Chapter 18

3.9K 117 5
                                    

"Hon saan ka galing?" Tanong ni Cassey habang sinasalubong ako ng halik. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko padin ang Aleng yun. Iniisip ko kung sino siya at bakit kilala niya ang Mommy. I want to know. Bakit niya tinawag na anak si Alliya?

Imposible kayang....pero hindi. Hindi pwede. Paano mangyayari yun eh kambal nga kami? Siguro ay nababaliw lang yung babaeng yun.

"Hon naman eh! Kanina kapa walang kibo jan. Kainis!" Umirap saakin si Cassey at tila ay nagtatampo. "Honey, Sorry na. Napagod ako. Nagpaikot ikot kasi ako kanina eh. Uhmmm... Tulog kana kanina kaya di na kita ginising. Alam kong pagod ka." Sabi ko at hinagkan ko siya sa kanyang labi.

Kamusta kaya ngayon si Alli? Gusto ko siyang puntahan sa kanyang kwarto para malaman kung Okay lang siya dahil kanina habang pauwi kami ay halatang malamim ang kanyang iniisip pero kahit gusto ko naman siyang puntahan ay alam kong pagod siya at kailangan niyang magpahinga.

"The day after tomorrow babalik na tayo sa Pinas Hon. May aasikasuhin ako." Sabi ko kay Cassey. I want to know something. "Ha? Eh I thought mag cecelebrate tayo ng Christmas dito?" Biglang nalungkot ang kanyang ekspresyon. "I'm sorry. This is important. Babawi ako Okay?" Ngumiti ako sakanya to show assurance.

Halos 1am na pala ng umaga at hindi parin ako nakakatulog. Hanggang ngayon ay bumabagabag parin saakin ang nangyari sa coffe shop. Dahan dahan kong inalis ang braso ni Cassey na nakapulupot saakin. Malalim na ang kanyang tulog kaya dinahan dahan ko ang kilos. I want to drink some alcohol.

Natagpuan ko ang sarili kong umiinom ng soju dito sa stool bar ng bahay ni tita Gretta. I want to calm down. Gusto kong mawaglit yun sa isipan ko.

"Si Cassey?" Nagulat ako ng makitang patungo si Alli sa pwesto ko. Nakapajama sa ng hello kitty at ang cute niya dahil doon. "Tulog na." Sagot ko naman sakanya. "1am pero umiinom ka?" Tanong niya. Umupo siya sa tabi ko at nakishot din sa shot glass na may lamang alak. "Alli!" Saway ko. "Why?" Tumawa siya. "Umiinom kaya kami ng mga kaibigan ko. I know how to drink now Allen. I'm not a freaking kid anymore." Sagot niya. Iba na siya ngayon. "Bakit di ka pa natutulog?" Tanong ko sakanya. "Kausap ko si Sojun." Sabi niya na tila kinikilig. "Kayo na ba?" Seryosong tanong ko sakanya. "Uhmm...Malapit na." Ngumiti siya saakin bago tumayo. "Kay. I'm going to sleep. Goodnight." Sabi niya at nagtungo na ulit sa kanyang kwarto.

Bakit parang gusto ko pang uminom ng uminom? Yung tipong hindi ko na maalala yung mga sinabi niya? What the fuck! I hate the fact na hanggang ngayon ay hulog na hulog padin ako sa kanya. Ang tapang kong pumunta dito sa Korea. Sinabi kong wala na akong nararamdaman pero bakit parang nasasaktan ako? Bakit puro nalang niya ako ginaganito?

Tang ina! Nakakabakla na tong nararamdaman ko. May Cassey na ako e. Mahal ko siya. Yun ang pinapaniwalaan ko, yun ang alam ko. Masaya ako pag kasama ko siya. Kaya nga niligawan ko siya diba? Pero bakit ganito nanaman ulit yung nararamdaman ko? Bakit napaka abnormal ko kasi ganito yung nararamdaman ko sa kambal ko.

Minsan, iniimagine kong nasa kama kami nag mamake love tapos magkakaanak kami ng sampo. Tapos titira kami sa iisang bahay sa isang subdivision. Tapos gigising ako sa umagang makikita ko ang maamo niyang mukha. Pero alam ko din naman sa sarili kong hindi ganon ang ending namin. Ang ending namin ay yung katotohanang magkambal kami. Gang sa dulo ay hanggang doon lang talaga kami.

Minsan talaga napaka unfair ng buhay eh. Bakit kaya hindi pwede yung kung mahal niyo ang isa't isa kayo hanggang dulo. Sabagay kahit ang mga kaibigan kong si Kris at Vic ay hindi din naging happy ang ending. Kaya minsan pag nakakakita ako ng mga naghoholding hands napapa 'Walang forever' din ako eh.

Pero bakit ko iniisip ang mga to. May Cassey ako. Mahal na mahal niya ako. Pwedeng pwede kami kasi hindi ko siya kaanu-ano. Pwedeng pwede kami. Walang sabit, walang hadlang. I want to be with her forever. I want Cassey in my life forever. Bakit? Para Okay na ako. Para wala ng komplikasyon pa sa buhay ko, Para may maipag mamalaki ako at ng maipakita ko sa lahat na pwedeng pwede kami.

Pero yung lang ba talaga ang basehan ko? Yung 'Pwedeng pwede kami'? Kasi hanggang ngayon ay kahit sinasabi kong mahal ko siya ay hindi ko padin maintindihan sa sarili ko. Ang hirap kapain. May nararamdaman ako sakanya pero hirap akong kapain. Basta ang alam ko ay mahal ko siya. Siguro ay tama na yun para saakin.

I just want to be happy pero bakit ganito ang nangyayari saakin? Masama ba ako noong past life ko kaya ako nagkakaganito ngayon? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Gulong gulo ako.

"Hon, anjan ka lang pala. Akala ko iniwan mo na ako." Si Cassey. Nagising ata siya ng maramdamang walang katabi. Nakalabi siya at nakakatuwang tignan siya. "Bakit naman kita iiwan?" Tanong ko sakanya. "Ang akala ko lang sagot naman niya." Lumapit ako sakanya at yumakap. "Wag mo kong iiwan Cassey." Sabi ko sakanya. "Hinding hindi Allen." Sagot naman niya saakin.

Ngayon ay gusto kong ayusin ulit ang nagulo kong nararamdaman. Gusto kong bumalik yung dating ako. Noong hindi ko pa ulit nakikita ang kakambal ko.

"I love you so much Allen." Mahinahong sabi ni Cassey.

Matagal ako bago sumagot. "Love you Cassey."

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon