Chapter 14

3.9K 128 8
                                    

Ng makarating ako ng Korea dito sa Gangnam city ay halos mawalan na ko ng gana. Ni hindi siya sumama ng ihatid ako ni Mommy. Ang huling pag uusap namin ay yung gabing nagtalo kami at tinapos na ang lahat saamin. Sabagay ay hindi naman talaga kami dapat at walang happy ending samin.

Lahat ng social media account niya ay deactivated nadin kaya umaasa nalang ako sa mga post ng mga kaibigan niya. Pilitin ko man ang sarili kong kalimutan siya ay hindi ko parin magawa. Ang hirap. Kaya ngayon naiintindihan ko na yung mga taong hirap na hirap sa pag momove on dahil nararanasan ko na siya ngayon.

Pumapasok ako sa isa sa mga pinakamalaking school dito sa Gangnam. Anim na buwan din akong nag aral ng hangul. Sa una ay mahirap. Mahirap makisama sa mga hindi ko naman kauri pero wala ng mas hihirap sa pangungulila ko sa kambal ko. Yung lalaking unang minamahal ko.

(Isipin niyo nalang na korean ang salita dito.)

"BeunEe! Hindi kapa ba kakain?" Tanong sakin ni Yuna ang unang naging kaibigan ko dito. Ang Korean name ko ay Ee BeunEe at yun ang ginagamit ko dito. "Gutom na nga din ako e. Tara sa cafeteria?" Pag yaya ko sakanya.

Madami akong naging kaibigan dito sa Korea. At dahil doon ay minsan nawawaglit sa isipan ko si Allen. 1year nadin pala ang nakakalipas. Ang balita ko ay sa Lux university siya nag aaral ngayon. Minsan naiisip ko kung may Girlfriend na kaya siya ngayon? Pero sa tuwing naiisip ko yun ay sumasakit lang ang dibdib ko.

Palagi kong nakikita sa mga post ng mga kaibigan niya ang iba't ibang picture kasama siya pero wala naman akong napapansing ibang babae, meron may ay babae naman ng mga kaibigan niya.

Ng makarating kami sa Canteen ay umupo kami sa table kung nasaan man ang iba pa naming mga kaibigan.

"Oh! Sojun si Beunee." Kantyaw ng mga kaibigan ko. Well si Sujon ay isa sa mga dakilang manliligaw ko. I like him pero hindi pa dumadating sa point na talagang nahuhulog na ko sakanya. Well, gwapo naman siya mukha siyang Kpop star.

Umupo ako sa tabi niya. "May gagawin kaba mamaya?" Tanong niya sakin. "Wala naman. Bakit?" Tanong ko pabalik sakanya. "Gusto kong manood ng sine. Yayayain sana kita. Kung okay lang sayo." Nahihiya niyang sabi. "Sure!" Ngumiti ako sakanya. Siguro ay panahon nadin para naman makapag umpisa na ulit ng bago. Yung pwedeng pwede.

Pagkatapos nga ng klase namin ay pumunta kami sa mall at nanood ng sine. Yung tipikal na ginagawa ng nag liligawan. Mabaet si Sojun. Halos sa lahat ng bagay ay compatible kaming dalawa at doon ako natuwa sakanya. Naging malapit kaming dalawa dahil tinuturuan niya ako sa mga Korean words na di ko alam at tinuturuan ko din siya mag english. Doon kami nag simula noon.

"Malapit na pala ang Christmas break. Hindi ka uuwi ng Philippines?" Tanong niya. "Hindi. Gusto ko dito." Simpleng sagot ko naman sakanya. Ngumiti siya saakin at ibinalik ang kanyang paningin sa screen...

Unang paskong hindi ko sila kasama. Nakakalungkot isipin na ibang pamilya ang kasama ko.

Pagkatapos naming manood ng sine ay ihinatid niya ako sa harap ng bahay namin. Papasok na sana ako ng tinawag niya ang pangalan ko. "BeunEe." Mahinahong tawag niya. "Oh bakit?" Tanong ko naman sakanya. "Umm...hindi naman sa magmamadali ako. Pero gusto ko kasi ng assurance. M-may pag asa ba kayang sagutin mo ako?" Tanong niya. Lumapit ako sakanya at ngumiti. "Sa tingin mo ba ay magpapaligaw ako kung walang pag asa? Bigyan mo pa ako ng konting panahon." Bigla namang nag liwanag ang kanyang mukha. Niyakap niya ako at paulit ulit na nagpasalamat ng biglang.

"Ehemmm..." Humiwalay ako sa pag kakayakap ko kay Sojun at hinanap ang pinanggalingan ng boses na yun.

Biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng makita ang matagal ko ng gustong makita. Ayan nanaman yung malakas na pintig ng puso ko.

"A-Allen." Halos pabulong kong tawag sakanya. Ngumiti siya sakin. Yung ngiting kakaiba yung ngiting parang nangungutya. "Yes my TWIN. It's me." Binigyan niya ng diin ang salitang twin. "Ohh..May kasama ka pala." Baling niya kay Sojun. Si Sojun naman ay hindi kumikibo at palipat lipat lang ang tingin niya samin dahil wala naman siyang maintindihan. "Sojun kambal ko siya. Si Allen. Uhmmm...Sige na...kita nalang ulit tayo bukas. Ingat ka. Anyeong." Nagpaalam nadin siya at umalis.

Kaming dalawa nalang ni Allen ang nandito. At hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. At tyaka anong ginagawa niya dito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. "Vacation." Simpleng sagot niya. "Kasama mo si Mommy?" Tanong ko. "No. Ako lang." Sagot niya. Nakakapagtaka na pinayagan siya ni mommy'ng pumunta dito.

"I'm with someone else Alli....Ohhh! Ee BeunEe rather." Parang may kung anong bumabagabag sa saakin. Sino ang kasama niya? At bakit para akong kinakabahan.

"Hon...." May lumabas na napakagandang babae sa may gate at lumapit ito kay Allen at hinagkan. Naka ponytail ang kanyang buhok at naka dress ito. Kamukha niya si Yoona ng SNSD. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Feeling ko may nabasag sa bandang may dibdib ko. Gustong tumulo ng luha ko. Pero pinipigilan ko. "Ohhh...Ikaw ba si Alli? Hello! Ako si Cassey." Lively niyang pagbati. "H-hello." Pinilit kong ngumiti sakanya. "Alam mo palagi kang kinikwento sakin ng kambal mo." Sabi pa niya. "Hon...Tama na yan. Mag pahinga na muna tayo." Sabi naman ni Allen. "Okay. Sunod ka nalang. Aayusin ko yung tulugan natin." Hinalikan ni Cassey si Allen sa labi at umalis.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong sumigaw o umiyak. Damn! Dapat masaya ako para sakanya e. Pero bakit parang hindi?

"G-Girlfriend mo?" Alam ko naman ang sagot tinanong ko pa. Para ko lang sinaksak ang sarili ko...
.

"Yeah. My NEW love of my life." Ngumiti siya na parang masaya siya sa sinabi niya. Halata ko naman yun dahil kung paano niya ako tignan noon ay ganon niya tignan si Cassey ngayon and my heart breaks because of that.

May gustong kumawalang luha sa mata ko pero agad ko din itong pinunasan gamit ang palad ko.

Ngumiti ako at lumunok.

"F-finally....C-congrats."

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon