"Hindi ka na ba talaga galit saakin?" Tanong ko sakanya habang nasa byahe pauwi. "Hindi na." Ngumiti siya sakin. "Sana pala palagi akong galit para palagi akong may kiss." Sabo ulit niya. Namula naman ang pisngi ko dahil doon. Kahit naman hindi siya galit kung pwede lang hahalikan ko siya araw araw e.
Ng makarating kami sa bahay ay agad kaming pumasok ng magkahawak ang kamay. Nakita namin si Mommy na nakaupo sa sofa at nakatitig sa mga kamay namin kaya agad naming tinanggal ang pagkakahawak namin sa isa't isa. Sa titig ni mommy ay tila parang may kakaiba at hindi ko alam kung bakit.
"Alli, sa Korea kana mag aaral." Malamig na sabi ni mommy. Nakita ko ang kulay pink na maleta ko sa tabi niya. "B-bakit mommy?" Takang tanong ko sakanya. "Doon ka muna titira sa Tita Gretta mo." Sabi ulit niya.
"Mommy. Bakit siya lang? Tyaka bakit siya lilipat?" Tanong naman sakanya ni Allen. "Siya lang Allen." Malamig na sagot ni mommy.
"Mommy may problema ba?" Tanong ko dahil kakaiba ang aura ni mommy ngayon hindi ko lang mapatanto kung ano yun. Walang halong emosyon ang kanyang mukha pero iba ang sinasabi ng kanyang mata.
"Alam niyo diba na hindi pwede ang isang relasyon sa magkamag anak? Anong tawag kasi doon Alli?" Tanong sakin ni mommy. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niyang yun.
"Mommy! Ano ba talagang problema!" Halos pasigaw na tanong ni Allen sakanya. Kinuha ni Mommy ang cellphone niya at ipinakita ang isang video. Halos mahulog ang panga ko ng mapanood ko ang video. Ito yung halikan namin ni Allen sa locker room kanina. Halos marinig ko ang pag tibok ng dibdib ko ng dahil sa kaba.
"Ano to? Pwede niyo bang ipaliwanag kong ano to?" Kalmang tanong ni mommy ngunit halatang nag titimpi lang siya ng galit. "Sorry mommy. Mahal ko po kasi si Alli." Matapang na sagot ni Allen kay mommy. "Mahal? Anong pag mamahal? Mahalin mo siya bilang isang kapatid! Hindi yung ganito! Hindi ba kayo nandidiri!" Hindi na napigilan ni mommy. Napasigaw na siya sa harapan namin at ngayon lang namin to nakita.
"M-mommy. S-sorry." Sabi ko sakanya. Napaiyak nadin ako. Alam kong dadating ang araw na to. Sana lang ay nakapaghanda ako. "Hindi ko alam kung saan ako nag kulang sainyo. Bakit nagkaganyan kayo." Sabi ni mommy. Habang humihikbi "mom. Hindi naman namin sinasadya. S-sorry" nakayuko lang si Allen.
"Hindi na kayo pwedeng magsama sa iisang bahay. Bukas na bukas din ay lilipad kana pupuntang Korea." Sabi ni mommy at tumalikod na saming dalawa at umakyat na at nagtungo sa kwarto niya.
Gusto kong sampalin ang sarili ko ng dahil doon. Nasaktan ko si mommy. Hindi ko naiisip ang mga bagay na to. Na labis labis siyang masasaktan ng dahil sa ginawa namin ni Allen.
Hinawakan ako ni Allen sa braso at agad ko namang tinggal to. "Alli." Pag tawag niya sa pangalan ko. "A-Allen. Kailangan na nating itigil to." Alam kong masasaktan ako pag itinigil namin to. Pero mas masasaktan akong makita si mommy ng nasasaktan ng dahil sa kagagawan namin ni Allen.
"Alli. Mag usap muna tayo. Please." Hinawakan niya ulit ang braso ko pero agad ko ding tinanggal to. "Allen ano ba! Hindi mo ba nakita si Mommy ha!?" Sigaw ko sakanya habang bumubuhos ang mga luha ko sa mata. "Sa simula palang e. Alam ko na. Alam nating pareho na maling mali ito. Pero bakit nagawa natin to." Napasabunot ako ng buhok dahil hindi ko na alam ang gagawin sa sitwasyong ito. "Mahal kita Alli. Mahal mo ako." Sabi ni Allen na parang wala lang sakanya. "K-kung gusto mo alis tayo. Tayong dalawa. Sa walang nakakilala satin. Please Alli." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Tinulak ko ko siya. "Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo Allen!? Dapat pala nung una palang pinigilan ko na to. Pinigilan ko na tong nararamdaman kong to. Maling mali to Allen. Ayaw kong traydurin si Mommy. Susunod ako sa gusto niya. Aalis ako. Aalis ako para mawala lahat ng nararamdaman natin para sa isa't isa. Incest to Allen pag baliktarin mo man ang mundo. Hindi pwedeng magmahalan ang magkapatid ng ganito. M-maghanap ka nalang ng iba. Please ." Hingal na hingal ako pagkatapod kong magsalita. Nakita kong namula ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang vase na nasa maliit na lamesa at walang pasabing binalibag niya ito. Nagulat ako sa ginawa niya. Nagkalat ang mga peraso ng vase sa sahig.
"Tang ina! Putang ina! Sana talaga hindi nalang kita kapatid! Tang ina! Sige umalis ka! At sa oras na bumalik ka dito, ipinapangako kong may iba na ako! Sakit Alli. Ang sakit lang! Bakit kasi naging kambal pa kita!" Pagkasabi niya non ay ihinagis lang niya ang kanyang backpack at lumabas ng bahay. Ako naman ay naiwang mag isa at umiiyak.
Hindi ko kaya. Yun ang nasa isip ko. Iniisip ko palang na may iba na siya ay para na akong mamamatay sa sakit. Pero ano bang magagawa ko? Wala. Ayaw kong masaktan si Allen. At mas lalong ayaw kong masaktan si Mommy. Kaya pipiliin ko kung ano ang tama.
Pupunta ako sa Korea para mag simula. Para makalimot at para narin sa kapatid ko. Alam kong wala na siyang pakialam sa kung ano ang tamang gawin sa hindi. Kaya ako nalang ang kikilos. Siguro ay balang araw ay makakahanap din siya ng babaeng pwedeng pwede niyang mahalin. Yung babaeng hindi parehas sa apilyedo niya.
Damn! It hurts me so much. I don't want to do this but I need to. Para kay Mommy. Para wala ng masaktang iba pa. Kahit ako nalang. Kahit ako ng sasalo ng sakit. Wag lang ang mga taong mahal ko.
Someday...Makikita mo din ang babaeng nararapat sayo Allen. Masakit man isiping hindi ako yun. Pero para sayo, magiging masaya ako. Kasi mahal kita, hindi man kita pwedeng mahalin kagaya ng gusto nating mangyari, pero sa abot ng makakaya ko, mamahalin kita kahit bilang kambal ko nalang.
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...