After 7years.....
"Franca, please paki bigay naman saakin yung mga papel na kailangan kong permahan." Very hectic ang schedule ko. Nakakastress ang ganito.
"Yes Ma'am. Wait lang po." Sagot naman niya
Ng umalis ako ng Manila ay napadpad ako sa Davao para mag aral ng business ad. Sa simula ay nahirapan ako ngunit kinaya ko ito. Buti nalang at matyaga ay madiskarte ako.
Meron ding nagpapadala saakin buwan buwan ng 40,000 pero hindi ko ito kilala. Isa daw siyang matandang mayamang na business man. I want to thank him pero ayaq niya namang magpakilala.
Walong taon na pala simula ng umalis ako. Wala akong naging balita sakanila, sa kinilalang pamilya ko at ibang mga kaibigan ko. Si Veronica naman ay tinatawagan ko lang at kinakamusta. Pero di ko sinasabi sakanya kung saan talaga ako nakatira. Talagang in-isolate ko ang sarili ko.
"Ma'am, may tawag po kayo galing sa Manila. Veronica daw po."
"Okay, paki connect naman dito. Thank you."
Ilang saglit pa ay naconnect na ang tawag sa telepono ko.
"Hello----"
"Tang ina mo! Wala ka bang balak bumalik dito!" Sigaw ni Nic sa kabilang linya. Halos mailayo ko ang telepono sa tenga ko.
"Yung mommy mo! Nasa hospital inatake sa puso! Yung tunay mong mommy! Tang ina! Hinahanap kana ng mga tao dito! Kelan pa magpapakita!" Halata ang galit sa kaibigan ko at ineexpect ko na yun.
Halos kumalabog ang puso ko sa nalaman ko. Lakas ng pintig nito. Halos manginignginig ang mga kamay ko.
"U-uuwi ako bukas. S-sang ospital?" Utal na tanong ko.
"Gaga kadin talaga no? Hihintayin mo pang may taong maging malubha para umuwi ka! Hinahanap ka niya araw araw alam mo ba! Nasa Sto. Domingo hospital siya. Pakibilis! Baka abutan mo siya pag patay na. Naku! Sasabunutan na talaga kita!"
Pinatay ko na ang tawag at napahawak sa noo ko. Sabi nga ni Justin Beiber love yourself at yun ang ginawa ko na hindi ko namalayan na sa pag mamahal ko ng sobra sa sarili ko ay nakalimutan ko ng mahalin ang ibang taong nagmamahal din saakin. Ako ba ang naging selfish dito?
Pitong taon din akong balita sa lalaking mahal ko dahil ayaw banggitin ni Nic ang mga bagay bagay tungkol kay Allen dahil baka masaktan lang daw ako.
Nagpabook ako ng pinakamaagang flight papuntang Manila.
Ng makarating ako sa airport at agad na akong nagtungo papuntang Sto. Domingo. Sobrang kinakabahan ako habang nagdadrive.
Napagpasyahan ko nalang na tawagan si Nic para samahan ako.
"Andito na ako sa hospital. Please samahan mo naman ako."
"Ha? Hehehe! Chrissmon! Ihhh....Stop kissing my boobs!" Sabi niya habang tumatawa. Ay nako! Landian pa more.
"Nic! Ang lilibog niyo! Samahan mo ako. Andito ako sa ospital!" Pasigaw na sabi ko.
"O-Okay. I'm going..Ahhhh... Chrissmon!"
Ibinaba ko na ang tawag dahil ko na ata kakayanin ang mga naririnig ko.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang isang babaeng pamilyar saakin at may daladalang bata. Lalaki at babae. Ang cute.
"A-Alliya?!" Pagulat na tanong niya.
"Yes?" "Si Victoria to. Kaibigan ni Allen. Kamusta?" At unti unti ko siyang naalala. Siya pala yung Ex ni Kris a long long time ago. Maybe highschool pa kami noon.
"Vic!" Niyakap ko siya. "Kamusta kana? Anak mo? Turo ko sa dalawang bata." Tumango naman siya at ngumiti
"Achi, Aphy, this is your tita Alliya your Ninong Allen's twin." Napalunok ako sa sinabi niya. Ang alam padin pala nila ay kakambal ko si Allen.
"Hi! Tita ganda! When I grow up I'll marry you." Sabi ng batang lalake na si Achi. Ngumiti ako sakanya. "Sure.. When you grow up." I joke.
"Hi! Tita." Bati naman ng napakagandang si Aphy. Hope na magka anak ako ng mga cute na bata kagaya nila.
"Sige Alliya. Mauna na kami. Kailangan ko pang ienroll ang mga bata." Pag papaalam ni Vic at nagpaalam nadin ako sakanya.
Naglakad lakad ulit ako. Hindi talaga ako mapakali. Tssk! Nasaan na kaya ang flirt kong kaibigan.
Hindi na ako makapaghintay kaya tumuloy na ako sa nurse desk para itanong kung saang kwarto siya.
"3rdfloor room 109 po Ma'am." Sagot ng nurse na andoon. Ngumiti naman ako sakanya at nagtungo na sa kwarto kung nasaan siya...
Ng nasa tapat na ako ng kwarto niya ay abot abot nanaman ang kaba ko. Pinag papawisan ako ng malamig sa noo. Sana lang ay hindi ako manginig pag nagkaharap kami. Magagalit kaya siya? Halo halo ang nararamdaman ko at di ko na alam kung anu-ano ang mga to.
Pinihit ko ang door knob at agad agad na akong pumasok sa loob. Tanging makina lang sa hospital ang naririnig ko. Napatingin ako sa hospital bed at nakita ko siyang nakahiga at natutulog.
Pero laking gulat ko ng hindi lang pala siya ang tao sa loob. Kumalabog ng husto ang puso ko. Andito siya.
Nakatitig lang siya saakin ng walang pinapakitang emosyon. Gusto ko siyang takbubin at yakapin. Sobrang namiss ko siya.
"Matagal ka na niyang hinihintay." Malamig na tugon niya.
"K-kamusta na siya."
"Di mo ba nakikita kung kamusta na siya?" Sarkastiko niyang sabi.
"I hope masaya kana." Bigla siyang tumayo at umabang lalabas na ng kwarto.
"A-Allen."
Tumingin lang siya saakin at tila hinihintay ang sasabihin ko ngunit walang lumabas sa bibig ko. Gusto ko sanang sabihing mahal na mahal ko siya ngunit parang napipe ako.
"I'm so-sorry." Tanging nasabi ko
"You're too late to say sorry. You're already 7 years late."
"Kung wala ka ng sasabihin. Aalis na ako. Cassey's waiting for me. Excuse me." Sabi niya at agad ng lumabas sa kwarto.
Naramdaman ko nalang na may mainit na likidong lumandas sa mga mata ko.
Hindi niya ako nahintay. Sabagay ay may kasalanan din ako ditio. Umalis nalang ako bigla ng hindi siya kinakausap.
Damn! Huli na ang lahat.
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...