Chapter 34

3.1K 118 8
                                    

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong puro puti ang nasa paligid ko. It's blurry dahil sa liwanag na nakikita ko.

Namatay ba ako? Nasa langit ba ako? Okay lang kung ganon para wala na akong maramdamang sakit pa.

"Alli! Alli! Tita! Gising na siya!" Rinig na rinig kong sigaw ng aking bestfriend. Nalaman kong wala ako sa langit dahil hindi naman nila tatanggapin ang bestfriend ko doon.

"Alli...Anak?" Si mommy. Naramdaman kong hinaplos niya ang noo ko.

Unti unti ding naging malinaw ang paningin ko at sinubukan kong bumangon pero sumakit ang ulo ko. Shit naman! Lahat nalang masakit.

"Bakit kaba nagpaulang bata ka...Buti nalang at dinala ka dito ni Allen....Ang taas ng lagnat mo." Sabi ni mommy.

Ng marinig ko ang pangalan niya ay bigla nanamang sumakit yung dibdib ko. Naalala ko lahat ng mga sinabi niya kanina at wala na talagang pag asa. Kilala ko siya eh. Pag sinabi na niyang ayaw na niya ayaw na talaga niya.

"My, gusto kong makausap si Allen."

"Andoon siya sa room ni Cassey anak." Alanganing sagot naman ni mommy.

"Okay.. Wait! Tatawagin ko." Tututol palang sana ako ngunit di ko na nagawa dahil nagmadali ng lumabas si Nic.

"Anong nangyari anak?" Nag aalalang tanong saakin ni mommy.

Humikbi ako dahil sa simpleng tanong niya. Ano nga bang nangyari? Ako rin ay hindi ko alam. Hindi ko nga ba alam oh ayaw ko lang talagang tanggapin na alam ko? Na alam ko at malinaw saakin lahat ng nangyari?

Kagabi lang ay nagkasama kaming dalawa. Nasa ilalim ng isang kumot habang magkadikit ang aming katawan. Kagabi lang ay naging isa kami. Kagabi ay naramdaman kong mahal pa niya ako at meron pang pag asa pero wala. Mali ako.

"Wa...wala na kaming pag asa mommy...Kasi kasalanan ko..Kasi umalis ako...Kasi iniwan ko siya...Kasi iniwan ko ulit siya...Sinaktan ko siya...I left because I want to be healed... Pero hindi ko naisip na dahil sa pag alis ko ay siya namang makakasakit sakanya ng sobra......Tandang tanda ko pa mommy...Pinipigilan niya ako eh. Ang tanga tanga ko...Masyado akong pabebe at hindi ako nagpapigil...Wala na mommy... Wala na...."I break down in front of my mom... I can't endure it anymore...

Iniisip ko nalang na sana makatulog nalang ako yung wala ng gisinhan para wala na akong mararamdaman. Nakakabaliw pala yung ganito...

Niyakap ako ni mommy hanggang sa kumalma ako.

"Ma'am Mia. Balik na po tayo sa room niyo. You need to take your med. Now." Sabi ng isang nurse.

"Mommy, go ahead.. I will be fine here." Ayaw ko naman na may madamay pa sa kamiserablihan ko. "Sure ka anak na okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya... Tumango ako at pinilit ngumiti sakanya.

Inakay na siya ng nurse pabalik sa sakanyang kwarto at naiwam na akong mag isa.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa room ko si Nic na may naiinis na ekapresyon sa mukha.

"Nakakainis yang kambal mong ex boyfriend mo ha! Okay naman na si Cassey..Payapang natutulog! Niyaya ko siyang pumunta dito..Akalain mong tumanggi! Sabi niya lagnat lang daw yang iyo yung kay Cassey iba. Aba aba! Ipapasapak ko kay Chrissmon yun!"

Napatulala lang ako sa sinabi niya. Sumaksak bawat salitang binitiwan ni Nic saakin...Talaga ngang wala na siyang pakialam saakin..

Pinilit kong wag umiyak. Ayaw ko na...Pagod na din akong umiyak.

"Best...Balik ako bukas ha? May gig pa ako. Pagaling ka. Naku! Ang dami pang iba jan... Hanap ka ulit ng Koreano yung kamukha ni Baekhyun ng EXO...Naku!" Buti nalang at kahit papano ay pinagaan ng kadaldalan niya ang mood ko.

"Oo na...Oo na..Tyaka baka nakauwi na ako bukas. Text nalang kita." Nah beso kaming dalawa at umalis na siya. Siguro ay matutulog nalang ako. My head is in pain as damn.

Ipinwesto ko ang sarili ko para makatulog ng biglang narinig kong may nagbukas ng pinto. Hindi ko na inabalang lumingon dahil si Nic lang siguro ito.

"Oh Nic...Akala ko aalis kana?"

"Alliya..." Kahit masakit ang ulo ko ay napalingon ako sa kung sino ang pumasok sa aking silid.

"C-Cassey..Bakit ka andito?...Ahmmm I mean baka mapano ka." Kinakabahan ako dahil andito siya. Naka wheel chair siya at itinutulak ng isang nurse.

"Pwede ba tayong mag usap?" Ang dating napaka masayahing si Cassey ay tila naging matamlay.

Tumango ako sakanya.

"Alam kong mahal na mahal niyo ni Allen ang isa't isa." Paninimula niya.

"Mahal ko din siya." Mahinang sabi niya.

"Pero sa tuwing nakikita ko siyang kasama ako, hindi man niya aminin ay nakikita ko sa kanyang mukha na may kulang..Na hindi sapat...Ayaw niya lang aminin saakin dahil iniisip niyang baka sumama ang loob ko na sa tagal ng panahong wala ka ay hindi ka parin nawawala sa isip niya....." May lumandas na mga luha sa mga mata niya.

"Alam mo bang noong una ko kayong makitang dalawa eh iba na yung naramdaman ko sainyo? Parang may kakaiba...Parang hindi kayo magkambal hindi dahil hindi kayo magkamukha kundi dahil sa tingin niyo sa isa't isa."

Hindi ko alam kung saan tutungo ang usapan na to ngunit napagpasyahan kong makinig parin sakanya kahit na parang pinupunit punit na ang puso ko.

"Hindi niya ako maiwan...Ayaw niya akong iwan...Alam mo kung bakit?" Suminghap siya bago nagpatuloy. "Alam na alam kasi niya yung pakiramdam ng maiwang mag isa at ayaw niyang iparamdam yun sa iba....Malapit na akong mamatay Alli....Pero anjan padin siya at di sumusuko....Nasa tabi ko lang siya palagi.."

"Pl...Please Cassey...T-tama na..." Mahina kong sabi...Hindi na ata kaya ng puso ko kung ipagpapatuloy pa niya.

"I want him to be happy Alliya..And you are his happiness.... Ayaw niya mang sabihin pero ramdam ko yun... Please make him happy...Wag na wag mo na sana siyang saktan...Wag mo na siyang iwanan....I'm going to America next week para magpagaling...At gusto niyang andoon siya....Sinabi kong wag na siyang sumama pero hindi siya pumayag...10am ang flight namin." Tumalikod na sila at handa ng umalis ng nagsalita ako.

"Bakit mo pa to sinasabi saakin Cassey?"

Humarap siya saakin habang nakangiti ngunit may luha padin sa kanyang mga pisngi.

"I just want you two to be happy."




I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon