Chapter 3

5.6K 177 18
                                    

"Mommy. Ang lalaki na namin. Kailangan pabang hanggang ngayon iisa padin ang kwarto naming dalaw?" Narinig ko si Allen na nagmamaktol sa kwarto namin.

Ng makarating ako sa kwarto namin ay nakita ko siyang nag aayos ng mga gamit niya. Mukhang lilipat siya ng kwarto.

"Alam mo namang takot ang kapatid mong mag isa sa iisang kwarto eh." Sabi naman ni mommy habang nakaupo sa kama ko.

"Mommy. Hayaan mo na siya." Malamig na sabi ko at tumuloy papunta sa kama ko at umupo.

Hindi ako pinapansin ni Allen. Bahala na siya sa buhay niya. Kung gusto niya akong iwasan. Okay sige. Ganyan siya kagalit sakin. Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Sinasabi niyang mahal niya ako, pero ganyan naman yung pinapakita niya sakin.

"Okay ka lang ba na mag isa kana dito?" Nag aalalang tanong sakin ni mommy.

"Oo my. Kaya ko na siguro." Pero ang totoo'y natatakot ako.

"Osiya. Mag hahanda na muna ako ng meryenda sa baba." Suminghap si mommy at tuluyan ng lumabas sa kwarto namin ni Allen or I should say kwarto ko nalang pala ngayon.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin.

"Ganyan mo ba talaga ako kinamumuhian. At iiwan mo akong mag isa dito?" Malamig na tanong ko sakanya.

"Hindi kita kinamumuhian." Mabilis niyang sagot.

"Eh bat ganyan ka. Ang sabi mo kanina mahal na mahal mo ako. Pero bat ka ganyan?" Tanong ko ulit sakanya.

Tumayo siya at humarap sakin. "Mahal na mahal kita Alli kasi kapatid kita. Kambal tayo. Pero naiinis akong naging kapatid pa kita." Sabi niya.

Sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya. Ang gulo niya. Hindi ko makuha ang nais niyang sabihin.

"Bakit mo ko iiwanan mag isa dito? Magkapatid tayo. Hindi ka dapat naiinis doon." Pinipigilan kong wag tumulo ang mga luha ko.

"Ganon yung nararamdaman ko e. Naiinis ako." Sabi niya. "Jan lang ako sa kabila. Hindi kita iiwan." Pag habol niya.

"Ano bang gusto mong gawin ko para hindi kana mainis sakin?" Tanong ko. Ayaw kong tuluyan kaming magkasira ng kapatid ko. Mahal ko siya e.

"Gusto kong hindi kana makita. Nahihirapan ako pag nakikita ka. Lumalala lang kasi e." Sagot niya habang patuloy na nag hahakot ng mga gamit niya.

Nasaktan ulit ako sa sinabi niya. Gusto niyang di na niya ako makita. Samantalang ako gusto ko anjan lang siya.

"Lumalala ang alin?!" Sigaw ko sakanya.

"Lumalala tong nararamdaman ko Alliya. Lumalala pag nakikita kita! Kaya pwede ba! Wag ka ng magtanong!" Sigaw naman niya pabalik sakin.

"Ano bang nararamdaman mo! Magusap tayo!" Lumapit ako sakanya at hinilahila ang kanyang damit.

"Wala ka na doon! Para satin din tong dalawa. Kaya sana magpasalamat ka nalang." Malamig na sagot niya.

"Eh bat nangingialam ka sa buhay ko? Sa mga nanliligaw sakin ha?!!" Tanong ko ulit.

"Dahil mga gago sila! Sa tingin mo ba gusto ka talaga nila? Oo! Gusto ka nila dahil mayaman at maganda ka. Yun lang! Hindi mo ko mapipigilan sa mga bagay na yun. Mangingialam at mangingilam ako!" Sigaw niya "Ayaw kong saktan ka ng mga lalaking yun." Bulong ulit niya.

"Allen, wala tayong tatay. Wala ng ibang lalaki sa buhay ko. Ikaw lang. Tapos ganito pa tayo? Mahal kita eh. Magkapatid tayo." Tumulo na ang mga luha ko.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. "I'm sorry my Princess. Mahal din kita. Hayaan mong gawin ko to. Para satin din to. Maiintindihan mo din ako, pag nawala na tong nararamdaman ko sasabihin ko sayo." Hinahaplos niya ang buhok ko. Hinalikan niya ang noo ko. "I love you my Princess." Sabi niya at umalis na.

Sana nga maintindihan ko yun pag dating ng panahon. Kasi litong lito ako sa mga sinasabi niya. Ano ba kasing nararamdaman niya? Bat ayaw niyang sabihin sakin?

Pero sabi niya mahal niya ako. Yun ang panghahawakan ko.

Pagkatapos kong magpalit ng pambahay ay lumabas ako ng kwarto para mag meryenda sa sala. Bumaba ako papunta sa sala ng biglang may narinig akong nag uusap sa may garden.

Sinilip ko ito at nakita kong si Mommy at di kilalang babae ang nag uusap. Mukhang galit si mommy.

"Pwede ba Mia, masaya na siya. Sobrang saya. Tapos ngayon kukunin mo siya? May kasunduan tayo Mia." Mahinahon ngunit may diin na sabi ni Mommy.

"G-gusto k-ko lang siyang m-makita." Sagot naman ng babae.

Tinalikuran ko sila at umakyat nalang ulit sa kwarto. Dahil ayaw ko ng mapakinggan ang pag uusapan nila, mukhang napaka importante ata yun.

Bago ako pumasok sa kwarto ko ay sinilip ko muna sa Allen Sa bagong kwarto niya.

Lumapit ako sa kanya at ipinantay ko ang mukha ko sakanya. Nakadapa siyang natutulog. Medyo magulo ang kanyang buhok at bahagyang nakanganga. Ang tangos ng ilong niya, ang perpekto ng hugis ng mukha niya

Ang gwapo talaga ng kambal ko. Kaya siguro madaming nagkakagusto sakanya. Siguro nga kung hindi ko lang siya kapatid, baka nainlove na ako sakanya e. Baka nga mamahalin ko na siya.

Pero mahal ko naman siya. Pero hindi yung ganong pagmamahal. Mahal ko siya kasi kapatid ko siya, tumitibok ng malakas yung puso ko para sa kanya pag anjan siya kasi nga mahal ko siya, kasi kapatid ko siya. Yun yun. Hay naku! Kung anu-anong naiisip ko.

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon