad ako ng taxi para makarating sa Boost17. Sana lang ay wala doon si Chrissmon.
Ng makarating ako sa club ay pumunta ako sa stool bar at omorder ng tequila. Isang shot lang naman. Tinext ko din ang kaibigan ko at agad naman siyang pumunta sa lugar ko.
"Oh..Anong problema?" Tanong ng kaibigan kong humihithit ng sigarilyo. Napakasexy na talaga niya.
"Makikitulog muna ako sa condo mo." Sabi ko. At agad naman niyang ibinigay ang susi ng kanyang condo. "Ano bang problema? Bakit nga pala di mo kasama si twinlover mo?" Himagikgik siya. Bigla naman akong sumimangot sa sinabi niya. "Ohhh...I guess kailangan mo ng kausap. Osiya. Magtatrabaho muna ako. Hintayin mo ako sa condo. Pahinga kana." Hinalikan niya ako sa pisngi at nagpaalam nadin ako sakanya.
Ikinwento ko lahat ng nangyari kay Veronica. Habang kinikwento ko yun ay umiiyak ako at tila ay naawa din siya saakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung uuwi pa ko sa bahay, sa bahay ng kinilalang pamilya ko. Hindi naman pala ako kasali doon.
"Wag ka ng umiyak. Pucha! Daming tissue'ng nagkalat oh. Tama na. Magiging okay din ang lahat." Niyakap ako ni Nic at hinahaplos haplos ang likod ko. Buti nalang ay may bestfriend akong maaasahan.
Ilang saglit pa ay may nagdoorbell sa kanyang pinto. 3am na ng madaling araw. Sino naman kaya to. Lalaki nanaman siguro ng kaibigan ko.
"Sino naman kaya to?" Umirap siya sa hangin at nagtungo sa pintuan para buksan.
Ng binuksan niya ito ay bakas sa kanyang mukha ang gulat. "Ohh.. I-ikaw pala....Allen!" Nilakasan niya ang boses niya para siguro ay marinig ko ito. Nagmadali akong nagtago sa aparador malapit sa kung nasaan ang pinto. Thank God.
"Si Alli? Andito? Alli!" Tawag niya sa pangalan ko. Napatakip ako sa bibig dahil hindi ko maiwasang hindi humikbi sa pagtawag palang niya sa pangalan ko.
"Wala yung kapatid mo dito..Gago to. Amoy alak kapa tang ina."
"Alam ko nandito siya. Nic, gusto ko lang siyang kausapin. Please. Help me." Ramdam ko sa boses niya ang pagmamakaawa kaya mas lalo akong naiyak.
"Allen, wala talaga siya dito. Kung andito man siya, ihaharap ko naman siya sayo eh."
"I love her. I love her so much. Mamamatay ata ako pag wala siya. Sana pala ako nalang ang ampon at hindi siya...para hindi siya yung nasaktan. I'll endure every pain wag lang siya. Pakisabi naman oh...Na hindi ko sinasadyanh saktan siya. Pakisabi mahal na mahal ko siya." Sabi niya habang umiiyak. Damn! Ang hirap magpigil ng hikbi. Ang sakit sakit. Parang sinaksak ng nangangalawang na kutsilyo ang puso ko.
Ilang saglit pa ay may narinig akong kumalabog. "A-Allen! Fuck you! Talagang dito kapa inabutan ng antok! Tang ina naman talaga oh. Alli! Labas! Knock out na to. Tulungan mo akong ihiga siya jan sa couch!"
Agad akong lumabas para tulungan siya. Inalalayan namin siya para mapahiga sa couch. Nanuot saakin ang amoy ng kanyang pabango, yosi at alak. Just the old days huh..
"Baka makita ka niyang andito. You need to go before he will see you."
"Pag lasing siya, hapon na siya gumigising. Aalis ako mamayang 10am. Pag dumating yung mga docu. Ko sa school galing Korea paki padala saakin. Dito ko sinabi yung address. Mag eenroll na ako dito."
"Sa Lux?" Masayang tanong ni Nic.
"No. Hindi ko pa alam. I'll just text you."
Buti nalang ay kahit papaano ay nakapagpahinga ako. Ihinanda ko na ang gamit ko para sa pag alis ko. Although I'm not sure kung saan ako mapapadpad basta gusto ko yung malayo muna sakanila. I want to know myself more.
"Bessy, mag iingat ka ha? Text mo ako kung saan lupalop ka mapapadpad. Ako ng bahala kay Allen." Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Lumapit ako sa natutulog na si Allen, halata sa mukha niya ang sobrang pagod kaya nasasaktan ako dahil doon. Sa huling pagkakataon ay hinalikan ko siya sa labi at umalis.
''Soon, magkikita din tayo Allen. Pag kilala ko na ang sarili ko. Sana ay mahintay mo ko. Mahal na mahal kiya'' bulong ko.
Pinahid ko ang luhang nasa may pisngi ko at tumayo. Hinarap kong muli si Nic at niyakap siya ng huling beses tyaka ako umalis sa kanyang unit.
I'll just find my self at kapag nahanap ko na kung sino ako at nakilala ko na kung sino ako pangakong babalik ako. Babalikan kita at itutuloy na natin ang sinasabi mong happy ending.
I will always be your Queen. You'te always be my King. I love you so much Allen.
This is not a goodbye.
Till we see each other again.
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...