"Napano yun?" Tanong ni Chrissmon sa dalawa.
"Ewan. Biglang nag walk out." Nakakunot noong sabi ni Sanford. Si Sheldon naman ay naka poker face lang.
At kahit ako ay hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari sakanya. Hindi ko alam kung bakit ganon siya makareact. Iniisip ko kung may nasabi ba ako, kung may nagawa ako. Pero sa tingin ko'y wala naman.
Bumalik din si Allen ng pumasok na ang teacher namin pero di na siya umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang bag niyang tribal at umupo sa tabi ng tatlo.
Tinignan ko lang siya hanggang sa makaupo siya. Ano kayang problema ng isang to. Lagot sakin to mamaya.
"Anong problema niyang kambal mo?" Tanong ni Veronica sakin.
"Di ko nga alam e. Bahala siya sa buhay niya." Sabi ko at tumingin na sa teacher.
Madali lang namang natapos ang klase namin maghapon. Ang saya ng first day ng klase dahil may mga nakilala akong bagong mukha. Ayun nga lang natatakot akong makipag kilala sa mga lalake dahil baka buntalin lang sila ng kambal ko.
Ng makasakay ako sa kotse ay andun na si Allen. Di niya ko tinitignan. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
Nagsimula ng magdrive si manong. Si Allen naman ay di gumagalaw.
"Allen." Sabi ko sabay kalabit sakanya.
"Ano ba!" Hawi niya sa kamay ko.
"Sungit mo naman. Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya.
"Wala!" Pabalang na sagot niya.
"Eh bat ganyan ka!" Di ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw sakanya. Halos maluhaluha din ako dahil sa inaasal niya.
"Alam mo Alli! Putak ka ng putak! Manahimik ka na nga!" Sabi niya.
Ng dahil sa sinabi niya ay napahagulgol na ako. Sumasakit ang dibdib ko. Hindi ko al kung bakit inaaway niya ako. Wala naman akong ginagawa sakanya e.
Napatingin siya sakin. Hindi niya ako pinapatahan. Hindi gaya noon. Hindi ko alam kung bakit ganyan na siya ngayon.
"Alam mo bang pinapanalangin kong sana hindi nalang kita naging kambal? Sana hindi nalang kita kapatid." Malamig na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya. Parang may mga karayom na tumutusok tusok sa dibdib ko. Sobrang sakit ng mga sinabi niya.
Akala ko, magkakampi kami. Akala ko, walang iwanan. Yan yung sinasabi niya palagi sakin. Pero bakit ngayon parang wala na yun? Bakit ganon na siya sakin ngayon?
"A-ang s-sama mo." Sabi ko habang umiiyak.
"Masama na kung masama. Basta ayaw na kitang maging kapatid magmula ngayon." Sagot niya ulit.
"Okay sure. Kung ayaw mo sakin. Aayawan nadin kita." Sabi ko at pinahid ang mga luha ko sa pisngi ko.
Magmula nong araw na yun ay hindi na kami nag papansinan. Nagpapanggap nalang kami pag nakaharap si Mama saamin.
3rdyear highschool na kami, dalawang taon nadin simula nung araw na napag desisyunan naming wala ng pakialamanan. I hate him and I know he hates me to. Hindi mawawala sa isip ko ang mga sinabi niyang ayaw niya kong maging kambal kahit na maging kapatid ay ayaw niya.
Naglalakad ako sa school ng biglang may narinig akong nagsisigawan sa gym.
"Best! Halika si Allen at si Ryan nagsusuntukan." Hingal na hingal si Veronica
Si Ryan ay ang matagal ko ng manliligaw.
Nasa gitna sila ng gym. Pinapalibutan ng mga tao. Si Ryan ay nakahandusay sa sahig habang si Allen ay nakahawak sa kwelyo niya.
"Gago ka!" Sigaw ni Allen sakanya.
"Allen!" Tawag ko sakanya. Napatayo siya. May dugo sa gilid ng kanyang labi pero mas grabe ang nangyari kay Ryan.
Lumapit ako sakanya at sinampal siya.
"Ano bang problema mo! Basabulero ka talaga! Lahat nalang ng mga nanliligaw sakin binubugbog mo!" Sigaw ko. "Diba wala ng pakialamanan? Bakit nangingialam ka ngayon!"
"Ginagawa ko to para sayo!" Sabi niya sakin.
"Para sakin?! Nakakabuti ba yang pambubugbog mo sakin ha!" Sabi ko sinuntok suntok ko ang kanyang dibdib.
"Oo! Alam mo ba kung bakit ko binubugbog yan! Ha! Nakita ko siyang mau kahalikan sa Cr ng mga lalaki! Ano? Ang akala mo! Binubugbog ko lang sila ng walang dahilan! Hindi ako basabulero gaya ng inaakala mo! Prinoprotektahan kita sa mga lalaking gaya nito!" Tinuro turo niya si Ryan. "Ayaw kitang masaktan! Ayaw konh makita kang iiyak ng dahil sa mga gagong to! Mahal kita e. Mahal na mahal kita!........
...kapatid kita e. Kambal kita." Pagkasabi niya non ay agad na siyang umalis sa harap ko."Tabi!" Sigaw niya sa mga taong nakapalibot samin.
Napaupo ako ng dahil sa sinabi niya. Bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. All this time akala ko, wala siyang pakialam sakin. Akala ko wala nalang ako sakanya. Pero nagkamali ako.
Si Ryan ay binuhat na ng ibang mga studyanteng nakapalibot kanina siguro ay dadalhin sa clinic. Unti unti na ding nagsi alisan ang mga tao pero ako'y nakaupo padin sa gitna.
"Alli. Halika na." Sabi ni Veronica sakin ng kaming dalawa nalang ang nandun.
"Bakit, ang sakit?" Tanong ko bigla. "Para akong nabroken hearted. Linsyak yang Allen na yan." Mahinang sabi ko.
"Halika na. Tayo kana. Ganyan talaga. Kapatid ka niya e. Kambal kayo." Sabi ni Veronica habang tinutulungan akong tumayo.
"Mahal na mahal ko talaga si Allen." Hindi ko alam kung bakit ganon ang lumabas sa bibig mo.
"Para kayong mag girlfriend boyfriend." Sabi naman ni Nic. "Kung di ko lang alam na magkambal kayo, iisipin kong may relasyon kayo.
Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang natuwa akong isipin ang mga yun. Bakit ganon? Kambal kami at di pwede yun.
"Ano kaba! Kambal kami" Sabi ko naman sakanya. Sumisinghot padin ako. Namumula padin ang ilong ko dahil sa pag iyak kanina.
"Kaya nga sabi ko diba kung hindi lang kayo magkapatid." Tumingin siya sakin at nag make face siya.
Ng makarating kami sa room ay bigla akong napatingin kay Allen na may band aid na sa malapit sa kanyang labi. Tinignan niya lang ako ng malamig na titig at bumaling na ulit sa mga kaibigan niya.
Minsan talaga, ang gulo gulo ni kambal ko. Ipapakita niyang mahal niya ako at wala siya pakialam sakin at the same time. Siya lang ata ang nakakagaw niyan.
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...