Chapter 19

3.7K 122 4
                                    

"Bye Alli. Mamimiss kita. Ser you again soon." Niyakap ako ni Cassey at hinalikan sa pisngi. Napakajolly talaga ng babaeng to.

"Okay. Balik kayo pag may time kayo ha? Mamimiss kita." Ngumiti naman ako sakanya. Oo totoo. Sa liit ng panahon na yun ay naging magkaibigan kami. Hindi ako nampaplastic. Talagang gusto ko siya bilang kaibigan ko. Pero yung girlfriend siya ng ng kambal ko? Uhmmm..Siguro ay Okay nalang din saakin yun.

"Oh. Baka mahuli kayo sa flight niyo." Sabi naman ni tita Gretta habang isininasakay ni Allen ang mga maleta nila sa kotse.

Bumaling si Allen kay tita at niyakap. "Sa susunod ulit Tita. Ingat kayo." Sabi ni Allen. Pagkatapos ay bumaling siya saakin at unti unting lumapit. Niyakap niya ako ng napakahigpit yung mainit at napakasarap sa pakiramdam na yakap. "I will miss you my princess. I love you.....Uhmmm my twin." Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun ay lumayo na siya saakin at pinuntahan na ulit si Cassey.

Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit parang may kakaiba nanaman akong nararamdaman? Bakit ganito nanaman? Mabuti nadin pala na aalis na sila. Malayo saakin ayaw ko na kasi ng nararamdaman kong to. Pag malapit siya saakin sumisikip ang mundo ko, nahihirapan akong huminga at bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi pwede to. Hindi na pwede to.


"Oh Alliya. Bakit nakatunganga ka jan?" Tanong ni tita ng makita ako dito sa Veranda. Ang daming tanong sa isipan ko. Ang daming sumisiksik sa utak ko. Ang daming 'Bakit kaya?' Na nasa utak ko. Tulad ng bakit kaya ganon padin yung nararamdaman ko. Bakit kaya kailangan pang siya ang first love ko? O kaya bakit kaya sa dinami dami ng pwede kong mahalin e si Allen pa. Si Allen pa na hindi pwede. Si Allen na kakambal ko at hindi magbabago. Pero buti nalang at dumating si Sojun. Okay ako pag nanjan siya, masaya ako pag kasama siya kaya iniisip ko nadin na sagutin na siya para maging Okay na ang lahat. Para Okay na ako. Para wala ng komplikasyon pa.

Idagdag mo pa yung babae sa coffee shop na tinawag akong anak. Hanggang ngayon ay hindi ko padin mapigilang hindi isipin kung sino nga ba siya. Bakit sila magkakilala ni Mommy. Gusto kong alamin para mabawasan yung bumabagabag sa loob ko pero natatakot ako. Natatakot ako sa mga pwede kong malaman.

"Wala lang to Tita." Sagot ko nalang sakanya.

"Oh! Kamusta na you? Gumaganda ka ata ah." Sabi ni Chrissmon. Nagsskype kaming dalawa. Gusto ko lang ng kausap. No choice eh. Kaya siya nalang tinawagan ko. "Type mo ko no?" Pagloloko ko sakanya. "Huy Alli! Excuse me. May Veronica na ako. Manahimik ka jan. Sumesexy na siya ngayon." Sabi naman niya. "Feeling mo. Ayaw nga sayo eh. Kasi bully ka." Sabi ko naman sakanya at tumawa.

Ilang saglit pa ay dumating si Sanford sa screen. "Hi Alli!" Kumaway siya saakin. Binati ko din siya. "May sasabihin ako sayo Alli." Sabi ni Sanford. Mukhang seryoso siya kaya hinintay ko ang susunod na sasabihin niya. "Nakikita ko cleavage mo." Sabi niya sabay tawa. Agad naman akong napatakip sa dibdib ko. Ang manyak talaga ng isang to. "Sanford ang manyak mo talaga!" Sabi ko sakanya habang siya ay tumatawa.

"Alli. Nasa baba si Sojun." Sabi ni tita habang kumakatok sa pinto ko. Hindi ko inaasahan na pupunta si Sojun ngayong araw na to. Bakit kaya. "Sige tita. Bababa na ko." Sagot ko naman sakanya.

"Oh mga jerks. Nexttime ulit. May bisita ako." Kumaway ako sakanila tyaka ko pinalipad ang middle finger ko sa ere. Hindi ko na sila hinintay sumagot dahil inoff ko na agad ang laptop ko.

Nakita ko si Sojun na nakaupo at may hawak na isang bouquet ng bulaklak at isang malaking pink na teddybear. Napangiti ako sakanya ng magkasalubong ang aming mga mata.

(Speaking in Korean.)

"Oh. Napadalaw ka?" Tanong ko sakanya. "Uhmm.. Namiss kasi kita." Sagot naman niya saakin. Iniabot niya ang bulaklak at teddybear saakin at nagpasalamat naman ako sakanya. "Ang sweet mo talaga. Minsan talaga gusto na kitang sagutin." Tumawa ako ng bahagya sakanya. "Bakit? Wala ka pabang balak? Gustong gusto na kitang maging girlfriend Alli. At gagawin ko lahat para lang hindi ka magsawa saakin. Hindi kita sasaktan. Hindi ko hahayaang maging malungkot ka." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Ito na ba ang tamang oras? Sasagutin ko na ba siya? Pero napag isipan ko nadin to. Siguro ay panahon na para sumubok ulit. Yung hindi na bawal. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Alam mo, yung uso sa Pinas Monthsary. Dito naman 100th day at gusto kong sabihin sayo na gusto kong maranasan yun. Yung magcelebrate ng ika-100th day? Yung makakapunta ako ng Namsam tower at maglalagay ng padlock? At gusto ko ikaw yung magiging kasama ko. Ikaw yung kasama kong mag cecelebrate ng ika-100th day natin bilang isang couple." Sabi ko sakanya.

May lumandas na mga luha sakanyang mga mata. "I...Is that a y-yes?" Tanong niya. Tumango ako sakanya habang nakangiti. Mabilis niya akong niyakap sabay sabing "Kamsahamnida! Saranghae...Saranghae." Tumawa ako ng bahagya sa reaction niya.

It's time. Para maging masaya ulit ako. Para mag mahal ulit ako. Sigurado ako na hinding hindi ako sasaktan ni Sojun. Sigurado akong mamahalin niya ako at hindi niya ako hahayaang maging malungkot.

"I love you BeunEe, Alliya or what ever." Sabi niya ulit sa akin.

"I...I will love you Sojun." Sagot ko naman sakanya.

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon