Chapter 26

3.2K 106 2
                                    

"Habulin mo siya." Sabi ni ninang at agad na din akong tumayo para habulin siya.

"Alli! Wait! Alli!" Pero tila ay wala siyang naririnig. Patuloy lang siya sa paglalakad ng mabilis.

"I want to go home! I want my mommy! My true mom!" Sigaw niya saakin. Kitang kita ko parin ang sakit sa kanyang mukha at nasasaktan din ako ng dahil dito

"Alli. Please listen to me." Sinubukan kong hawakan ang kanyang braso ngunit hinahawi niya lang ito.

"Alli! Please!" Isang malakas na sampal ang ipinakawala niya. Ramdam ko padin ang hapdi at ang init sa pisngi.

Shit! Ang akala ko ay okay na. Ang akala ko ay ayos na pero bakit parang mas lumalala pa? Kasalanan ko ba to? Masama ba yung ipinalabas ko yung totoo?

"Alli..Please" mahina kong sabi dahil pakiramdam ko ay nanlulumo nanaman ako.

"I don't want to see you again Allen.. You're selfish! Hindi mo alam kung makakasakit ka ng tao basta lang sumaya ka! Sarili mo lang iniisip mo!"

"Tang ina Alli! Sa tingin mo ba hindi ko naisip yan! Yeah! I know! I'm selfish! Eh anong magagawa ko yun ang totoo! Masakit man para sayo pero sobrang saya kasi hindi kita kapatid!"

Isang sampal ulit ang natikman ko galing sakanya.

"I don't want to see you again Allen! I hate you! I hate you so much!"

Tumakbo siya at pumara ng taxi dala dala ang kanyang maleta. Nawalan na ako ng lakas para pigilan siya parang hindi ko na maihakbang pa ang aking mga paa.
Kakausapin ko nalang siya sa bahay.

Nagmadali akong sumakay ng kotse at pinasibad ko ito makarating lang ng mabilis sa bahay..

Ng makarating ako sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse at agad na pumasok sa bahay.

"Alli!" Sigaw ko..

Tumakbo ako paakyat sa hagdan at nagtungo sa kanyang silid ngunit laking gulat ko ng makitang ni hindi nagalaw ang mga gamit dito. Wala siya dito.

"Alli!" Sigaw ko ulit. Biglang bumukas ang kwarto ni mommy. Nagtataka siyang nakatingin sakin ngunit agad ding naging malamig ang tingin niya. Hanggang ngayon kasi ay malamig parin ang turingan naming dalawa dahil sa naging sagutan namin nung nakaraan.

"Walang Alli'ng dumating dito. Ano? Nasaktan mo ang babae ko diba? Masaya ka na ba sa ginawa mo Allen?" Tanong ni mommy saking gamit ang kanyang pagalit na tono.

"Mom, alam kung dumaan si Alli dito. Please. Nasaan siya?"

"Wala na siya Allen..Oo, dumaan siya dito para magpaalam. Inilayo mo saakin si Alli hindi lang sayo." Sagot niya at tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha.

"Nasaan siya mommy? Please.. " Halos manginig ako dahil sa nalaman ko. Hindi pwedeng mawala Alli. Hindi pwede.

"Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta Allen. Sana maging masaya ka sa ginawa mo." Tinalikuran ako ni mommy. Pumasok siya sa kanyang silid at tuluyan na niya itong isinara.

Nag uunang tumulo ang mga luha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong pwede na.. Ang hirap pala talagang maging masaya. Kailangan mo munang maranasan maging sawi bago mo maranasaan ang kasiyahan. All I want is happiness, A happy ending pero bakit ganito yung nangyari? Maayos pa kaya ito?

Sinuntok ko ng maraming beses ang pader hanggang sa maging manhid na ang mga kamay ko. Kasalanan ko lahat. Pero anong magagawa ko? Ang gusto ko lang ay mapasaya si Ninang at malaman ni Alli ang totoo pero bakit parang mas lumala pa ang sitwasyon?

Agad akong lumabas ng bahay at hinanap siya sa buong bayan. Halos limang oras na akong nag hahanap ngunit wala parin. Kinausap ko nadin si Tita Gretta na pag umuwi si Alli ay tawagan agad ako. "Nasaan ka na ba Alli!" Inuntog untog ko ang noo ko sa manobela dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako pag hindi ko pa siya makita.

Umabot na ako ng walong oras ngunit wala akong napala. Fuck! Tang ina! Dapat ay hindi ko na siya pinakawalan kanina pa, di sana ay hindi ako nag kakaganito ngayon.

Napagpasyahan ko nalang tawagan ang mga kaibigan ko para makipag inuman sa dimensions. Tang ina talaga.

"Oh Allen, bakit naman ganyan yung mukha mo? Para kang naluging intsik." Sabi ni Chrissmon sabay tawa.

"Oo nga. Tang ina naman bro.. Kawalang mood naman. Cheer up. Gusto mo bang hanapan kita ng masesex mo ngayong gabi?" Sabi naman ng malimog na si Sanford.

"Mga gago!" Sabi ko nalang sakanila at tinawanan ako.

"Di nga bro. Bakit ganyan itsura mo?" Tanong naman sakin ni Vonn.

"Wala...Wala...Uminom ka nalang." Sagot ko naman. Mas gusto ko nalang itago to sa sarili ko para wala ng ibang madamay pa. Tyaka maiintindihan kaya nila pag sinabi ko? Baka ang iisipin lang nila ay sa sobrang kalibugan ko pati kambal ko pinatos ko. Tss.. Kaya wag na.

"Hi boys!" Isang malanding boses ng babae ang umalingawngaw sa buong lugar. Si Sanford nanaman ang may pakana nito.

"Oh hi! Minda..." Sinalubong naman nito ni Sanford ng isang french kiss at pinisil pisil ang boobs ng babae. Humagikgik naman ito na tila nasasarapan. Hayy Sanford's kind of girls. Tall, Makinis, Maputi, Big boobs and big butt.

"Minda, pwede mo bang samahan yung isang kaibigan ko... Ayun oh si Allen. Malungkot ata." Sabi ni Sanford. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumiti lang siya ng nakakaloko then he mouthed 'relax'

"Oh sure.." Sabi nung Minda at umupo sa tabi ko sabay haplos sa hita ko. Ang landing babae nito.

"Wanna go some place? Yung dalawa lang tayo?" Malanding tanong niya saakin. Natetempt ako ngunit hindi pwede. Loyal ako.

"Hey sexy, better luck next time. I'm not in the mood. Better, go find another man to have sex." Nakita kong nagkorteng O ang kanyang bibig na tila ay hindi naniniwala sa sinabi ko. Kinindatan ko siya at tumayo.

"Tulog muna ako. Boring." Pag papaalam ko at umakyat na sa kwartong nakalaan para saakin.

Sa mga ganitong panahon pag nasasaktan ako tanging tulog lang ang kakampi ko. Damn! I feel so wrecked.

Ng makahiga ako ay ipipikit ko palang sana ang mga mata ko ng biglang nagring ang cellphone ko. Nakita kong unregistered ang number. Baka si Alli to at gusto niyang sunduin ko siya kung nasaan man siya. Dali dali kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hi hon! I miss you." Si Cassey.

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon