Chapter 39

3.2K 120 17
                                    

"Tita! Ninang! Mommy! Gising na siya." Thank God! Gising na siya. 1week din siyang tulog. Gusto kong magalit kay Chrissmon pero alam ko naman na wala siyang kasalanan. Kahit siya ay napuruhan.

Fuck! Dapat ay hindi ko siya hinayaan.

Lumapit din sila mommy kung nasaan nakahiga ang Reyna ko.

"Alliya. Alliya. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

Tinitigan niya lang ako na tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"Anong nangyari saakin?" Nanghihina niyang sabi.

"Nadisgrasya kayo ni Chrissmon. Okay ka langa ba? Alliya..." Hinawakan ko ang kanyanh kamay ngunit hinawi niya ito.

"Sino ka?" Nagulat ako sa tanong niya. Sino ako? Damn it! Nakuha pa niyang makipagbiruan.

"Alliya! Ano ba! Di ito oras para makipag biruan."

"Sino kaba! Sino kayo?! Sino ako?! Bat wala akong maalala!" Halos mag wala siya kaya tinawag ni Mommy ang doctor.

"Doc. Bakit hindi kami maalala ni Alliya? Bakit ganon!" Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw.

"Kumalma ka anak." Hinawakan ako ni Mommy sa balikat. Paano ako kakalma kung ganito! Damnit!

Ilang oras ang nakilipas pag katapos nilang i examine si Alliya ay napag alaman nilang may amnesia nga talaga siya.

Damn that amnesia! Ang akala ko ay sa mga palabas lang ito nangyayari.

Nakatingin lang ako sakanya habang kumakain siya ng apple. Kinakausap siya nila mommy at ako ay nandito sa isang tabi na parang hindi kami magkakilala.

"Mommy?? Uhmm" alanganin pa niyang sabi. "Ano yun anak?" Tanong naman ni tita.

"Parang may naalala ako. Isang lalaki. Kasama ko siya sa isang akasidente. Where is he?" Tanong niya.

"Si Chrissmon. Nasa kabilang kwarto siya anak. Nag papahinga." Sagot naman ni mommy sakanya.

"Is he my boyfriend?" Nagulat ako sa tanong niya. Tang ina! Alliya! Ako ang boyfriend mo!

Tumingin saakin si mommy at si ninang na tila naaawa. Oo! Tama yan kaawaan niyo ako kasi hindi ako makilala ng babaeng mahal ko.

"Si Allen ang boyfriend mo anak." Tumingin saakin si ninang dahilan para mapatingin din saakin si Alliya.

"Ikaw ba?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil agad akong umalis sa kwarto niya.

Tang ina. Ang sakit pala ng ganon. Hindi ka niya kilala pero yung kaibigan ko kilala niya.

Habang nakaupo ako dito sa labas ng kwarto niya ay nakita kong papunta sa dereksyon ko si Nic at tulak tulak si Chrissmon na naka wheelchair. May bali siya at madaming sugat. Mas madami pang sugat kesa kay Alli.

"Pare, hindi ko naman sinasadya. I'm sorry." Nakatingin lang ako sakanya. Gusto kong magalit sakanya pero hindi. Ako ang may kasalanan dito kasi nagpabaya ako. Meron na nga si Alli sa buhay ko pero hindi naman niya ako kilala.

"Wala kang kasalanan." Ngumiti ako sakanya. "Sinubukan ko naman eh.. Hinarangan ko siya para di siya mapuruhan. Tang ina talaga." Sabi pa niya.

"Anjan siya. Gising hinahanap ka nga eh." Sabi ko at sinamahan sila sa loob.

Ng makita ni Alliya si Chrissmon ay abot langit ang ngiti nito.

"You! Ikaw nga. Ikaw yung kasama ko.. How are you? Are you fine?" Hinawakan niya ito sa mukha, hinahaplos haplos niya ito at tila nag aalala.

Napakunot naman ng noo si Chrissmon. Siguro ay hindi pa niya alam na may amnesia si Alliya.

"You're weird Alliya." Komento nito sakanya.

"Sino ka?" Baling niya kay Nic. "Ako si Veronica. Bestfriend mo." Halata din kay Nic na nalulungkot siya.

Ngumiti lang si Alliya at ibinaling ulit kay Chrissmon ang tingin. "You're my boyfriend right? And not him?" Turo niya saakin.

Tila gulong gulo si Chrissmon sa sinasabi ni Alliya. "What the fuck! Allen." Sabi ni Chrissmon na nakatingin saakin na tila humihingi ng tulong.

"May amnesia siya." Sabi naman ni Veronica sakanya.

Nagulat si Chrissmon sa nalaman niya. Nalilito din siya kung bakit siya ang sinasabing boyfriend ni Alliya.

"Niyakap mo ako bago tayo bumangga! I know.. Naalala ko yun." Sabi niya na parang naiinis kay Chrissmon.

"What the! I did that to protect you. That's all. Alliya. Umayos kanga." Sagot naman ni Chrissmon.

"You protected me because you love me." Sabi niya na parang naluluha na.

Ang sakit pala. Shit! Bakita hindi nalang ako yung nag hatid sakanya. Para ako yunh huling naalala niya. Fuck!

Lumabas na ako dahil hindi ko kayang marinig ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Feeling ko nga ay talagang mahal ni Alliya si Chrissmon dahil sa pag kislap ng mga mata niya ng makita siya.

Narinig ko nalang na sumisigaw si Alliya kaya agad akong pumasok sa loob.

"What happened?!" Sigaw ko. Nakahawak siya sakanyang ulo at tila parang sakit na sakit ito.

"I...I don't know. Bigla nalang sumakit ang ulo niya. I'll call the doctor." Sabi ni mommy habang si ninang naman ay pinapakalma si Alliya. Gusto ko siyang hawakan pero gusto niya bang hawakan ko siya?

Ng kumalma si Alliya ay agad na siyang nakatulog. Kinausap namin ang doctor niya kung bakit naalala niya si Chrissmon.

"Ganon talaga. May mga cases na naaalala ng pasyente ang bagay bago siya madisgrasya at kasama si Mr. Villanueva doon." Paliwanag ng doctor.

"Pero bakit di niya ako kilala kung ganon?" Tanong ng nakawheelchair na si Chrissmon.

"Ang naalala niya lang ay ang mga nangyari." Paliwanag ulit na doctor. "Di siya pwedeng mastress. Kung ano man ang mga bagay na pwedeng magpakalma sakanya ay sana ibigay niyo.

Hindi ako makapgsalita sa sinabi ng doctor. Naniniwala na ko sa sinasabi nilang 'So near yet so far'

Tumingin ako kay Chrissmon at sinabi ko sakanyang mag usap kami sa labas ng kwarto at sumunod naman ito kasama si Nic.

"I need your help bro." Seryosong sabi ko.

"Ano yun?"

"Magpanggap ka munang girlfriend mo siya." Okay na siguro to. Atleast kaibigan ko siya at alam kong hindi niya ako gagaguhin kahit na sana ay gusto ko ay ako ang maging kasama niya habang nag papagaling.

"Anong kabaliwan yan bro?!"

"Please?! Hindi mo ba nakita yung mukha niya ng makita ka? Pare please." Tumingin ako kay Nic. "Wag ka munang lumapit kay Chrissmon. Please? Alam kong sobra ang hinihiling ko. Gusto ko lang na gumaling siya. May tiwala ako sayo Chrissmon." Hinawakan ko ang balikat niya.

"O-okay." Sagot ni Veronica pero halatang nag aalalangan.

"Pare, paano kung gusto niyang yakapin ko siya? Paano kung gusto niyang halikan ko siya? I don't want to die pare. Baka mapatay mo ako."

Pumikit ako bago muling magsalita.

"If...If she wants a hug or a kiss from you...Then. Just....Do it."

Para sayo Alliya. Okay lang saakin ang ganito.

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon